BLUELimang taon ang lumipas mula noong makuha ko ang special assignment na iyon at isang tadyak sa pride ko na unti unti akong nawawalan ng pag-asa na maresolba ang kasong 'to.
Sa loob ng limang taon na' yan, napag alaman namin na hindi lang iisa ang gumagamit nang Alyas KANA kung hindi Lima.
Limang iba't ibang tao na may kanya kanyang palatandaan na iniiwan sa kani-kanilang biktima.
Ang isa ay asul at puti na polca dots, ang isa na man ay capital TT, ang isa ay hugis daga, ang isa ay berdeng globo at ang panghuling KANA ay nakaagaw sa atensyon ko.
Ang palatandaan niya ay pinagbiyak na araw at bulaklak na mirasol.Kakaiba ang mga vigilanteng ito, kakatwang ang mga pinapatay nila ay ang mga tiwaling opisyal.
Pero gaano man ka ganda ang kanilang hangarin, walang sinuman ang may karapatang ilagay sa kamay ang batas.
Sa paglipas ng taon, dalawang KANA na lang ang natira.
Iyong berdeng globo at iyong araw at mirasol ang palatandaan.Na fu-frustrate na ako, idagdag pa palaging nagpaparinig ng disappointment si Dad.
Limang taon na ako sa serbisyo pero wala pa akong napapatunayan.
Hindi sasapat ang mgaaliliit na kaso ng kidnapan at droga na na reresolba namin.
Nakakapagod na.
Ginusto ko maging alagad ng batas dahil sa kanila.
Pero parang pakiramdam ko balewala din ang hirap ko. Hindi nila nakikita iyon.Napaangat ako ng tingin ng lumapit sa table ko si Yngrid, isa siyang bagong Agent ng NBI.
"Velez, Tawag tayo ni Director." matamis siyang ngumiti sa akin.
Tumango lang ako bilang ganti.Sabay kaming pumasok sa opisina ni General Manuel at sabay na sumaludo.
"Agent Velez reporting Sir." I snappy salute on him.
"Agent Bautista reporting Sir." Yngrid did the same, nawala iyong maharot niyang expression kanina at napalitan ng seryosong mukha.
"Both of you, sit down."
Tumalima naman kami.
"Velez, Bautista, you will team up for tonight. Our informant tipped me na may transaksyong mangyayari sa Pier 70 Tondo mamayang gabi. Ayon sa kanya ay mga tauhan ni Senator Quibranza ang mga ka transaction ng mga Taiwanese foreign drug dealers. You need to go there with your team. Nakipag coordinate na ako sa PNP at pumayag sila. Handa silang maging back up. At isa pa, Sabi nang isa pa nating impormante, susunod na target ng Dark Angels si Senator Quibranza.. Malakas ang kutob ko na nandoon siya at hahanap ng tiyempo para mapatay ang Senator. This operation, will be like hitting two birds with one stone. Can I count on you?"
Sabay kaming tumayo ni Yngrid at sumaludo.
"Sir yes Sir!""Prepare for tonight."
***
ASH
Madilim na ang gabi nang matapos ako sa pag bisita sa mga Pharmacy branches namin.
Tuwing katapusan ng buwan ay ginagawa ko ito para makausap ang mga branch managers, and to reach out to their problems and concerns.Nagmamaneho na ako pauwi nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mike.
"Mike? Hindi ba nasa misyon ka?"
Dinig ko ang bigat ng kanyang hininga.
Bumundol ang kakaibang kaba sa dibdib ko."Mike! Nasaan ka?" Napasigaw ako kasabay ng walang humpay na putukan ng baril.
"Ash.. May t-tama ako." nanginginig ang boses na sabi niya. Napatawa pa siya.
"Putang ina. Nasaan ka?! Bakit ka umalis nang walang pasabi?! Bakit hindi mo sinabi kung nasaan ang misyon mo?!"
Nahampas ko ang manibela sa inis.
BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House)
ActionWARNING | MATURE CONTENT The English translation is on the process. Please do kindly wait. ☀️🌻