CHAPTER 15

4.8K 125 13
                                    

Napasarap ang tulog ko, nagising ako parang ang taas na ng araw. Bigla akong naalarma.

Hala! Si Kianna!

Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto kahit hindi pa ako nakaligo at nakapagmumog man lang. Malalaking hakbang ang lakad ko papunta sana sa taas ng makita ko si Sheila kasama si Kianna sa sala. Nakahinga ako ng maluwag sa nakita.

"Good morning Kris!" masayang bati ni Sheila sa akin.

"Good morning. Sorry ha, napasarap yata ang tulog ko. Salamat at kinuha mo na si Kianna," nahihiya kong sabi kay Sheila.

"Naku walang ano man,ano ka ba para ka namang others sa akin, eh best friend tayo 'di ba?" Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Si Kianna ay naglalaro ng luto-lutuan niya. Napangiti ako ng makita siya. Sobrang cute niya talaga!

Napadako ang tingin ko sa mahabang sofa, bumuhos ang alaala ko sa nangyari kagabi ng makita ko iyon, ipinilig ko ang aking ulo sa naisip. Anong oras kaya nagising si sir? Naalala pa kaya niya iyon? Hayy, asa ka pa eh lasing 'yon, hindi niya iyon maaalala siyempre.

Napadako ang tingin ko sa pinto ng makita na pumasok si Ate Amalia na may hawak na mga supot ng mga gulay. Galing siguro sa palengke.

"Kagigising mo lang ba Krista?" walang emosyong tanong niya sakin, napayuko na lang ako.

"Hmm.. feeling donya ha!" sarkastiko niyang sabi. At lumakad na paputang kusina.

"Akala mo naman kung sinong hindi mala donya dito sa bahay eh parehas lang din naman nating katulong 'di ba?" Sheila murmured. Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit.

"Hayaan mo na, Sheila maliligo muna ako ha saka ko kukunin si Kianna sa iyo," paalam ko sa kanya.

"Oo naman, sige na," at lumakad na ako papuntang kwarto.

Pagkatapos kong maligo, tumingin ako sa salamin. Napadako ang tingin ko sa aking mga labi at kinagat ang ibaba niyon. Napapikit ako, inalala ang unang halik na natikman ko kagabi.

Nagmulat ako ng mata at bumuntong hinga. Para akong tanga sa naisip.

Lumabas na ako at kinuha na si Kianna kay. Shiela pumunta kami sa garden at nakitang nandoon sa garage ang kotse ni Sir. Hindi ba siya pumasok sa trabaho? Tanong ko sa sarili ko.

***

Kinagabihan, habang kumakain kami ni Sheila. Hindi ko na napigilang magtanong.

"Sheila hindi ba pumasok sa trabaho si Sir?" tanong ko sa kanya.

"Wala, kanina pa siyang umaga sa kwarto niya hindi lumabas, masama raw ang pakiramdam. Dinadalhan ko lang nga siya ng pagkain, " ani sheila na puno ng pagkain ang bibig.

Sumakit ang dibdib ko sa nalaman, masama ang pakiramdam niya? Wala man lang sa kanya nag-aalaga. Nag-aalala ako sa kanya.

"Kumain na ba siya ngayon?" malungkot kong tanong.

"Wala pa nga eh, sabi niya mamaya na lang daw... Kung gusto mo ikaw na lang ang magdala, baka gumaling iyon pag makita ka," biro pa niya.

"Sige ako na ang magdadala sa kanya," determinado kong sabi, gusto ko na siyang makita, at alamin ang lagay niya.

"Sige best, exciting!" tumatawa niyang sabi.

Dali-dali kong tinapos ang pagkain ko at agad kinuha kay Sheila ang prinepare niyang pagkain para kay sir. Pinalagyan ko na rin ng gamot at umakyat na ako sa itaas dala ang mga iyon.

Nang makarating ako sa pinto ng kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim bago napagdesisyunang tawagin siya dahil hindi ako makakakatok dahil sa hawak ko.

The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon