Chapter 3: Lovers' Park

31 4 0
                                    

CHAPTER 3: Lovers' Park

“He’s… He’s here.”

Andito si Kyle? Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako? Wag mo sabihing .. may gusto siya sa akin? Hala! Wala akong alam tungkol dyan. NBSB ako. Tsaka, di ganun kataas self-esteem ko. Baka maturn-off siya sa akin. Masasaktan lang ako. Hala! Pano yun? Kikiligin ba ako? Shit naman kasi Kyle. Ano bang ginagawa mo dito? Ughh!! Pa-paano k-kung li-ligawan niya a-ako? Hindi ko ala—

“Kiv..Kiv..Kiv..” huh? Ano yun?

“Aray!” sigaw ko. Grabe, may humatak ng tenga ko. Ang sakiiiit! TT_______TT

“Yes Miss Anderson?” tanong ni Ma’am.

Hala! Shit! Nasa klase pa pala ako. Ano bayan Kiv. You’re a mess. -_________-

“Ahh. Uhmm.. Sorry po Ms. may.. may kumagat po sa akin.. uhh.. lamok… opo tama nga po, uhh.. lamok po. Ehehehe” sabi ko habang hinahawi ko yung harap ko, kunwari may lamok.

“Ah ganun ba. O sige, papa-sprayan ko tong room niyo mamaya. Okay? “ sabay ngiti ni Ms.

Phew! Nakalusot pa. Letche naman kasi tong si Aud eh.

“Pfftt—hahahahaha” mahinang tawa nila Aud at Nadine sa akin..

Aba loko tong dalawang to ah. Tawanan pa daw ako.

“Bwisit ka Aud. Ano na naman ba yun ha?” inis kong sabi.

“Hahahaha.. eh kasi.. hahahaha.. ikaw kasi eh… hahahaha.. tulala ka na naman.. hahaha.. kay.. kay Papa Ky---“

Hindi ko na siya pinatapos, lumalakas na kasi yung boses niya eh. Nakakahiya kaya. Kaya tinakpan ko yung bibig niya.

“Crush mo si Ky—“ may sasabihin pa sana si Nadine kaso pinutol ko na siya..

“Ma’am may I go out?” tanong ko sa teacher namin.

Ang tagal niyang sumagot. Hays, ano bayan!!!

“Yes you may. Bilisan mo okay? Para matuloy na natin yung discussion.”

“Yes po Ma’am.” Sagot ko naman, habang nagmamadali akong lumabas.

Shit!!! Grabe. Umaga pa lang, pero sirang-sira na mood ko. Ano ba naman kasi eh.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hala grabe, haggard na haggard na kagad itsura ko. :3 Naghilamos na ako at kaagad ko namang kinuha yung suklay at compact powder ko at nag-aayos na ako. Binilisan ko na rin dahil sabi ni Ms.

Ilang minute lang at bumalik na ako sa room namin.

Binuksan ko ang pinto at kaagad ng bumalik sa kinauupuan ko.

“Naks. Nagpaganda ah. Ganyan ba kapag anjan si—“ bungad ni Aud sa akin na kaagad ko namang sinamaan ng tingin.

Nag-peace sign siya sa akin at nakinig na kami sa pagpapatuloy ni Ms.

Habang nagdidiscuss si Ms. ay may biglang kumalabit sa akin..

Kaagad naman akong lumingon sa tabi ko.

“Hi! I’m Vigo. Ikaw?”

Si-si Vigo.. inilahad niya yung kamay niya

“Uhh..uhmm.. Kiv.” Tinignan ko naman siya, bakit parang may hinihintay siya?

Maya-maya ay ikinamot niya yung kamay niya sa ulo niya..

Not Familiar With That 4 Letter Word Called L.O.V.ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon