Chapter 3

34 3 3
                                    

Birthday Cake

Pagkatapos kong magpa-thank you ay kumain na rin kami ng mga inorder nila Vienna. Sa sobrang dami ng mga pagkaing nakahapag sa mesa, sa tingin ko ay hindi namin makakayang ubusin ang lahat ng iyon. Pinilit din nila akong makisamang sumayaw sakanila kasama ng iba pa sa dance floor kahit na medyo nahihiya pa ako. Nang sa wakas ay mapagod na kaming lahat sa pagsasayaw ay bumalik na kaagad kami doon sa couch na inuupuan namin kanina.

"Hey Scarly, look at your drink oh, hindi mo pa ginagalaw simula kanina." Ani ni Vienna.

"Oo nga naman bes, kahit for tonight lang. Please," Sang-ayon ni Stacey at tumingin ng naka-puppy eyes sa akin.

"Sure ba kayo? B-baka malasing siya," nag-aalalang sabi ni Jersey.

"Ayos lang 'yon, Jersey. Minsan lang naman ito at isa pa, surprise party niyo ito para sakin kaya sa tingin ko ay ayos lang," sabi ko sakanya at saka ngumiti.

Nagsigawan sina Vienna at Stacey na para bang nagchi-cheer pagkadampot ko ng baso ko at natawa nalang ako sakanila. Inilapit ko ito sa bibig ko at mabilis na ininom. Sa unang tikim ay para lang itong juice, pero noong nagtagal na, masasabi kong alak nga talaga ito. Sobrang pait!

Awkward ko silang nginitian matapos kong maubos ang laman ng baso. Literal na nanlaki ang mga mata nila Stacey at Vienna, si Jersey naman ay napanganga pa. Napakunot ako ng noo sa naging reaksyon nila.

"Jersey?" Tawag ko sakanya.

"S-scarlet," mahinang sabi niya na tila'y hindi makapaniwala.

Nagulat nalang ako nang dahan-dahang pumalakpak si Vienna. "Woah! I didn't expect that, that was actually the hardest drink here!" Hindi makapaniwalang sabi niya. "You're a first timer and you just drunk the black drink straight! Wow, just wow!" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Bes, a-ayos ka lang ba?" Tanong ni Stacey.

Nagkunot ako ng noo. "Oo naman," masayang sagot ko. "Teka, black drink?" Tanong ko kay Vienna.

"Yes, that's what they call that drink here and as I've said, that's the hardest drink available here," sagot niya at saka siya ngumiti.

Ngumiti nalang din ako at hindi na nagtanong pa. "Wait lang, ha. Punta lang akong Restrooms," paalam ko at saka sila tumango.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng Restrooms ay kaagad akong lumapit sa isa sa mga sink doon. Nagmumog ako dahil sa sobrang pait noong alak na iyon, ano nga bang inaasahan ko, syempre ay mapait iyon. Matapos kong matikman ang alak na 'yon, ay naipangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na iinumin iyon sa susunod. Iyon ay kung may susunod pa dahil ngayon palang ay parang nahihilo na ako at gusto ko nalang na umuwi.

Pagkalabas ko ng banyo ay literal na nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Sobrang dami na ng mga tao! Kanina lang ay hindi pa naman ganoon karami ang mga nandito kaya paanong sa isang iglap, nagpunta lang ako ng Restrooms at halos sampung minuto lang akong nandoon at pagkalabas ko ay bigla nalang dumami ang mga tao?!  Halos mapuno na ang buong bar at kulang nalang ay magsiksikan na ang mga nandito. Hindi ako makapaniwala.

"He's here?! Oh my gosh! I want to see him!"

"Yup, you heard it right! It was because of him kung bakit dumami ang mga tao dito sa bar,"

Narinig kong usapan ng dalawang babaeng papalabas na rin sa Restroom. Tinamaan tuloy ako ng kuryosidad tungkol doon sa pinag-uusapan nila. Sino naman kaya iyon at bigla nalang dumami ang mga tao dito sa bar ng dahil sakanya? Siguro ay sikat siya dito kung ganon.

Tumingin ako sa paligid, hinahanap ang pwesto namin at halos manlambot ako. Hindi ko na matandaan! Sinubukan kong hanapin sina Stacey pero bigo ako dahil sobrang dami ng mga tao. Nagsimula akong pagpawisan ng malamig. Kinakabahan na rin ako habang tumatagal. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng pagkahilo. Napagpasyahan kong umupo na muna pansamantala sa isang tabi, malayo sa mga tao at mas mahina ang tugtog sa pwesto rito, iyon nga lang ay sobrang dilim.

Fall of the oppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon