Chapter 3

284 30 1
                                    

BLUE'S POV

Akmang hahabulin ko sila nang magdatingan ang ibang kasamahan ko.

Agad akong iniharap ni Yngrid sa kanya at sinapo ng panyo ang pisngi ko.
"You're bleeding. May daplis ka."

Pa simple kong iniiwas ang mukha sa kanya, inalis ko ang kamay niya sa panyo at ako na ang humawak doon.
"Salamat."

Humahangos na dumating si Agent Estrebor. "Anong nangyari Velez?"

"Na baril ko ang isang Kana. Tapos dumating ang isa pa at ito, nadaplisan ako Sir. Nakatakas sila." Napailing ako.

"Anak ng puts a! Tara. Umalis na tayo, Nahuli na ang mga dapat hulihin. May araw din ang Dark Angels na 'yan."

Lumapit ulit si Yngrid sa' kin.
"How do you feel?" Nag aalalang tanong niya.

Makatanong naman to parang ang laki ng sugat ko.
"Ayos lang. Malayo sa bituka."

Naiinis parin ako.
Ang palpak ko talaga.

Dumating din ang SOCO team at nakipag ugnayan kami sa kanila tungkol sa basiyo nang bala mula sa pag aari nang isa sa mga Dark Angels.

Malaking lead ito sa kanilang pagkakakilanlan dahil ayon kay Major Estrebor iilan lamang sa dito sa Pilipinas ang may ganitong klase ng baril.

'Pasasaan ba at makikilala din kita, Kana'

***

ASH'S POV

HAWAK ko ang kamay ni Mix, nanatili ako dito sa tabi niya pagkatapos alisin ni Anson ang bala sa kanyang tiyan.
Malapit sa pancreas ang tama niya, kung hindi ako nagmadali, maaaring ikamatay niya iyon.

Nakakatawang isipin na nasa bingit ng kamatayan ang kapatid ko at alam ko na masesermonan ako ni Tatay pero mas naiisip ko iyong NBI Agent kanina.
Kakaiba siyang tumingin, iyong mata niya na parang hinhigop pati yata kaluluwa ko.
Nasapo ko ang mukha ko nang mag init iyon. Ni minsan hindi ako tumingin sa ibang lalaki nang ganoon dahil nasa isip ko lagi si Blue. Alam naman na nila Tatay at Nanay ang kasarian ko, at masayang masaya ako na natanggap nila kami. Wala naman kasing straight sa amin. Kumbaga Kahit ruler nga e nababaliko, kami pa kaya.

Tinapik ako ni Nanay Luz sa balikat.
"Kanina ka pa tulala, ni hindi mo napansin na pumasok ako, kung tutuusin ikaw ang may pinakamalakas ang pakiramdam sa inyong lahat. Anong iniisip mo?" Nakangiting sabi niya at saka tumabi sa akin.

Napakamot ako sa batok.
"Ahm.. Nay, kapag ba NBI AGENT kailangan gwapo?"

Kunwa'y nagulat si Nanay, nagbukas sara ang kanyang bibig, pagkatapos ang laki ng kanyang ngiti.

"Nagbibinata na ang bunso namin... May nagugustuhan ka na ba? Si Kuya Trent magiging tatay na din kasi buntis na ang asawa niyang si Nina. Si Mike ikakasal na kay Steve, si Anson engage na. Si Gene alam ko may denedate na din pero hindi lang nagsasabi." napapangiting sabi ni Nanay.

Umiling ako, kasabay ng pamimilog ng bibig ko.
"Wala nanay ah. Iyong nakalaban namin kanina... Feeling ko familiar siya eh kahit iyon pa lang ang unang beses ko siyang makita."

"Huwag mo nang isipin iyon anak. Ano ang sabi ni tatay pag dating sa taong magugustuhan?"

Napatango ako. "Huwag magmahal ng alagad ng batas." yumuko ako at nagkagat labi. "Wala naman akong sinabing mamahalin ko nay,"

Napatango si Nanay, kunwari nakumbinsi.
"Alam mo na ang nature ng trabaho natin, gaano man kabuti ang hangarin natin, kriminal parin tayo sa tingin nila. Mag ingat ka anak." Niyakap niya ako at inalo.

Nasa ganoon kaming posisyon nang pumasok si Anson.

"Ash, tawag ka ni tatay sa study." Dumiretso si Anson sa kama at inasikaso si Mike.

"Galit siya?" Mababa ang boses na sabi ko.

"Galit na galit! Nagbabaga na nga, bilisan mo bago pa maging uling iyon." seryosong sabi niya.

"Gago." akmang sasapakin ko siya ng pinigilan ako ng nanay.

"Tama na 'yan mga isip bata, Puntahan mo na ang tatay mo bago maging uling iyong galit niya at mahihirapan kang alisin."

Nenerbyos akong naglakad papasok sa study room.
Itinulak ko ang pinto at walang ingay na pumasok.

Pag angat ni Tatay ng tingin mula sa binabasang papeles ay sumalubong sa akin ang nang uusig niyang mata.

"ano6 ang ginawa mo." striktong sabi ni Tatay. Madiin ang bawat salita niya. Nagpipigil ng galit.

Deretso akong tumingin sa mata niya saka sumagot. "Niligtas ko si Mike."

"Ginamit mo ba ang baril mo?"

Mahina akong napatango.

"Paano natin lulusutan 'to ngayon Ash? Lahat ng baril na meron tayo bilang protection ay rehistrado sa Camp Crame. ngayon. Kung makukuha nila ang basiyo ng bala mo doon. Maa-identify nila iyon dahil 'yang baril mo, binili ko pa mismo sa isang gun maker sa Europe. Tatlo lang kayo meron niyan dito sa bansa. Mataas ang tsansa na pagdududahan tayo ng mga iyon."

Natampal ko ang noo ko, bakit hindi ko naisip iyon? Matagal nang sinabi ni Tatay sa amin na bago kami pupunta sa misyon, iyong mga baril na naimbak sa safe houses ang gagamitin namin at hindi ang personal guns namin.
Bakit ang tanga ko? Nagpadala ako sa galit at pag aalala.

"Anyway... Huwag mo nang isipin iyon. Gagawaan ko na ng paraan." tumalikod si Tatay sa akin at nag salin ng mamahaling wine sa rock glass.

"Since, pakialamero ka man lang din, ikaw ang gumawa sa naiwang misyon ni Mike habang nagpapagaling siya. Patayin mo si Senator Quibranza bago matuloy ang shipping ng mga biktima niya papuntang Japan."

Napatango ako at agad na pumayag.
"Masusunod tay.. Sorry po."

"Makakaalis ka na."

Agad akong tumalikod para maghanda.
Kapag ganitong weekend ay kadalasang nasa pag aari niyang private club si Senator Quibranza.

Kailangan kong magpanggap bilang babae.

***

Itutuloy

Waanjai_Erottika

Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon