Dedicated itong chapter na ito sa aking kaibigan na medyo na boyish pero babae siya talaga XD LOL peace tayo dude!
* * *
"Pard!" Sigaw ko sa kanya.
"Psst. Pards! Yoohoo!" Kaganina ko pa'to tinatawag eh. Pero ayaw namang tumingin. Tsk Tsk!
*Poink
Ayun kinotongan ko! Buti nga sa kanya!
"Aray naman!" Sigaw nito sa akin. Aba! Siya pa may balak mairita jan ah! Pero teka bakit parang ang lalim ng iniisip ng Pards ko?
"May problema ba Pards? Chicks ba yan?" Tanong ko rito. Sabay kamot sa ulo ko na nakatali mahaba kasi buhok ko. Ash! May kuto na ata ako! Gawa ng paglakwatiya kasama si Pards.
"Wala to! Tara na nga lang mang Chicks sa Court. May mga babaeng may hawak na pompom mamaya eh. Gawa ng laban daw sa basketball. Ano sama ka?" Aya niya sa akin. Naku! Basta may chicks okay na sasama ako noh.
"Mahihindian ba kita jan? Tara!" Sabay apir namin dalawa.
"WAAAAAAHHH PARDS! PARDS! PARDS! SI CRUSH!!!!" sabi--este sigaw ko dito sabay kalog sa balikat niya!
"Ano ba Pards! Kung makaalog ka naman lalapitan ka niyan!" Bakit? masama bang pangarap na lalapitan ka ng Crush mo na Ubod ng GWAPO oo as in G-W-A-P-O!
Heeepp! Para sabihin ko sa inyo hindi ako BAKLA!
Kung hindi BABAE ako! Ayaw mo maniwala? Pwes maniwala kana dahil May Crush akong lalaki!
Sadyang mahilig lang ako sa mga babae! Kasi naman maraming magaganda talaga dito sa purok namin! Kaya sinong hindi matitibo ha!? pero ako kasi SLIGHT LANG! Dahil may Crush akong lalaki.
"Si Pards talaga! Epal! Tignan mo nga papalapit sa akin!" Sabay kurot sa tagiliran niya. Napa-aaww naman siya! Kaya ako nag peace sign nalang.
Ayan na siya!
"Hello Dr--" hindi ko pa nga nakokompleto yung sasabihin ko may bigla naman may nag salita sa likod.
"Hello Dricks!" Sabi nito na may malanding boses.
"Hi Carla." Sabi naman ni Dricks sa kanya.
Binigyan naman niya ng ngiti ito sabay tingin sa akin. Tsss! Sasabihin ko maganda nga siya! Pero malandi naman! Siya yung pinakaayaw kong babae sa purok na'to!
"Can we have a date?" T-tanong n-naman ni D-Dricks. Dito pa talaga sila mag-uusap sa harap ko.
"Sure!" Sabay tingin sa akin. Nagpapainggit ba siya?
"Sige antayin kita sa labas." Dinig kong sabi pa ni Dricks. At ako eto umalis na ako sa lugar nila. Tssss porket hindi ako pala ayos sa sarili ko at mukha akong lalaking tignan eh pwede na nila akong itchapwerahin!
Nakalabas na pala ako sa bwisit na court na yun! Teka--asan si Pards? Ash! Baka nangchichick na yun.
"Ineng, may pag kain ka ba jan?" Bigla naman akong napatalon sa gulat ng may biglang may nagsalitang matanda sa gilid ko.
"Ah wala po. Pero! May pera po ako dito." Sabay halungkat sa bulsa ng jersey ko. At ayun may limang piso pa akong nakita..
"Ammm... Limang piso nalang po ito eh. Okay lang po ba sa inyo?"
"Aba'y syempre naman ineng! Madami na nga yan eh." Sabi naman nung matanda.
"Ineng wala man akong maibibigay sa iyong kapalit pero pwede nalang kitang hulaan. Gusto mo ba?" Hula? hindi naman ako naniniwala jan eh, kasi hindi naman tumatama yung sagot ko sa test hehe. Pero pagbibigyan ko nalang si lola. Libre naman eh.
BINABASA MO ANG
One Shot Short Stories Compilation
AcakMga One Shot Lang po ito kaya sana sipagin mag basa promise saglit lang tong mga to! hihihi XD