As promised:)
TIP: read the chapter before this to have your mind set for this chapter thanks:) last two chapter out of five...will follow but a little bit late this afternoon or evening.
*********************************Pabalik balik siya ng lakad sa loob ng Cr ng V.U at hindi niya alam kung maaantay niya pa si Lana. Sa pangalawang pagkakataon ay bumubuntot nanaman ito sa kanya ng palihim at kahapon lang ay nahuli na rin niya ito sa wakas. Kaya pala ito sunod ng sunod sa kanya ay dahil binabantayan daw siya nito. Tinanong niya ito kung bakit naman kaylangan siyang bantayan nito pero tanging iling lang Ang sinagot nito. Dahil sa may nakabantay sa kanya ay hindi niya alam kung pano siya makakabili ng gamot niya dahil mukhang mas nakasanayan na niya iyong dating gamot niya kumpara sa binigay sa kanya ni Tito Philip na siya munang iniinom niya nitong nakaraang araw. Isang ideya lang ang pumasok sa isip niya at iyon ay ang magpatulong kay Lana at sakto namang lalabas ito ng V.U kahapon. Makapal na kung makapal pero si Lana narin Ang nag-offer sa kanya na tatangapin nito ang kahit anong ipapagawa niya basta tigilan niya lang daw ito sa mga tanong niya, kaya naman pumayag ito. Kaylangan niyang sumugal at sigurado naman siyang hindi rin ito magtatanong tungkol sa gamot basta Ang sinabi niya ay maintenance lang niya iyon at kaya siya makikisuyo dahil busy siya sa office works sa office of the president dahil sa pagiging scholar niya na mukha namang naintindihan nito.
Malapit ng magsimula Ang klase nila pero hangang ngayon ay wala pa si Lana at Ang usapan nila ay dito sa Restroom nalang niya ibigay kasi baka pagkamalan pa ng iba na kung ano lalo na't madaming surveylance sa labas. Mas safe na sa loob Ng restroom dahil wala silang makikita pero pwedeng may marinig sila dahil sa inverted speaker . Napatingin siya sa gawi ng pinto ng makitang unti unti itong bumubukas. Akmang magtatgo sana siya ng marinig ang mahinang tawag ni Lana sa pangalan niya.
"Lana ikaw lang pala." Nagtataka namang nakatingin ito sa kanya.
"Why are you hiding?" Napangiti naman siya at agad na Umiling.
"Ano kasi baka hinahanap na ko nila Kuya." Sabi niya pa tungkol kay Hans at mga pinsan nito.
"Ah. Right nakita ko sila kanina. Maybe they're looking for you? Hiwalay kasi sila kanina eh. Oh by the way here's your meds. Your welcome." Hyper na sabi nito sabay ngiti sa kanya Samantalang siya naman ay agad na hinablot sa kamay nito ang gamot niya dahil nakita niyang bumubukas nanaman iyong pintuan. Nagulat naman ito sa ginawa niya pero agad napangiti dun sa taong palapit sa kanila.
"A-ahm bye ate Erin. Una na ko it was nice seeing you again." Kumalma naman siya. Di niya akalaing madaling makiramdam si Lana. Sigurado siyang madami na itong tanong sa kanya oras na magkita ulit sila.
"Erin? Hi. Why aren't you with the others?" Nagtatakang tanong nito pero may ngiting nakapaskil sa mukha nito.
"Ah. Nag C.R Lang muna. Nasa Cafeteria sila kakatapos lang namin mag breakfast na late kasi si Hans ng gising eh kaya damay damay na." Napansin naman niya Ang biglang pananamlay nito.
"Ah. Hmn. Erin, is Hans okay this past few days?" Nakatungo lang ito.
"Medyo?" Hindi niya alam kung tanga ba talaga siya at iyon Ang sinabi niya rito at patanong pa. Bumuntong hininga ito.
"I-I guess not then. It's all my fault, but I was just trying to keep the distance between us. Because I know he liked it that way. Pero I guess I'm wrong again cause I offended him in some ways." Siya naman Ang napabuntong hininga dahil kahit papano ay hindi na niya kaylangang magpaliwanag dito dahil ito na mismo Ang naka intindi.
"It's okay Tazia. Hans is just having a hard time moving on that's all. He'll come around." Hindi narin niya mapigilang mapa ingles at iyon Ang pinagtataka niya dahil noon pa man ay sanay na sanay siyang mag ingles pero pilit siyang pinagsasalita ng Tagalog ng nanay niya noon. Umiling iling ito at alam niya kung bakit dahil sa issue tungkol sa pagkakasangkot ng ama nito sa isang malagim na trahedya na siyang kwento sa kanya ni Grandma Strelya. Umiling iling ito sa katotohanang hindi lang dahil hindi makalimot si Hans kundi dahil sa galit ni Hans Sa pamilya nito partikular sa ama ni Tazia.

BINABASA MO ANG
Missing Reflection (on hold/editing)
ActionRoses for the scent of love, chocolates for the sweetness of affection and balloons for the long run......NANINIWALA parin ba kayo sa mga ito?...Well I do....CLICHE right?....for you but not for LOVE....there's no cliche in love...but in wrong choic...