Chapter 2: Bad Guy?

23 18 0
                                    

[Special Note For The Readers:I am not a native english speaker, so expect grammatical errors

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Special Note For The Readers:
I am not a native english speaker, so expect grammatical errors. ]

~~❍~~


(Ford P.O.V)

Naglalakad lang ako at tinitingnan ang paligid, sinusundan yung lalaking nangunguna na gusto mag solo akala mo naman hindi nya ka-kailanganin ang tulong namin incase na sya yung unang makita ng kung ano man ang meron dito sa kagubatan. Maya maya lang ay may biglang sumigaw

"Ahhhhh!!!!"

Tumingin ako sa likod ko at wala na yung babaeng blonde yung buhok

Kinabahan na ako at that moment dahil di ko alam kung saan sya hahanapin. Maya maya lang ay tumakbo pabalik yung lalaki na itim na buhok at tinanong ako kung ano yun.

"Yung babae, nawawala. Nakasunod lang sya kanina sakin eh then maya maya sumigaw na sya" sabi ko sa kanya

"Mag hiwalay tayo. Dun ka sa kanan, ako dito sa kaliwa" sabi nya sakin at pagkatapos ay agad na naglakad papunta sa kaliwang direksyon at ako naman sa kanan

Naglalakad ako. Naghahanap kung saan saan, hanggang sa magkasalubong nalang ulit kami nung lalaking itim yung buhok

"Di ko sya mahanap, baka nakain na nang kung ano yun" sabi nya sa akin

"Di ka man lang ba nag aalala sa kanya? "Tanong ko sa kanya

"Ba't naman ako mag alala, di ko naman sya ka ano-ano" sabi nya sabay upo at sandal sa puno

"Kung di ka lang sana nag solo-solo dyan edi sana walang napahiwalay satin" sabi ko sa kanya

"Oh ba't parang kasalanan ko?" Sabi nya sabay tingin ng matalim sa akin

"Kasalanan mo naman talaga eh, makasarili ka. Babae yun eh" sabi ko sa kanya tumayo naman sya at lumapit sakin

"Ako may kasalanan? Diba sabi ko sa inyo wag kayong susunod pero ano ginawa nyo? Sumunod parin kayo. Tapos ano ngayon? Ngayon ako sisihin mo? Angas mo naman "sabi nya

"Ba't sa tingin mo ba kaya mo mag isa yun? Diba kakailanganin mo rin ng tulong namin? Team work naman bro, pare-parehas tayong nawawala dito"sabi ko sa kanya

"Tsk" sabi nya sabay balik sa pagkakaupo

Maya maya lang ay may narinig akong sumigaw kaya agad akong tumakbo kung saan ko narinig yung sigaw.

(Christine P.O.V)

Hinila ako ng humawak sa balikat ko, ang lakas nya kaya nahila nya ako ng mabilis, tumigil kami sa mapunong lugar pero may ilaw dun, tumingin ako sa kanya at naka itim lang sya, mamatay tao kaya tong taong ito? Hindi naman sya oso o kung ano mang wild animals pero di ibig sabihin nun di na ako kinabahan.

"Ikaw..." Sabi nya sabay turo sa akin

(Ford P.O.V)

Hindi ko alam kung saan ba yun, di na kasi sumigaw ulit yung babae pero naglibot parin ako baka sakaling mahanap ko sya, maya maya lang ay may nakita akong liwanag. Dahan dahan akong pumunta sa puno na malapit dun, nakita ko ang isang babae na naka tali at naka sandal sa puno, may lalaki sa harap nya, agad akong kumuha ng kahoy mula sa tumpok ng mga kahoy na nakita ko kanina at dahan-dahan lumapit dun pero bago pa man ako makapalo sa ulo nya may pumalo na dito, pagkalingon ko yung lalaking itim ang buhok. Dumiretso sya sa babae at tinanggal ang tali nito sa kamay

(Christine P.O.V)

"Ano bang kailangan mo? wag mo akong saktan "Sabi ko habang paiyak na

"Huh? Wait lang ah "sabi nya sabay tanggal ng mask nya

"Mukha ata akong masamang tao dito sa mask ko"sabi nya at pagkatanggal nya agad nyang iniwasiwas ang buhok nya kulay light na pula.

Dahil sa nakita ko para nang umatras ang luha Ko at nawala yung kaba ko

"Ikaw yung kaninang hinabol ng soro diba? "Tanong ko sa kanya

"Huh? Pano mo nalaman? "Tanong nya sa akin

"Actually nakita ko yun. Di kita natulungan sorry, natakot rin kasi ako" sabi ko

"Ah wala lang yun. Atleast naka ligtas ako. Anyways ako nga pala si Mickey, nawawala rin ba kayo dito? Kasi ako oo eh, bigla nalang ako napadpad dito sa lugar na toh, ang pagkakaalala ko natulog lang ako then yun nagising nalang ako na nakahiga sa damuhan"sabi nya

"Oo eh, anyways ako si Christine" sabi ko

"May kasama ka diba? Dalawang lalaki? Kanina ko pa kayo sinusundan, maliwanag pa, di lang ako maka tiempo, then nung naka tyempo na ako ikaw lang yung nakuha ko kasi mahirap na pag kayong tatlo di ko kayo kayang tatlo, ikaw nasa pinaka likod kaya ikaw nalang hinatak ko" sabi ko

"Oum... Pare-pareho tayo, bigla nalang napadpad dito"sabi ko

"Anyways nasaktan ba kita sa pagkakahila ko sayo? Sorry ah "sabi nya

"Ah hindi naman, ang lakas mo nga eh" sabi ko

"Hindi naman, sadyang magaan ka lang" sabi nya sabay smile kaya nag smile rin ako sa kanya. Maya maya lang ay may bilang pumalo sa ulo nya na dahilan para mahimatay sya at napahiga nalang sa damuhan.

Lumapit sakin yung lalaking itim ang buhok at tinanggal yung tali sa kamay ko

"OK ka lang? Sinaktan ka ba nitong lalaking toh?" Tanong nung lalaking kayumanggi ang buhok

"Ano bang gusto mong gawin namin dito sa lalaking toh? "Tanong nung lalaking itim ang buhok

"Nako Wag! "Sigaw ko sabay pigil sa kanila

Tumingin naman sila sakin na may tingin na nagtataka

"Di sya masamang tao"sabi ko

"Pero ba't ka nya tinali? Ba't ka nya dinala dito mag isa? "Tanong nung lalaking itim ang buhok

At yun na nga... Inexplain ko lahat sa kanila ang lahat ng sinabi ni Mickey sakin

"Wait... Sya yung kanina diba? Yung hinabol ng soro? "Tanong nung lalaking kayumanggi ang buhok at tumango naman ako

"What happened to the fox? Napatay nya ba?" Tanong nung lalaking itim ang buhok

"Nakatakas lang sya"

12 o'clock NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon