☀ 🌻
BLUE'S
Humahangos na dumating ang iba pa naming kasamahan na naka antabay lang sa labas ng bar habang hinanap ko ang mga biktima na ipapadala na sana sa Japan for human trafficking pagkatapos kong siguraduhin na maayos ang lagay ni Yngrid.
Nasa isang kwarto ang mga biktima at nag-iiyakan, halo-halo, may babae, bata, bakla at may mga edad na ang iba pa.
Ayon sa aming imbestigasyon, gagawin silang donor ng kung sino man pag dumating na sila sa pagdadalhang bansa.
Dumating si Major Estrebor at tinapik ako sa balikat.
"Magaling Velez."
"Hindi ako ang pumatay sa kanya Sir. Si Kana..." pinakita ko sa kanya ang panyo na naka sealed sa zip lock bag.
"Sunugin mo yan, get this credit, Akuin mo na ikaw ang nakayari kay Quibranza." suhestiyon nito.
Napailing ako, "Sorry Sir, Hindi ko ugali ang mang angkin ng trabaho ng iba." sabi ko saka ko binuhat si Yngrid na wala paring malay.
Dinala ko siya sa hospital, ilang oras pa ang hinintay namin para magising siya.
Pagka gising niya ay agad ko siyang tinanong kung ano ang nangyari.
Napahalukipkip ako habang nakikinig ng mabuti. Kumuha ako ng sketchpad para ipa described sa kanya ang itsura ng taong nanakit sa kanya habang abala ako sa pag eesketch.
Habang patapos na sa pag drawing.
Unti untng nabuo ang hindi maipaliwang na damdamin sa dibdib ko.'Ash?'
Sa nakita ay nakabuo na ako ng hinala.
"May ipapakiusap lang sana ako sayo Yngrid... Pwede bang ipaubaya mo na lang sa akin ang impormasyong to? Kailangan kong e settle to mag isa. Maasahan ba kita?" Nakikiusap na sabi ko sa kanya.
Tumango siya at ngumiti.
"It's okay Blue, Nakikita ko sa mukha mo na may posibilidad na kilala mo ang killer. Naiintindihan ko. Hayaan mo, kapag nagtanong sila sa akin, sasabihin ko na hindi ko na matandaan."Napangiti ako. "Salamat."
❤️❤️❤️❤️
ASH'S POV
ISANG LINGGO kong tiniis na hindi siya tawagan, nag-aalangan ako.
Alam ko matalino si Blue. Sa ginawa ko sa partner niya, malalaman at malalaman nila na ako iyon.Humarap ako sa salamin at tiningnang mabuti ang sarili ko.
Natanong ko ang sarili ko,
How can I deserve him?
Ako na mamamatay tao, kriminal, vigilante.Noong mga bata pa kami. Nangako kami na magkasamang tatanda sa kahit anong paraan. Matutupad kaya ang pangakong iyon?
Ako, seneryoso ko iyon at hanggang ngayon dala-dala ko parin sa dibdib ko at nakatatak sa utak ko na mangyayari iyon.
Agad akong nag ayos ng sarili.
Iyong normal kong ayos.Napatitig si Gene sa akin.
"Alam ko kung saan ka pupunta.""Tumahimik ka na lang Gene." inirapan ko siya.
"Wala naman akong pakialam Ash, may sarili din akong problemang hinaharap. Sana magiging sandigan natin ang isat isa pagdating ng panahon." malungkot na sabi niya.
Tinapik ko siya sa balikat,
"Asahan mo ako."Nagdadrive na ako ng walang destinasyon nang tawagan ko si Blue na agad niya namang sinagot.
"Hello? Sino to?" Narinig ko ang baritono niyang boses.
Napapikit ako "Ako to, si Ash."
"Baby... Hinihintay ko na tumawag ka.. Bakit ngayon lang?"
BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House)
ActionWARNING | MATURE CONTENT The English translation is on the process. Please do kindly wait. ☀️🌻