- Day 4 -

3.4K 145 11
                                    


*****************

*****************

-Day 4-

*****************

*****************




[ Gina's Point Of View ]



Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nung dito na ako nag-aaral sa L.A at dalawang linggo na din simula nung naging magkaibigan kami ni Aeron at ang saya ko . . . hindi ko man maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pag –andyan siya ang mahalaga masaya ako pagkasama ko siya.

 Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang classroom habang nagsa-soundtrip ng may bigla akong nakabanggaan.



*BLAG!!*



"A-aray s-sorry hindi ko kasi tinitingnan yung dinadaanan ko".sabi ko habang nakaupo pa rin sa sahig at nakayuko't nakapikit.

"Gina"



*Lub*dub*



 Agad akong napadilat sa aking mga mata pero nakayuko pa rin, yung boses na yun kilalang- kilala ko yun . . .'Aeron' bulong ko tsaka ako nag-angat ng tingin at tumingin sa kanya.Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang nakalahad ang kanyang kaliwang kamay, ang gwapo niya talaga nakangiting inabot ko ang aking kamay sa kanya atsaka tinulungan niya akong tumayo.


"Salamat Aeron".nakangiting sambit ko sa kanya.

"The pleasure is all mine, Gina siya nga pala sa classroom ba punta mo? Lika sabay na tayo".nakangiting tanong niya sakin, ako naman ay nakatingin lang sa mga mata niya at ngayon ko lamang napansin na pure black pala ang kulay ng kanyang mga mata.

"Gina?".sambit niya

"Ah-oo sige tara".aya ko sa kanya. Ano bang problema ba't bas a tuwing nakatingin ako sa mga mata niya nawawala ako sa aking sarili . . . haissstt!! Iwan!. Sabay kaming naglakad papunta sa classroom habang nagkekwentuhan ng unti. Pagadating namin sa room ay wala pa pala ang aming prof kaya aming pinagpatuloy an gaming pagkekwentuhan.

"Anong masasabi mo sa L.A Gina?".tanong niya

"Tingin ko sa L.A? hmm . . . ibang –iba talaga ito sa school naming atska mas madami rin kasing mas magandang opportunity ditto kaysa F.A, kaya nga ako nagporsige eh! Kasi pag naging Dean's lister ako may posibiliad na magiging exchange student ako at may posibilidad din na dito ako makakapag-aral at yun nga natupad atsaka ginawa ko 'toh para . . .".Nagbaba ako ng tingin saka pinagpatuloy ang aking sasabihin.

"para din makabayad ako ng utang na loob sa kinilala kung ama"".sabi ko saka tumingin sa kanya at ngumiti ng pilit habang siya ay naktingin lamang sa akin at nagkaroon na naman ako ng pagkakataon para tingnan ang kabuuan ng kanyang maamong mukha napadako na naman ang tingin ko sa kanyang mga mata at nagtaka kasi kanina lang pure black yung kulay ng mga mata niya pero bakit ngayon naging golden brown ang kulay ng mga ito.

The Long Lost Queen Of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon