Ikaw pa rin..

472 13 3
                                    

Hindi ko matanggap.

Bakit nga ba nasasaktan ang taong totoo magmahal? Bakit sila pa 'yung naloloko? Bakit sila pa 'yung pinaglalaruan? At bakit 'yung mga taong nagloloko, 'yun pa 'yung nakakahanap ng taong totoong nagmamahal sa kanila

 

Hindi ba pwedeng, 'yung taong nagmamahal ng totoo, mabigyan rin ng totoong pagmamahal? Bakit sila pa 'yung nasasaktan sa huli? At bakit nga ba nasasaktan ang tao kapag nagmamahal?

Kung pwede ko lang kalimutan lahat ng sakit na nadama ko. Kung pwede lang talagang malimutan ko lahat-lahat. Kung pwede ko lang kalimutan ka, Xander.

"Francheska, pinapatawag ka ni Mrs. Dimagiba." Naputol ang aking pag-iisip ng pumasok sa silid ang ka-office mate ko. 

"Bakit daw?" Tanging tanong ko.

"Aba'y ewan ko," Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sa kanyang sagot. "Ay teka, bakit parang ang lalim ng iniisip mo kanina?" 

"H-Ha?" 

"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on?" Nabigla ako sa tanong niya. Ay oo nga pala, alam niya pala ang nangyari. 

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Sabi ko nalang. Tumayo na ako upang lumabas sa silid. Ayoko ng pag-usapan pa ang nakaraan.

Nakaraan na 'yon. Dapat nang kalimutan.

Pag-labas ko ng silid ay pumunta agad ako sa office ni Mrs. Dimagiba. Kumatok ako ng ilang beses hanggan sa narinig ko'ng sinabi ni Mrs Dimagiba na pwede na akong pumasok. Ginawa ko naman 'yon.

"What's the matter, mom?" Tama kayo. Nanay ko si Mrs. Dimagiba. Kadiri nga kung tinatawag ko siya bilang Mrs Dimagiba in front of other people. It's way too formal, but it's a rule in the office. 

"Can I have a favor?" I smell something bad about the favor. 

"What favor?" 

"May bago tayong client. But he's too busy on his other business abroad. Kaya ang ipapapunta niya para mag-asikaso dito ay ang kaniyang anak," 

"So, am I involved?" Ano ba naman kasing kinalaman ko doon.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon