Ava's pov
Isang linggo na ang lumipas at medyo nawawalan na kami ni Asher ng oras sa isa't isa. Sunod sunod kasi ang mga negosyanteng nakikipag collaborate sa kompanya kaya sunod sunod din ang meeting ni Asher. Ako naman ay ginagawa ang mga trabaho ng isang sekretarya kaya busy rin ako.
Kasalukuyang 2:00 p.m na at mamayang 3:00 p.m ay may meeting nanaman kami kaya hinahanda kona ang report at ang conference room habang si Asher ay may binabasang mga files tungkol sa bagong collaborstion project.
"Huy, bakit ka tulala diyan?" Tanong ni Angelica.
"Ha? Wala. May iniisip lang ako." Sagot ko at bumalik sa ginagawa ko.
"Miss mona si Asher noh." Pang aasar niya.
"Bakit ko mamimiss yun eh araw araw ko ngang nakikita at nakakasama ang lalaking yun!" Sabi ko naman.
"Hindi kasi yun! What I meant is, namimiss monang makipag bonding sa kanya." Nakangisi niyang sabi.
"Slight?" Di ko siguradong sagot.
"Mag bakasyon kaya kayo." Suggest niya.
"Sira! Tambak na nga siya ng trabaho tapos magbabakasyon pa kami!" Masungit kong sabi.
"Tsk, sungit! May nangyari na ba at ganyan ka umasta?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Agad namula ang aking mga pisnge na ikinatawa niya naman.
"So, ano? Magiging ninang na ba ako?" Mapang asar niyang tanong.
"Hindi ah!" Sabi ko pero ngumisi lang siya.
"Oh siya, babalik na ako sa desk ko. Bye, Mrs. Martinez." Paalam niya at umalis.
Siraulo talaga eh...
Binuhat kona ang lahat ng mga papeles na kailangan mamaya tsaka tinungo ang opisina ni Asher.
"Sir, Mr. Aguinaldo's secretary texted and said they are on their way." Pagbibigay alam ko kay Asher na busy sa pagbabasa.
"After the 3:00 p.m meeting, what's next?" Tanong niya.
"A 5:00 p.m meeting with Mr. Lee and a dinner meeting with Mr. Cruz." Sabi ko habang binabasa ang aking phone kung saan nakalagay ang kanyang schedule araw araw.
"Dinner meeting? 7:00 p.m?" He asked.
"Yes, sir. Mabilisang meeting lang iyon dahil contract signing lang ang pag uusapan." Sabi ko at tumango lang siya.
Binuksan ko ang pinto nang may biglang kumatok.
"Ava, nandito na sila Mr. Aguinaldo." Pagbibigay alam ni Kath.
"Ah, sige. Thank you." Sabi ko at nilingon si Asher.
"Sir, nandito na po sila." Sabi ko sa kanya at tumayo naman siya.
Nauna na akong lumabas at tinungo ang direksyon kung nasaan sila.
"Good afternoon, Mr. Aguinaldo. I am Ava, Mr. Martinez's secretary." Pakilala ko.
"Good afternoon, Ava. Where is Mr. Martinez?" He asked.
"He will be with us in a few minutes. For now, let's head to the conference room." Sabi ko. Tumango naman siya kaya dinala kona sila sa conference room.
Maya maya lang ay pumasok na rin si Ashef kaya tumayo ang apat para batiin siya.
Apat kasi sila na pumunta dito. Si Mr. Aguinaldo, yung sekretarya niya at dalawang lalaki na naka tuxedo din. Hindi ko lang alam kung anong trabaho nila.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend is my Boss! ✓
General FictionCOMPLETED STORY "I now have money and fame. I have everything I could wish for. Now, do you love me?" seryoso niyang tanong. I'm sorry, Asher. But, I have to do this. "N-no" nanginginig kong sagot. "Louder" "No" pilit ko man lakasan pero sadyang hin...