Xyriel POV
Hanggang ngayon tulala pa din ako. At alam niyo bang hanggang ngayon, hinahalikan pa din ako ni Ayn? Gumagalaw yung labi niya! Waaaaaaaaah! At wala akong nagawa dahil para akong statwa.
Ilang sandali, tumigil narin siya sa paghalik sa'kin at inilayo narin niya sarili niya sa'kin...
*dug dug. dug dug.*
Waaaah! Ano 'to?
Nang matauhan ako.
"Waaaaaaah! Anong ginawa mo?!" Sabi ko at sinuntok-suntok ko siya sa dibdib niya pero wala siyang reaksiyon.
Ilang sandali, Napahawak siya sa labi niya at parang nilalasahan yun. Tapos napabuntong hininga siya at tumalikod na tapos lumakad..
Unti-unti naman akong umupo..
"Waaaaaaaaah! Yung first kiss ko!" Sigaw ko,
Nakakaasar! Sinira ni Ayn yung first kiss ko at ba't sa kanya pa?! Huhuhu.
T___T
*
Ayn POV
Takte! Ano ba yung nagawa ko?
Habang naglalakad ako, parang wala ako sa sarili.
Napahawak ako sa labi ko at feeling ko nandito parin ang labi sa'kin ni Xyriel.
Anak ng potakte!
Dapat sandali lang ang kiss na yun eh. Papatunayan ko lang sa kanya na Hindi ako duwag. Pero nong lumapat na yung labi ko sa labi niya, parang may sariling buhay na yung labi ko na kusang gumagalaw..
"Waaaaaaaaah! Yung first kiss ko!" Narinig ko pang sigaw niya.
Sh*t isa pa yun! Actually, first kiss ko rin yun. Sh*t!
*Sigh*
Pero Ewan, ang lakas din ng kabog ng puso ko kanina sa Hindi ko maipaliwanag na dahilan at isa pang sh*t! Ang lambot ng labi niya!
*
Tahimik lang ako ngayon na nagdadrive dahil iniisip ko parin yung kiss namin kanina ni Xyriel. At ganun din si Xyriel, tahimik rin siya...
At sinilip ko siya at ampf! Kaya naman pala tahimik siya kasi tulog na siya at pagewang-gewang yung ulo niya.
Ahh! Sh*t! Napansin kong di siya nakaseatbealt.
Takteng babaeng 'to! Magsiseatbelt na lang Hindi pa magawa.
Hininto ko yung kotse sa may tabi at susuotan ko sana siya ng seatbelt ng.. Boom!
Napahiga siya at yung ulo niya nasa lap ko.
I sighed. "Xyriel." Sabi ko habang sinampal-sampal ko ng mahina yung pisngi niya.
"Hmm?" Sabi lang niya at tulog pa din siya.
"Aish! Ang babaeng 'to." Mahinang sabi ko.
Hinawi ko na lang yung buhok niya na nakaharang sa mukha niya at Hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niyang kahit walang lipstick, pink na pink. Hindi ko namalayang napatitig pala ako sa labi niya..
Ilang sandali, biglang gumalaw-galaw yung labi niya. Kaya napalunok na lang ako..
Parang may bigla na lang pumasok sa isip ko na halikan siya ulit.. Grrrr.
Ano ba 'to?
Ahhh! Hindi! Tama na yung kiss kanina.
Hindi ko namalayang kusa na palang lumalapit ang labi ko sa labi niya at pumikit na lang ako...
*
Xyriel POV
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
Lintik kasi na kiss yun..
Unti-unti Kong minulat ang Mata ko at..,
O_____O
"Waaaaaaaaaaaaaah!" Sigaw ko at..
*bugsh*
"Aray ko po/Pakshet." Sabay naming nasabi.
Nagkauntugan kami nong nagulat akong unti-unti ng lumalapit yung mukha niya sa mukha ko. At ngayon, pareho kaming Napahawak sa noo.
"Fvck Impakta! Ang sakit nun ah?" Sabi niya habang nakahawak sa noo niya.
"Bakit? Ako ba Hindi nasaktan?" Sabi ko run habang nakahawak run sa noo ko.
"Ano ba kasing balak mo? Balak mo na naman ba akong halikan?" Tanong ko.
Natawa siya. "Haha Asaness!" Sabi niya.
"Asaness-Asaness ka diyan, eh hinalikan mo na nga ako kanina eh. Ikaw isusumbong na talaga kita kay dad." Sabi ko.
Natawa ulit siya. "Talaga lang ah? Anong isusumbong mo? Na hinalikan ko siya? Ano kaya ang iisipin ng dad mo? For sure hindi lang ako malalagot." Sabi niya at natahimik ako. "At tsaka, may kasalanan ka pa sa'kin ano?"
Napatingin ako sa kanya. "Ano?" Tanong ko.
"Bakit mo tinulak si Lean?" Tanong niya.
"Ano?" Ako naman ang natawa. "Loko ang babaeng yun ah? Hindi ba talaga niya binawi yung sinabi niya kanina? Tss, at naniwala ka naman?" Sabi ko tapos nailing ako.
"Bakit Hindi?" Sabi niya.
Hindi na ako sumagot , dahil ayokong makipagtalo Kay Ayn ngayon, Hindi dahil guilty ako. Kasi baka mamaya, pababain niya ako at iwan na naman niya ako.
Bahala siya sa buhay niya, paniwalaan niya yun. Sinabi ko na nga kanina. Ano nga naman ako sa kanya? Isa lang naman akong BEST FRIENEMY para sa kanya...
Hindi narin siya muling nagsalita pa, pinaandar na niya yung engine ng kotse at nagdrive na..
Nakarating kami sa tapat ng bahay ng Hindi nag-iimikan hanggang pagbaba ko ng kotse wala pa din.,
Pagkasara ng pagkasara ko ng pinto ng kotse.. Umalis na siya ng walang paalam.
Sinundan ko lang siya ng tingin..
"Aish, bahala ka sa buhay mo." Sabi ko at pumasok narin sa loob ng bahay..
---------------------------------------------------
Continued....
Vote and comment please! Pampagana lang ^_________^
BINABASA MO ANG
Love At First Kiss (On-Hold)
Roman pour Adolescentslucky I'm in love with my BESTFRIENEMY....... ©2015