Chapter 1

15 0 0
                                    

Another day, another reality world kailan ba ako masasanay? Lagi naman ganito ang araw-araw ko eh.

Bahay-hospital-bahay diyan lang lagi ang punta ko.

Simula nung nawala ang mga magulang ko, nag pursigido akong mahanap ang unknown disease na ikinamatay nila.

Halos araw, buwan at taon ang ginulgol naming mga doktor sa paghahanap ng sakit na ito.

Pero bigo pa din kami, napakahirap malaman kung anong klase ng sakit ito, nawawalan na kami ng pag-asa.

Ilang taon na ba ang nakakalipas?. Limang taon na ang nakakalipas. Sa limang taon na yun hindi ko lubos na maisip kung paano ko natagalan na maging mag-isa.

Mag-isa sa buhay, mag-isa sa bahay. Hindi ko alam kung paano ako naging matatag sa panahon na sobrang lugmok ko.

Ngayong araw ay Sabado, may trabaho pa ako sa Ospital, kahit ako ang may-ari ng ospital ayoko pa rin mag day-off. Wala din naman akong gagawin.

Hinanda ko na ang mga gagamitin ko at naligo na ako, matapos kong maligo nagbihis na ako at tumungo sa kotse ko.

Hindi ako nag bre-breakfast sa bahay dahil naaalala ko lang ang mga magulang ko.

Bago ako nagtungo sa ospital dumaan muna ako sa isang coffee shop, dito ako madalas mag- almusal.

Isang Mocha cake at caramel macchiato ang lagi kong order dito, adik na ata Ako Sa kape pero tama din yun Pam-pagising sa reyalidad.

Habang hinihintay ko ang order ko nag-open na muna ako sa Facebook ko. Minsan ko na lang magamit ito, mga 2 Times a month.

Wala namang bago sa social media, puro toxic at walang magawa basta may masabi lang. Kaya ayaw na ayaw kong nagbubukas ng social media.

Nang dumating ang order ko pinatay ko na ang phone ko at sinimulan ko ng kumain.

Nang matapos ako, lumabas na ako at dumiretso sa ospital. Habang papasok pa lang ako sa entrance ng ospital may isinugod na pasyente.

"Doc, yung nanay ko, tulungan niyo, pakiusap!" Nagmamakaawang sabi ng isang bata.

Dali dali akong lumapit at tumulong na dalhin ang pasyente sa ER. Dumating na din ang mga nurse para sa pag-check ng vital signs.

Kung titingnan ang pasyente, parang wala namang sakit, hindi naman naaksidente ang pasyente pero ang pinagtataka ko ay yung unti-unting pagkawala ng dugo niya.

Ginawa ko lahat ng kaya ko para maagapan ang pasyente.

"Nurse Prepare a pack of bloods, this patient is running out of blood faster" kalmado kong sinabi yan pero kinakabahan na ako.

Rare ang ganitong kaso ng sakit sa akin, alam ko sa sarili ko na ngayon pa lang ako nakahawak ng ganitong kaso ng isang pasyente.

Nang dumating ang nurse agad ko itong ipinakabit sa kanila. Nang na ikabit na ito, bumalik na sa daloy ang mga dugo ng pasyente.

Nakahinga ako ng maluwag dahil dito
Chineck ko munang mabuti ang pasyente bago ko ipinalipat sa ibang room.

Nang makalabas na ako sa ER dali-daling lumapit sa akin yung bata.

"Doc, kamusta po ang nanay ko? Ayos lang po ba siya? May masakit po ba sa kanya?" Sunod-sunod na tanong sa akin ng bata.

"Dahan-dahan lang bata, at tawagin mo na lang akong ate Sobel, Oo ayos na ang nanay mo nailipat na siya sa ibang kwarto" paliwanag ko sa bata.

Agad namang nakahinga yung bata sa nalaman niya.

"Salamat po ate Sobel, akala ko di ko na makakasama si nanay, lagi na lang kasi syang ganyan sa bahay, nagsusuka ng dugo, linalagnat tapos dumudugo ang ilong" kwento ng bata sa akin na agad nakapukaw sa atensyon ko.

"Anong ibig mong sabihin dito? Araw-araw ba itong nangyayari, kailan pa ito nagsimula?" Sunod-sunod ko rin na tanong sa bata

"Sa totoo po nyan ate sobel matagal na pong meron si nanay na hindi maipaliwanag na sakit. 5 taon na po ang nakakalipas simula ng mamatay ang papa ko sa hindi maipaliwanag na sakit din" paliwanag ng bata sa akin na siyang nakapagpa-alala sa akin sa nangyari sa magulang ko sa nakalipas ng limang taon.

"Pwede mo ba akong samahan sa nanay mo, May itatanong lang ako sa kanya" yinaya ko na ang bata at pumunta na kami sa kanyang nanay.

Malalaman ko din ang lahat, hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang ikinamatay ng mga magulang ko.  Lumipas man ang panahon pero sariwa pa rin sa akin ang lahat, hindi ako basta nalimot sa masalimuot na pangyayari na narasanan ko noon.
.....



I think I found the unknown disease...








Swiftlylives_

DiseaseWhere stories live. Discover now