*** Roni's Biggest heartbreak!!!***

329 24 0
                                    


Gabi na at naghanda na ng hapunan ang mga Salcedo, at dela Cruz kasama si Yaya Medel..
Charlie: Yuan, tawagin mo na mga kaibigan mo...at ng magsimula na tayong kumain..
Yuan: Sige dad, puntahan ko muna sila...( pinuntahan ang mga kaibigan).
Roger: Pasensiya ka na pare ha... ito lang ang maitutulong namin...
Elsie: Oo nga..ehh nakakahiya man na sumama kami na wala man lang kaming maibigay...
Marite: Ano ba kayo..para naman kayong iba sa amin...diba palagi naman tayo nagkakaganito nuon, at na-mimiss ko na rin kayo...
Yaya: Oo nga...nakakamiss nung panahon na mga bata pa sila... kulang nalang dito mga magulang ni Tonsi at sila Lolo't lola..kaso lang hindi na natin maibabalik ang dati...
Charlie: Salamat nga pala sa inyo at napaunlakan ninyo ang imbitasyon namin....
Roger: Nakakahiya nga ehhh...( napatawa)
Charlie: Pareng Roger, kung may kailangan kayo, huwag kayong magdadalawang isip na puntahan kami...di ba may pinagsamahan naman tayo...
Elsie: Salamat talaga sa inyo ha....
Yaya: Oo nga po...salamat sa inyo. Di parin kayo nagbabago na tumulong sa mga nangangailangan...
MArite: Kayo talaga...

Iniisa-isa ni Yuan ang bawat room para sabihan sila na handa na ang hapunan.. Ang huling pinuntahan niya ay ang kwarto nila na si Roni lang ang nandun.
Yuan: Roni...nakahiga ka na naman diyan? Handa na ang hapunan... pinatawag na tayo nila daddy...
Roni( Binalutan ang buong katawan sa lumot) Kuya..busog pa ako...
Yuan: Busog!? ehh di ka nga sumabay sa amin kumain kanina...ngayon busog ka na naman??? Roni.......( kinuha ang kumot sa katawan ni Roni).
Roni: Kuya! ano ba?! sinabing busog pa nga ako...
Yuan: ( nagulat) bakit namaga yung mga mata mo? umiiyak ka ba?
Roni: ( bumangon sa pagkakahiga) Kuya...( napaiyak ulit at niyakap ang kapatid). si Borj.. ang sakit kuya...ang sakit sakit... di ko ini-expect na may pamilya na siya...anong gagawin ko para makalimutan siya?
Yuan: Oo nga ehh.. sorry ha..di man lang kita kinamusta noong nalaman natin ang tungkol sa pamilya niya...Ehhh, wala na tayong magagawa kundi tanggapin nalang at mag move-on.
Roni: Pero kuya....paano?
Yuan: Subukan mong ibaleng yung attention mo sa iba...or... magpaka busy ka...yun lang kasi nagawa ko noong naghiwalay kami ni Missy..parang effective naman...
Roni: Ibaleng sa iba ang attention ko? kanino?
Yuan: Si David. Sa tingin ko naman, mabuti siyang tao.. hindi naman yun magiging bestfriend ni Borj yun kung masamang tao siya.. Sa tingin ko, bigyan mo nalang ng chance yung tao para , wala namang mawawala diba? at tingnan mo naman si David..may hitsura rin naman... 
Roni :( napa-isip) Sige, susubukan ko....salamat kuya ha...
Yuan: Ok lang yun... halika na...kumain na tayo..
Roni: Kuya, di ako pwedeng pumunta dun na ganito yung hitsura ko...mahalata ako..
Yuan: Ahhh oo nga pala...sige ako nalang bahalang magpalusot tapos, dalhin ko nalang pagkain mo dito...
Roni: Salamat kuya...

Sa pagbalik ni Yuan sa dining room ay lahat sila nandun na at naka pwesto na sa kanilang inuupuan...
Marite: Kapatid mo?
Yuan: Ehhh Ma, dad..masama ang pakiramdam ehhh.... siguro bukas maayos na yun...kailangan lang siguro niya ng pahinga....
Marite: Ohh sige.. pakihatid nalang ng pagkain mamaya para sa kanya...
Yuan: Ok po Ma..( sa narinig nila ang nangyari kay Roni ay nagtitinginan naman sina Junjun, Jelai, Tonsi at Ralph).
Charlie: Kain lang kayo ha...huwag kayong mahihiya... kayo diyan Borj, ok lang ba kayo diyan sa mga kasamahan mo?
Borj: Ok lang kami Tito...salamat.. wala parin pong pinagbago yung luto ninyo...masarap parin...
Marite: Ikaw talaga Borj.. magaling ka paring mambola...
Borj: Ehh totoo naman po Tita..
( Naging abala si Borj sa pag-aasikaso kina Lyza at  Sam..lalo na sa mga pagkaing pinoy na hindi sila familiar)..

Pagkapatos ng hapunan ay agad pinuntahan nila Jelai at Tonsi si Roni

Tonsi( kinatok ang pinto): Roni...Roni..
Roni: Sino yan?
Jelai: Kami to Roni...Jelai at Tonsi.
Roni: ( binuksan ang pinto). Ohhh guys.. naparito kayo..
Jelai: Sis..gusto lang namin malaman yung kalagayan mo...masama daw yung pakiramdam mo...may gamot kaming dala...paracetamol nga lang...
Roni: Salamat pero ok lang ako...salamat at napasugod kayo...
Tonsi: Ano bang nangyari sa iyo? Si Borj na naman ba yan?
Roni: Punta na nga tayo sa cottage...( Habang naglalakad sila papuntang cottage) ok lang ako...nakakatulong naman yung payo sa akin ni Kuya Yuan...
Jelai: Si Yuan???!!! may matinong advice pa pala yun..kala ko puro kalokohan lang alam nun..
Tonsi: Ok lang naman yan si Yuan..lalo na kung alam niyang nasasaktan yung nag-iisang sister niya...ikaw talaha Jelai.. Bakit, ano ba sinsabi ng Yuan saiyo?
Roni: Simply lang...ang mag move-on tapos binigyan niya ako ng tip kung paano..parang base from his experience kay Missy..
Jelai: Ang hanep ahh! 
( Habang nag-uusap sila sa cottage ay nakita sila ni David at pinuntahan ang cottage nila..).
David: Hi Roni! are you ok? Are you feeling better now?
Roni: Ahhh Oo..thanks for asking...siguro napagod lang ako..
David: Do you need anything na makakatulong ako...
Roni: Ok lang...mabuti buti na ang pakiramdam ko..( Nagsenyasan sina Jelai at Tonsi).
Tonsi: Hmmm Roni, David..aalis muna ako ha..baka hinahanap na ako ng kapatid ko..
Jelai: Ako rin...baka hinahanap narin ako..  malaki pa naman tong resort nato..baka maligaw sila sa kakahanap...mauuna na kami...Goodnight..
Roni: Sure kayo?( Yumango ang dalawa) ok sige...salamat sa inyo ha...and goodnight din..
David: good night.. ( nakaalis na ang dalawa).
( Habang sila nalang ni David at Roni sa cottage ay panay ang pagpapatawa ni David kay Roni)
Roni: Ang weird mo pala David pero funny naman... masarap ka palang kausap..
David: Sabi ko naman sa iyo ehh..just give me a chance to prove myself na magustuhan mo rin ako...( At naka smile si Roni) See!!! lalo kang gumaganda pag naka-smile ka..
( Habang nag-uusap ang dalawa, ay napansin naman ni Borj si David sa cottage at pinuntahan niya ito).
Borj: David! andito ka lang pala..kanina pa ako hanap ng hanap sa iyo...( at bigla siyang nagulat  sa nakita niya sa sulok na nandun pala si Roni).
David: Ahhh.., nag-uusap lang kami ni Roni...napahaba lang ang kwentuhan namin...
Borj: Kanina pa kayo dito?! kumusta ka na Roni? Masama raw ang pakiramdam mo sabi ng kuya mo..
Roni:  Ahhh ok na ako..salamat sa pagtatanong ( mahinhin na sagot). Hmmm... David, Borj balik na ako sa room namin..baka hinahanap na ako nina mommy...goodnight..
David: Good night Roni... hmmm Roni.
Roni: ( papaalis sa cottage) hmmm bakit?
David: I enjoyed our conversation 
Roni: Ako rin...( at nakaalis na ang dalaga)
( Napansin ni Borj ang kaibigan na masayang masaya ito)
Borj: Wow! pare ang saya natin ahhh...parang abot tinga yung ngiti mo..
David: Pare..na-fefeel kong may pag-asa na ako for Roni..
Borj: paano mo naman nasabi?
David:Kinausap na niya ako at kanina pa kami dito nag-uusap pare..lalo akong na-iinlove sa kanya pag ngumingiti siya...
Borj: Balik na nga tayo sa kwarto natin...mahamugan pa tayo dito...
David: Hindi ka ba masaya sa akin pare? may improvement na...
Borj: Masaya ako pare...tayo na..( maikling tugon nito).

G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon