Habang sumisimsim sa aking venti iced white caramel macchiato ay hindi ko mapigilang hindi mamangha paligid. Para bang lahat ng stress ko ay nawala dahil ditto sobrang therapeutic. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at dahan-dahang kinuhanan ang paligid. Hindi ko akalaing may ganito pa pala kagandang tanawin.
"Breathtaking," usal ko habang namamangha sa magandang tanawin. This Starbucks location is nestled in Megaworld's Twin Lakes, the first and only wine resort community, and is ideally placed in a gently sloping landscape with a spectacular view of Taal Lake. It also features residential enclaves inspired by Europe, hotels and resorts, business and retail centers, and sports and leisure amenities.
"Teh! baka matunaw, anubaaa sino ba yang tinitingnan mo dyan ha?!" uyam ng bestfriend ko sabay hampas sa'king braso.
Nagpasama siya sa akin na magkape at hindi ko naman akalaing sa Tagaytay pala ako dadalhin ng loko and take note "starbucks" pa. Pero okay lang worth it naman, ang ganda ng view. Malay mo naman dito ko rin makilala yung magiging the one ko, charot.
"ha? hatdog!" giit ko at napabalik ako sa ulirat sabay dahan-dahang napangiti ng mapansin yung crush ko na andito rin pala.
"Sige ganyan, hindi kita ihahatid sa inyo," pananakot pa niya.
"Ayy grabe siya oh, wag naman ganon seb 'di ko alam paano uuwi," sigaw ko.
"So, sino yang naglagay ng matamis na ngiti sa labi mo bukod saken?" pag-uusisa niya.
"Sino agad? hindi ba pwedeng ung ano tanawin, ung bulkang Taal," pasaring ko sa kanya
"Sauce, mama mo," halata sa tono niyang naiinis na siya.
"Mama mo Norie pero ayon nga I guess he just happened to passed by," napangiti na naman ako ng maalala ko iyong gwapong lalaking sandaling tumigil sa aming harapan at tumango nang tinawag ng tropa niyang nasa tapat namin.
"Aba aba, sayang naman," aniyang nanghihinayang ngunit tunog positibo niyang pahabol "Andito pa ba siya o umalis na?"
"Ewan ko, baka umalis na yon nagtake out lang," sambit ko ng may panlulumo.
Biglang tumunog ung butter ng bts na ringtone ng cellphone ko, tamad kong binasa ang text ni Mama.
MAMA:
Anak, umuwi k n muna at wlng magba2ntay d2 kay Isaiah. Sa2glit lng aq sa byn at wl n pl taung ulAm, naglu2 na rin aq, d2 n kau mananghalian ni Kiel.
"Seb, uwe na tayo wala raw magbabantay kay Zai," pagyayakag ko.
Dali-dali naming inubos ang order namin at nagtake out ng chocolate doughnut eclair para kay bunso. Naging mabilis naman ang byahe at pagkarating sa bahay ay naabutan naming nagkalat ang mga gamit na sala. Bigla akong nastress mare, katakot-takot na linisin ito.
"Zai, come to Kuya Zeke. I have something for you," ani niya sabay abot ng donut na binili namin kanina. Binuhat muna ni Zeke si Zai at lumabas para malinis ko ang mga kinalat niyang mga photo album. Nang nagsasalasan ako sa cabinet biglang may nagpatak na litrato. Nang pulutin ko iyon ay tumambad sa akin ang larawan namin ni Zeke na kuha noong lumaban ako ng Miss Intrams. Nakaakbay siya sa akin habang ako naman ay pinipisil ang pisnge niya. Napangiti ako at pinakita kay Zeke.
"Ang pogi naman ng katabi mo," komento niya.
"Luh? pogi raw, mukha ngang bading eh," pagkutya ko sa kanya.
"Sinong bading? halikan kita dyan eh," usal pa niya habang dahan-dahan na lumapit sa akin.
Matapang ko siyang tiningnan at, "sige nga subukan mo at hahalik din sa labi mo 'tong kamao ko." Hindi ko maintindihan kung bakit nakaupo lang naman ako pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko, mabuti na lamang at umaatras siyang muli kaya binaliwala ko na lamang iyon at nagpatas na muli ng mga album.
BINABASA MO ANG
Mahiwaga
RomanceThroughout the whirlwinds, in Blanche Amèlie's life, Ezekiel was there. Will she be able to hear her heart if her mind was clouded by the thought of liking Giovanni?