DIECISEIS

248 13 1
                                    

WARNING: SPG

Nang maipasok ni Justin ang kanyang sasakyan sa garahe ay lumabas siya sa driver's seat at hinila pabukas ang pinto ng backseat na kinalalagyan ko.

Galit na galit ang kanyang mukha. Natatakot ako pero kailangan kong ipakita na hindi ako naaapektuhan dahil wala naman akong ginagawang masama.

"Get out." He mumbled dangerously.

Nanatili akong nakaupo.

"I'm so close to wringing your pretty neck so get out of there and fast!"

Kahit naiinis ay lumabas na ako. I even stomped my feet on the floor na parang bata.

He gripped onto my wrist then pulled me inside his mansion.

Mabilis ang kanyang hakbang kaya hindi ko man lang nagawang bigyang ng pansin ang mga nadadaanan naming mamahaling furnitures.

Nagkandapatid patid pa ako kaya binuhat na niya ako na parang sako ng bigas. Kahit nahihilo ay kumapit na lang ako sa lalaking parang matandang babae na nag memenopause.

Sa third floor kami huminto.

He opened a big door to our right side then walked straight to the big bed.

Napatili ako ng pabagsak niya akong ibinaba. Tumaas pa ang palda ko kaya ibinaba ko ito.

Pagangat ko ng mukha, nakatingin na si Justin sa hita ko na naexpose kanina. He was clenching his jaw and his fists were tightly close.

"Hindi ba klaro yung inutos ko sayo Amaia?"hinihingal na tanong niya sa akin-

"Alin doon? Sa dami nang utos mo hindi ko na matandaan yung iba!"i shot back kahit nanginginig na ako sa takot.

Mas lalo siyang nanggigil. Napalunok na ako ng suntukin niya ang poste ng kama.

His fist bled.

Nang akma siyang susuntok ulit ay napasugod na ako para pigilan siya.

"Ano ba Justin?! What are you doing?! Bakit ka nagkakaganyan?!" Nanginginig kong tanong.

Tinitigan nya ako madilim. "Gusto mong malaman ha?" Nag iigtingan ang mga panga niyang tanong sa akin.

He stepped forward so I automatically stepped back.

The corner of his lips twitched.

"Sa lalaking yun, hinayaan mong malapitan ka niya. Pero sa akin na boyfriend mo umaatras ka!"

Napatingin ako sa kanyang nang hindi makapaniwala.

Boyfriend?

Kailan pa kami nagkabalikan?

"Tell me. Sino siya?!" Sigaw niya. Namumula ang buong mukha. Halata din ang ugat sa kanyang noo. He grabbed my arms then pulled me closer bago ako niyugyog.

Tinitigan ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa akin.

"Answer me Amaia!"

"Si Mark yun!"ngiwi kong sagot.

"Mark? The fuck. Is he your boyfriend here? Break up with him. Ayoko nang may kahati!" Gigil niyang sigaw.

"Hindi kami! Kaibigan ko lang yun!"

"Friend? My ass. May kaibigan bang kung makahawak sayo parang pag aari ka? Tang ina! Makikipaghiwalay ka sa kanya o sisirain ko ang buhay niya."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Justin naririnig mo ba ako? Magkaibigan lang kami! Bakit ba hindi ka naniniwala?!"helpless ko ng tanong.

"Bakit ako maniniwala kung punum puno ng kasinungalingan yang bibig mo?"

AMAIAWhere stories live. Discover now