"Oh san ang birthday bakit lasing ka na?" Salubong ni Aliana sa akin. Ang isa sa pioneer na kasabayan namin ni Eleanor.
"Magpapalabas ako ngayon." I sighed then looked at my face in the mirror.
Napatango tango siya. She smiled softly at me.
Gaya ko ay entertainer din siya. Nga lang ang pinagkaiba namin, matagal na siyang nagpapalabas samantalang ako, kahit nagkakandautang utang ako sa bombay, hindi ko yun magawa.
Ngayon lang talaga dahil nangako ako kay Amalia na uuwian ko siya ng pera na pambili ng pagkain.
"Carry mo yan Mai. Pumikit ka na lang." Payo niya.
Napailing ako.
Mula sa labas ay nagsipasukan ang mga baguhan namin. Mga bata. Eighteen years old lang
Mas lalo akong nadepress nang makita ko sila.
Kumpara sa akin, nagmumuka na akong tita nila.
Kaya siguro wala nang kumukuha sa akin dahil niluma na ako ng panahon..
"Ganito na lang.. kapag may customer ako ngayon, ikaw na lang ang ibibigay ko kapag gusto niyang maglabas ng babae." Suggestion ni Aliana.
Napatango ako at naiiyak na nagpasalamat.
"Ano ka ba. Wag ka ngang umiyak. Ikaw naman ang magtatrabaho dun sa lalaki hindi ako." Pagbibiro niya.
Natawa kaming dalawa.
Lumabas kami saglit dahil nag iingay na ang mga bata naming kasama sa locker room.
Paglabas namin, nakasalubong namin si Mamasang.
"May balitang magsusurprise visit daw si Boss Chief. Ang hula ni Lolita, tayo na ang susunod na bibisitahin."
Nanlaki ang mga mata namin ni Aliana. Ang nangyayari kasi, kapag bumibisita si Boss Chief sa bawat club niya, kinabukasan ay nagdadagsaan ang ibang members.
"Tara.. sabihan natin si L. Baka masila niya si Boss."untag ni Aliana sa akin.
Excited akong tumango.
Pagpasok namin ay saktong kakaupo lang ni L.
Nakipagkwentuhan kami at sinabi ang nalaman namin.
Nagkapikunan pa kaming mga gurang at bagets dahil sa ilalabas ni Boss Chief.
Then after few more minutes, humahangos na pumasok si Marion.
Sinabihan kami na nandito na nga talaga si Boss.
Nagmadali kaming hinila si L. Siya kasi ang manok namin sa mga gurang. Sa mga bagets naman ay si Joana.
Pagpasok namin sa loob ng club ay para akong kinilabutan na ewan.
Then nakita namin ang tatlong lalaki na nakaupo patalikod sa pinaglabasan namin.
I smiled and looked at L expectantly.
Halatang kinakabahan siya. Hindi naman sa pinipressure namin siya pero gusto ko talagang siya na lang ang makuha ni Boss kaysa kay Joana.
Dahil for sure, hindi matatapos ang pagyayabang ng bagets na yun sa amin kapag sya ang napili.
Naglakad kami paharap sa tatlong lalaki at tumayo sa likod ng couch na pinag uupuan ni Joana. Itinutok ko ang tingin kay Joana na prenteng nakaupo. Akala mo reyna. Tsk. Kahit kailan talaga ay hindi ko siya nagustuhan.
Nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin ay iniangat ko ang aking mukha at inihanda ang ngiti ko.
But then, my eyes got connected to a familiar grey eyes.
YOU ARE READING
AMAIA
RomanceCLUB ZERO THREE AMAIA SPG/ R18 "That bad? You missed your billionaire husband that bad?" **** Coming across a man who made you forget all your problems was great. Not until you found out he was a billionaire. A billionaire who was out for his reve...