Chapter 34

9 1 0
                                    


Vaness POV

nang matapos kaming kumain ay ihinatid muna ako ni Agustin sa aking kwarto bago siya pumunta sa kanyang silid

kinabukasan ay ginising ako ni Cy dahil may pupuntahan raw kami. nagbihis muna ako saka lumabas.

"ang tagal mo naman babaita ka mas mabilis pa sayo yung pagong" ani ni Cy nang makalabas ako ng Cr.

"mana ako kay PLDT ei HAHA" ani ko at hinila siya paalis. napaka ate talaga. habang naglalakad kami ay napahinto ako "saan tayo pupunta?"

"yacht raw"

"anong gagawin natin sa yacht?"

"ewan ko rin ei, sabi doon raw tayo" ani niya "saan ba yun?"

"ah malapit lang yun hehe" ani ko at nag tuloy tuloy ng lakad hanggang makarating kami ng Yacht

malaki ang yacht namin, hindi ko maitatangging napakayaman ng aking mga magulang dahil rami ng aming mga pagmamay-ari

"Van!" sigaw ni Alec nang makarating kami sa harap ng yacht

"bakit?" tanong ko nagsalita siya kaso di ko narinig napatingin ako kay Cy at nagkabit balikat lang siya.

"umakyat na tayo" ani ni Cy at tumango nalang ako at umakyat.

nang makaakyat kami ay nakita ko ang trampoline na nakasabit. habang silang lahat ay nakakalat lang. biglang lumapit saakin sila at yinakap ako "happy birthday!" sabay sabay nilamg sigaw

"halaa thankyou!" ani ko at yumakap sa kanila pabalik "nasaan regalo ko?" pabiro kong tanong ko at ngumiti lang sila

"pupuntahan natin mamaya" ani ni dad "kaya.. umupo ka lang diyan"

"ano?" tanong ko at tumawa lang sila

"basta, napakaspoiled talaga neto" ani ni kuya at sinamaan ko lang siya ng tingin

"sana mabaog ka" bulong ko at binatukan niya ako "hoy ang sakit! papa oh! si kuya birthday na birthday ko binatukan ako kung di ba naman animal" sumbong ko kay papa

"ang sweet niyo talagang magkapatid" ani ni ate Lex

"sus ako lang sweet yang spoiled na yan? di yan sweet!" reklamo ni kuya

"mama mo"

"mama mo rin"

"oh tama na yan! kain muna tayo" ani ni Alec

inikot ko ang paningin ko sa buong lugar nang di ko nakita si John at yung jowa niya

"nasaan si John?" tanong ko kay Cy

"wala umuwi raw sila ng girlfriend niya may emergency raw kasi" ani ni Cy at tumango lang ako

"hm..." ani ko nang biglang lumapit saamin si Agustin na may dalawang plato ng pagkain

"bunso oh" ani ni Agustin at ibinigay ang pagkain kay Cy

"luh.. akala ko ba baby?"

"may baby na ako bunso ei" ani niya at kinindatan ako bago ibigay saakin ang plato

"naks naman yiee" ani ni Cy habang kinukurot kurot ng tagiliran ko namula naman ako

"wag mo sinakatan baby ko!" pabirong galit ni Agustin at hinila ako papalapit sa kanya. tumatawa lang si Cy

"geh tawa pa sana bumalik si—" ani ko

"manahimik ka nga!" seryoso niyang ani at ako naman ang tumawa

"sinong babalik?" takang tanong ni Agustin

"si—" di natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko

"si Lord kuya babalik ang panginoon sa tamang panahon.." ngumiti siya at tumingin saakin "diba Van?!" mahinahon pero may diin niyang ani tumatawa lang ako at tumango. tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko

"ang baho ng kamay mo" tatawa tawa kong ani. inirapan niya lang ako

ng usap usap pa kami hanggang sa makarating sa isla.

bumaba kami at naglibot-libot puro sand at puno lang ang nakapalibot sa isla at may isang bahay.

"pa nasaan tayo?" tanong ko kay Dad

"Isla mo" ani niya at lumaki ang mata ko

"I-Isla ko?" tanong ko

"oo isla mo nga ei paulit ulit" ani ni kuya

"minsan gusto kong sapakin yang pangit mong mukha"

"pangit sinong pangit ako?—"

"OO!"

"excuse me! ako ang linigawan sa batch namin nung highschool! pero lahat yun basted" ani niya na para bang nakikipaghamon ng away

"stop na.." mahinhin na ani ni Mom. nagtitigan lang kami ni kuya ng masama

"nandito na tayo" ani ni dad at nakaharap sa... kubo?

"uh.. dad ano pong gagawin natin dito?" mahinhin kong tanong

"aakyat ka diyan tas tatalon ka" ani ni kuya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin

"dad ka? dad ka?"

"tanungin mo si Lex" ani niya at bila kaming napatingin kay ate lex

"oyyy gago ka Rhem! di ako buntis promise! hindi panga ako nagagalaw ei" ani niya nang biglang tumawa si kuya rhem

nagkulitan pa sila. habang nakikinig ako sa sinasabi nila ay biglang may kamay na gumapang sa baywang ko. gusto talaga ng hinayupak na to ng yumayakap sa likod huh?

"epal si rhem di na tuloy ako pinapansin ng fiancé ko" ani niya at alam ko na nakapout siya base sa boses niya

"pinapansin kita ah, tsk seloso"

"oo nga pero pag ina-approach lang kita" ani niya at kumalas ako sa yakap niya at humarap sa kanya. bigla niyang pinisil ang mukha ko "paano ako hindi magseselos kung ganto yung mukha ng nawawalan ng attensyon saakin"

"masakit" ani ko at hinampas ang kamay niya

"ok ka lang? malakas ba pagkakakurot ko?" tanong niya habang chinecheck ang pisngi ko. sandali akong napatitig sa kanya. nakita ko ang panga niyang napaka ganda ng pagkakahugis. wala rin siyang mga dumi dumi sa mukha makinis ang kanyang mukha na parang baby!. at huli akong napatingin sa mapula niyang labi. namula ako nang bumalik sa isipan ko yung panahon na nanggigil ako sa labi niya nung naghahalikan kami "hala gagi lalong namula CYRHEM!"

bigla akong napatingin sa mata ni Agustin! alalang alala siya

"hoy! anong nangyari?" ani ni kuya napatingin silang lahat saamin

"yung pisngi niya namumula kailangan na natin ng first aid kit!" ani niya at hinampas ko naman siya "aray!"

"para kang tanga! di naman yan masakit namumula lang kasi mestiza ako" pagpapalusot ko. yawa ang awkward

"hi everyone" ani ng isang lalaking lumapit saamin. matangkad siya at medyo may kagwapuhan. hinawakan ni Agustin ang kamay ko at hinapit sa kanya. "I'm your tour guide at this Island owned by Ms. Vaness Dela Cruz"

"Santiago" rinig kong bulong ni Agustin

"anong Santiago?" bulong ko

"Mrs. Vaness DC. Santiago dapat" bulong niya pabalik

Enjoy Reading ❤

Can you be my baby? (BFF series #1) (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon