Chapter 60

16.1K 338 28
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 60

Hershey POV

"Bitawan niyo ko!!" pagpupumiglas ko sa mga tauhan nung gurang na yun. Hawak nila ako ngayon para ilapit kay Tan. Hawak na ni Tan ang baril ngayon mukang ito na ang katapusan ko.

"Bitawan niyo na ko! Sasama ako sa inyo wag kayong mag-alala. Hindi niyo na ko kailangan hawakan!"sabi ko sa kanila at bumaling muna kay Sam.

"She mahal na mahal kita. Patawarin mo ko at pati ikaw nadamay. Wag kang mag-alala tatapusin ko na ang gulong ito"sabi ko sa walang malay na si Sam atyaka ko ito mabilis na hinalikan sa labi. Patawarin mo ko Sam. Mahal na mahal kita.

Tumayo ako at lumapit sa gurang na yon na kasalukuyang iniikot sa kamay ang baril na hawak niya.

"Hershey Easton handa ka na ba? Baka may gusto ka pang sabihin. Tandaan mo katapusan mo na."sabi nito atyaka ngumisi. Hindi ko ito sinagot. Sinulyapan ko sa huling pagkakataon si Sam na wala paring malay. Sam.... paggising mo siguradong wala na ako. Pero tandaan mo mahal na mahal kita.

"Well pinagbigyan kitang magpaalam sa mga mahal mo sa huling pagkakataon pero hindi mo ginawa."sabi nito atyaka kinasa ang baril at itinapat sa akin. Tinignan ko ito sa mata para malaman niya na hindi ako natatakot. Paalam. Mahal na Mahal kita Sam. Patawarin mo sana ako Jeremy sa lahat ng sakit na dinanas mo dahil sa akin.

"Paalam Hershey Easton"sabi nito. Pumikit na ko. Handa na ba ko? Handa na ba kong iwan ang mundong ito?

"Papa wag!! Papa!!"rinig kong sigaw ni Jeremy. Paalam.

*Boom*

Joanne POV

"Joanne kuha muna kitang tubig."sabi ni Faye atyaka ito umalis sa tabi ko.

"Joanne everything will be fine. Kalma lang"sabi sa akin ni Sarah. Nginitian ko lang ito.

"Sarah.... wala namang mangyayaring masama kay Hershey diba? Wala naman diba? Sarah answer me"

"Joanne.... magtiwala ka lang. Walang mangyayaring masama kay Hershey"sabi nito atyaka hinawakan ang kamay ko. Diyos ko, kayo na po bahala kay Hershey. Wag niyo po siyang pababayaan. Kayo na po bahala sa kaniya.

"Joanne ito na ang tub--

*Booogssh*

Biglang nabitawan ni Faye ang hawak nitong baso. Masama ang kutob ko. Diyos ko, kayo na po bahala sa bestfriend ko.

Hershey POV

*Boom*

"Papa!!!" Rinig kong sigaw ni Jeremy. Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita ko na may tama ng baril si Tan sa balikat. Nabaril ito ng isang pulis na nasa likod namin. Pero kaagad rin itong pinagbabaril ng mga tauhan ni Tan.

Kinuha muli ni Tan ang baril nito at itinapat sa akin. Pero kaagad tumakbo si Jeremy papunta dito at tinulak ito.

"Hershey umalis na kayo!!"sigaw sa akin ni Jeremy. Dun ako nagising at tumakbo sa kinaroroonan ni Sam at inilagay ko ang kamay nito sa balikat ko para alalayan itong maglakad.

Nagtago kami dun sa isang sulok na napapaligiran ng malalaking kahon. Kasalukuyan ng nagbabarilan ang mga pulis at ang mga tauhan ni Tan. Grabe! Parang dati sa pelikula ko lang ito nakikita ngayon nararanasan ko na.

"Hershey...."biglang salita ni Sam na naging dahilan para lumingon ako dito.

"Sam.... patawarin mo ko. Nadamay ka pa rito."sabi ko dito pero hinawakan niya lang ang kamay ko at hinalikan.

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon