CINCE

226 12 0
                                    

"Mama!" Nakangiting sinalubong ako ni AJ. Bakas ang tuwa sa kanyang mga mata. Naglalaro siya ng holen sa tapat ng bahay namin nang makababa ako mula sa sasakyan ni Justin. Buti na lang hindi siya napansin ng kanyang ama.

Tumakbo na si AJ palapit. Halata ang panlalaki ng mga mata. She was eyeing the plastic bags in my hands. Lots of food, toys and clothes were in here.

Hindi ko alam kung paano nagawa ni Justin na ipabukas ang mall sa bayan. But he did. Ibang klase pala talaga ang mayayaman.

We managed to eat and shop there. Ang astig. May perks din pala na maging mistress niya..

"Anak.." nakangiti kong ibinaba ang aking mga dala at niyakap siya.

I missed her so much.

Kahit isang gabi ko lang siyang hindi nakasama sa pagtulog, miss ko na agad ang anak ko.

"Mama. Ang dami mong pasalubong!" Tuwang tuwa niyang hinalungkat ang bawat plastic.

Napangiti ako.

Kung ganito palagi ang makikita kong reaction ng aking anak sa tuwing mag uuwi ako ng mga masasarap na pagkain at laruan.. siguro, mas kakapit pa ako kay Justin.

I would do everything to make my daughter happy.

Tsaka.. okay naman na siguro ito..

Tutal tatay naman niya yung lagi kong nakakasiping.

"Ta Jane! Ta Jean! Ta June!" Tili ng anak ako para tawagin ang aking mga kapatid.

Napalabas nang wala sa oras ang tatlo. Nasa likuran nila sina Nanay at Tatay.

Lahat sila ay nagulat.

"Pasalubong ni Mama! Ang daming tsokolate at milo at gatas at losyoon!"

Binitiwan ng anak ko ang plastic ng groceries at hinalungkat ang isa pang bag.

"Yung baby doll ko!" Tili niya ulit at hinila paalis ang manika. Tumalon talon siya.

"Mama!"bakas na ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Mama! Ay lab yu po!" Yakap yakap niya ng mahigpit ang kanyang laruan habang umiiyak.

Napaluha na rin ako at niyakap siya.

Hindi ko akalaing sobrang laki pala talaga ng pagkukulang ko sa aking anak.

Hindi ko na nga siya mabigyan ng tatay..

Hindi ko rin siya mabigyan ng maayos na buhay.,

"Mama. Tenk yu po. Promise ko po magiging gud gil na ako." I wiped her tears dry.

"Salamat sa pag iintindi kay mama ha? H'wag kang mag alala anak.. lagi na tayong kakain ng masasarap. Lagi ka ng bibilhan ni mama ng laruan.."umiiyak kong sabi.

Mas lumakas ang pag iyak niya ng makita akong lumuluha.

"Mama! H'wag ka pong umiyak. Hindi na po ako iiyak!" She rubbed her eyes to stop her tears.

AMAIAWhere stories live. Discover now