ISANG KAKAIBANG PAGLALAKBAY

66 0 0
                                    

Ang pagtatapos ng periodicals ay agad namin ginunita sa aming pag-gala. Kasama si Abby at Flor, kami ay nagtungo sa SM Sucat kung saan nasubok ang aming mga kakayahan sa pag-iwas sa mga bagay-bagay at pagtatago sa mga tao. Sa totoo lang, nais naming sanang magpakasaya at magpakaligalig sa MoA, ngunit dahil sa hindi pagpayag ng aking pinakamamahal na ina ay napagdesisyunan naming sa SM Sucat na lamang ito gawin. Siyempre, kumain kami ng aming tanghalian sa McDonald's. Matapos nito ay ninais na lamang namin na mag-ikot sa buong mall, ngunit dahil sa kagustuhan ng dalawa ang MAGLAKAD AT GALUGARIN ANG LUNGSOD NG LAS PINAS, napagisip-isip namin na lakarin ang buong C5 Extension Road upang makarating sa nasabing lungsod.

Ang C5 Extension Road ay ang kalsadang nagbibigay daan sa mabilis na paglalakbay sa pagitan ng Lungsod ng Paranaque at Las Pinas. Mula sa SM Sucat ay aming binagtas ang napakahabang kalsada kung saan maraming puno, at may mga pagkakataong kami lang ang naglalakad sa kalsada. Napakasarap ng sariwang hangin na siyang sumalubong sa amin sa aming paglalakad, kasama ang iba't-ibang kwneotng aming baon-baon mula pa sa klase. Isang mahabang paglalakbay ito, pagkat mula sa SM Sucat ay nakarating kami sa Barangay Pamplona Tres, Las Pinas City sa pamamagitan lamang ng PAGLALAKAD. Hindi namin alam kung bakit namin ito ginawa, at para sa akin isa pa rin itong hiwaga kung bakit namin ito ginusotng gawin, hindi alintana ang pagod at hirap ng paglalakbay ng mahigit-kumulang ISANG KILOMETRO. 

Siyempre, matinding uhaw at pagod ang aming ininda. Sino ba namang hindi mapapagod sa paglalakad ng mahigit-kumulang isang kilometro? Ngunit, ang lahat ng mga ito ay di namin inisip mapagtagumpayan lang ang isang KAKAIBANG IDEYA SA GALAAN.

Sa aming pagdating sa dati kong paaralan, ay pumunta kami sa Ministop. Doon ay aming pinagpasiyahan ang aming pupuntuhan, 'pagkat ramdam na talaga namin ang sakit ng aming mga paa. Napagisipan namin ang pagpunta sa SM Center Las Pinas para magpalamig, ngunit dahil mas gusto namin sa SM Southmall, ay amin nang pinagdesisyunan ang pagpunta dito, PARA LANG MAGPALAMIG. 

Ngunit ang mga ito ay dumaitng na sa NAKATAKDANG PAGTATAPOS. Pagod nga kami, ngunit alam naming ISA ITONG KAKAIBANG GALAAN, 'pagkat di pa namin ito nagawa sa aming buhay; Ang pag-gala kasama ang mga kaibigan SA LAKARAN. Umuwi kami nang masaya baon-baon ang isang na namang DI MALILIMUTANG KARANASAN bilang magkakaibigan at bilang isang samahang patluoy pang bubuo ng mga kasiya-siya at kagiliw0giliw na mga karanasan.

=)))) (Nobela na naman?! HAHAHA) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISANG KAKAIBANG PAGLALAKBAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon