sorry for the late update guys. Busy si author sa school at may writer's block din. hihihihi.
Sana magustohan nyo. enjoy and pasensya na kung pangit ang kalabasan kasi wala pa akong mga naiisip sa ngayon. ^___^ sorry talaga guys.. Peace yall!!
___________________________________
JD'S POV:
Asan na ba yung maganda kong asawa at ng makauwi na kami at makarami. XD
Andito lang sya kani-kanina lang ng may biglang may humablot sa kanya sa kung saan. Aba! gumagaya sa style ko kung sino man yung taong yun.
Maya-maya sa kakalibot ko para mahanap sya sa wakas nakita ko na rin. Ngingiti na sana ako kaso dahil sa nakita ko parang nanginginit ang katawan ko. Gusto kong manuntok.
Nakita ko lang naman ang babaeng pinakamahal ko na may kayakap na iba na sobra kung makangiti.
Pigilan nyo ko! kung hindi makakapatay ako.
"Tatyana! Halika na! Baka maiwan pa tayo sa flight natin. Bilisan mo baka masapak ko yang hinayupak na yan sa selos ko." mahina kong sabi sa dulo.
"Oo na! excited masyado eh. Ok, Si.. See you soon." at hinalikan pa nya ito sa pisngi bago lumakad papunta sakin. Asar!
Bago tumalikod, sinamaan ko lang ng tingin si Simon na kaibigan ni Tatyana kuno. Kala mo ha. Baka di mo alam may anak na kami. Akin lang si Tatyana. AKIN LANG.
___________________________________________
TATYANA'S POV:
Habang tulog ang lalaking katabi ko sa eroplano na walang iba kundi si JOHN DMITRI ALCANTARA, pinagsawaan ko naman ang gwapo nyang mukha.
Grabe, hindi ko na ipagkakaila, ang gwapo nya parin hanggang ngayon. Infact mas gumwapo sya kasi hiyang sa kanya ang pagiging tatay. At dahil dun hindi ko maiwasang mapangiti.
Kinakabisado ko ang buong mukha nya kahit kabisado ko na dati pa lang. Galing sa mapipilantik nyang pilik mata. Sa matangos na ilong. At ang labing walang kasing gwapo nya na grabe kung makapagmura kanina dahil sa hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Kanina pa sya sa airport sa Bohol nagmumura. Kesyo daw wala sya ganun na daw ako.
Tinanong ko naman sya kung anong problema nya pero sinigawan nya lang ako. Wala daw kasi syang problem. Di sabi ko ok, tapos nagmura na naman. Tsk, baka matututo yung anak namin jan sa mga mura nya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na haplosin ang mukha nya at halikan sya sa labi. Himbing kasi ng tulog, kahit ginigising ko na kasi malapit na maglanding ang eroplano.
Gumalaw sya nung hinalikan ko sya pero di parin nagmulat ng mata kaya sinampal ko sya mahina lang naman.
"Aray...Ba't ka na nanampal jan?" inaantok pa nyang sabi. Pero wag kayo, sexy pakingan yung boses nyang paos. ^////^
"Malapit na po maglanding PO. Kanina pa kita ginigising jan di ka naman gumigising."
"Halik mo lang naman magpapagising sakin eh." bulong nya habang naka pout. Kala nya siguro di ko narinig. Kala nya lang yun.
"Hinalikan na kita pero wala parin." Nagulat sya sa sinabi ko at ngumiti ng nakakaloko. "Sa PAA. Hinalikan kita sa paa. Pero di ka naman nagising eh. Pasalamat ka at sampal lang yun. Manghihingi na sana ako ng mainit na tubig para buhusan ka sana eh." haha. kala mo ah. XD
At pagkatapos nun hindi na sya nagsalita pa. Busangot ang mukha nya hanggang makalabas kami ng NAIA hanggang sa bahay. Hay... Ewan ko sa kanya.
_______________________________________________
Sorry short update lang. ^^.
Vote and comment narin. t.y.
BINABASA MO ANG
Mr. STUBBORN'S BABIES
HumorMatigas ang ulo... Yan ang katangiang meron si Tatyana Ivonne Schnittka. Hindi nya akalaing may mas matigas pa pala ang ulo kesa sa kanya at yun ay si John Dmitri Alcantara na nagbihag sa kanyang puso. At ngayon ay tinataguan nya ito dahil nabuntis...