ENJOY;)
VERONICA'S POV
Nandito ako sa Sementeryo. Sinusundan ko ang sinasabi ng Cellphone ko. Ipinaconnect ko na sa mga tauhan ko yung cellphone niya sa cellphone ko , para malalaman ko na lagi kung nasaan siya. Hate ko siya pero concern parin ako sakanya.
Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa mahanap ko siya. Nakaupo siya sa tabi ng isang puntod , wala siyang malay kaya agad ko siyang nilapitan.
Napansin ko ang puntod na katabi lamang niya. May bulaklak at kandila pa ito.
"Ashley De Villa." Saad ko.
Sino si Ashley sa buhay ni Blaze? Anak niya ba ito? Pinanganak kasi 'to ng February 3 , 2017. Tapos namatay ng February 4 , 2019.
Gabi na.Pinagmasdan ko si Blaze. Magkakamalay kaya siya kung ima-mouth to mouth ko siya?
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Ilalapat ko na sana ang bibig ko sa bibig niya ng bigla siyang magkamalay , bigla akong napalayo saknya.
"Sino ngayon ang chansingero satin?" Pang-aasar ni Blaze. Inirapan ko siya.
"Yan pa iniisip mo? Tingnan mo nga itsura mo oh mukha kang adik sa kanto. Umuwi na tayo gabi na." Masungit kong sabi.
"Maya-maya naman. Tinatamad pa ako eh , sobra kayang napagod ako hindi ka ba naaawa sakin?." Tanong niya at sabay nag puppy eyes. Tss.
"Para kang t*nga. Ba't naman ako maaawa sa'yo 'no."
"Sus , bakit ka pala dito? Siguro naawa at nag-alala ka 'no?"
"Kapal naman ng mukha mo. Hindi ba pwedeng concern lang ako sa Sumbrero ko na isinuot mo pala ng walang paalam?"
"Madamot ka kasi kaya di na ako nagpaalam." Masungit niyang sabi.
"Tara na , ba't kasi nagpunta ka pa dito? Gabing-gabi na." Tanong ko.
"Basta."
"Hindi ka naman yata talaga inatake ng sakit mo eh. Siguro nagkunwari ka lang ! Para may makasama ka dito sa sementeryo , siguro natatakot ka mag-isa dito 'no?."
"Alam mo , ang lawak ng pag-iisip mo. Hello? I'm Blaze Asher De Villa hindi ako takot sa Ghost." pagmamayabang niya. Talaga lang huh?
Pasimple akong dumakot ng bato sa tabi ko at binato ito. Bigla siyang napasampa sa likod ko. "Teka ano yun!!!" Natatakot na sabi niya.
"Oh ? Akala ko ba hindi ka takot? Kahit kelan talaga napakaduwag mo." Natatawang bulong ko.
"Pshh! Daming alam , tara na nga." Saad niya at tumayo.
"Dito na muna tayo!! Diba sabi mo napapagod kapa?."
"AYOKO! Tara na , gusto ko na magpahinga."
"Edi dito ka na muna magpahinga." Natatawang sabi ko.
"Bahala ka dyan." Saad niya at naglakad palayo. Agad kong tiningnan ang puntod , anak nga siguro siya ni Blaze? Pero kanino? At bakit siya namatay?
Agad akong tumakbo papunta kay blaze. Malapit na kami sa kotse ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Oh my god! Yung make-up ko!!!!
"Sorry but i need to do this." Bulong ko at agad na inispray sa mukha ni Blaze ang pampatulog.
Binuhat ko siya papunta sa kotse , grabe ang bigat!!! Kung alam ko lang na mangyayari 'to edi sana pinasama ko na yung mga tauhan ko.
Nang maisakay ko siya sa kotse ay agad din akong sumakay at nagmaneho pauwi. Buradong-burado na ang make-up ko!
Ihininto ko ang kotse saglit at agad na naglagay ng make-up at fake pimples sa mukha ko.
****
Tinawag ko ang isang Guard , Nagpatulong ako iakyat si Blaze sa Condo. Ang bigat niya talaga! Ano bang kinakain ng tyan nito araw-araw! May dragon yata 'to sa tyan eh!
Nagpasalamat ako sa guard sa pagtulong niya sa akin. Agad ko namang inayos ang higaan ni Blaze at hinila siya papunta sa kama. Ayoko siyang buhatin , nararamdaman ko yung ano niya , basta yung ano. Yung ano , yung cobra. Alam niyo na yun.
Nang maihiga ko siya sa kama agad akong nakaramdam ng antok.
"Haaaaay" hikab ko. Hindi ko na kaya , inaantok na talaga ako.
****
"Panget! Wake up." Bulong sakin ni Blaze. Pero hindi ko siya pinansin , inaantok pa talaga ako.
"Hey , wake up! Ano kaba." Saad niya at inuga-uga ako. Nakakainis talaga ang Duwag na 'to.
"Ano ba kasi!" Sigaw ko at hinarap siya.
Parehas kaming nagulat sa pagharap ko skanya , sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Hindi agad ako nakagalaw , konting galaw ko lang maaari akong mahulog sa kama.
"Huy! Anong tinutunganga mo jan! Umurong ka nga malalaglag na ako oh!" Saad ko pero nanatili parin siyang nakatitig sa mga mata ko.
Biglang namatay ang mga ilaw, napayakap siya sa akin dahilan para mahulog kaming dalawa sa kama.
Kumidlat ng malakas , nakita ko ang mukha niya , napakaseryoso niya ngayon. Kasalukuyan siyang nasa ibabaw ko , hindi magkadikit ang mga katawan namin pero nasa ibabaw ko parin siya. Naiilang ako sa mga kinikilos niya. Dahan-dahan siyang umalis sa ibabaw ko at napasalampak sa tabi ko.
"Bakit everytime na tumitingin ako sa mga mata mo , nanghihina ako at naaalala ko ang nakaraan ko? Sino ka ba talaga ,b-bakit p-parang nakasama na kita noon." Malungkot na sabi niya. Pinagmasdan ko siya , bigla na namang kumidlat ng malakas kaya't nakita kong tumulo ang luha niya.
Hindi ako makapagsalita. Anong nakaraan? May nakaraan pa ba siya bukod sa nakaraan nila ng ex niya?.
Bigla nalamang niya akong niyakap. Ano bang nangyayari sakanya? Siya pa ba 'to?
"Let me hug you tightly, I'm just missing someone who is so important to me." He said. Binuhat niya ako at ihiniga sa kama , kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nakasubsob na ako sa dibdib niya habang nakayakap siya sa akin ng mahigpit.
Nakakabaliw ang amoy niya , sobrang bango. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'to , gumagaan ang pakiramdam ko. Parang wala na akong paki sa mga nakaraan ko , parang gusto ko nalang na ganito.
"END OF CHAPTER 16"
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT, AND FOLLOW. THANK YOU!!!
-Binibining_Eca
06/26
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Ficção Adolescente𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...