Hinding hindi malilimutan ni Jasmin ang araw kung kelan nakilala nya ang kanyang Knight in Shining armor. Simula noon hindi na mawala sa isip nya ang kanyang tagapagtanggol. Hanggang sa paglipas ng mga araw ito ang nagsilbing inspirasyon nya.Umaasang balang araw ay muli nya itong makikita. Pagkalipas ng tatlong taon, dumating ang kasagutan sa kanyang panalangin, muling nagkrus ang kanilang landas ng kanyang Knight in shining armor na si Eric. Dun din nya natuklasan na ang kanyang hinahangan ay hindi basta basta. Eric came from a very rich family,. He is popular and one of the campus crushes in their university. There is big gap between the two of them. Sa pagnanais na maipagtapat sa lalaki ang kanyang damdamin na kanyang iningatan sa loob ng tatlong taon kinailangan nya ang tulong ni Mark, isang happy go lucky na matinik sa babae. Si Mark ang nagsilbing adviser nya at partner in crime nya sa pagtatapat ng pag-ibig nya sa kanyang Knight in Shining Armor. Sa lahat ng pagkakataon, Mark stays on her side ,backing her up ,supporting and helping her in time of trouble.Okay na sana ang lahat, their plan is going smooth, unti- unti ng naghuhulog ang loob ni Eric sa kanya, pero in the process napalapit na din cya kay Mark and now she is confused about her feelings. Sino ang magiging mas matimbang sa puso nya, ang taong hinahangaan nya at tagapangtanggol na pinaglaanan nya ng damdamin sa loob ng tatlong taon o ang taong naging katuwang nya at sandalan nya sa lahat ng oras habang kinukuha nya ang atensyon ng kanyang knight in shining armor