Theo Pov
Nagising ako bandang alas otso ng umaga saka ako bumangon at naligo saka ko tinawagan ang isa sa mga pinaka-importante sa buhay ko na si Lola Idan, siya ang nag alaga noon sa'kin kapag wala ang mama at papa ko siya rin yung laging nagluluto at naghahatid-sundo noong elementary ako saka highschool pero di ko na siya nakasama dahil lumipat na kami ng bahay rito sa Manila at naninirahan naman ang Lola ko sa isla kung saan naroon, ang kanyang sikat na resort ay dinadayo ito dahil sa maaliwas at lawak na karagatan at dahil gusto kong makalimot at magbakasyon roon dahil 'di pa naman pasukan ay agad akong nakapag-paalam sa mga magulang ko at tinawagan si Lola upang sabihin na darating ako jan bukas ng alas nuwebe y media ng umaga, tuwang tuwa si Lola dahil sa wakas daw ay makikita niya ulit ako ang pinakaborito niyang apo sa aming tatlong magkakapatid.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras agad na akong nag-ayos ng mga gamit ko para bukas at maaga rin akong makarating doon.
Siya nga pala I'm Theo Gunther Sanchez tinaguriang Playboy sa aming magbabarkada at kahit marami pa noon ang mga babaeng nagkakagusto sa'kin ay hindi ko sinusuklian ng pagmamahal at 'di ko rin sila pinapansin and even gays nah no I don't like them I'm a lil bit homophobe basta ayaw ko sa mga gays natigil lang ako sa pagiging playboy ko when I meet Betina pero dahil hiwalay na kami balik na naman ako sa dati at mas grabe ngayon dahil isa na rin akong cold na tao yes tawagin niyo na akong jerk or heartless person I don't care saka isa akong prangkang tao kaya ayaw ko sa mga plastic na tao.
Mapaglaro akong Tao if gusto kong bumalik ako sa pagiging ako why not dating gawi ulit ako at walang makakapagpigil sa akin kundi si Betina lamang.
Lantis Pov
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa pag-iikot-ikot at paglangoy pabalik sa lugar ng mga Tao?" Tanong sa'kin Ni Otep.
"Hindi kase gusto ko saka masaya ako nakikita ko ang mga Tao na laging lumalangoy,nagsisigawan at masaya saka nahihiwagahan ako kung paano magkaroon ng mga paa at lumakad katulad nila, at paano sila mamuhay sa ibabaw ng lupa gusto ko yun maranasan otep saka pulga kaya pabayaan niyo na lang ako kung ayaw ninyo maari naman kayong 'wag na lang sumama kanina sa akin papunta rito"
Araw araw ako kami rito pati sa Gabi lumalangoy kami para lang makita at masilayan ang mga tao lalo kapag tag araw (summer season) dahil maraming mga dumarayo at namamangha ako sa balat at kulay ng mga Tao may mga sobrang maputi at merong rin sobrang itim at katamtaman at sakto ang kulay hindi ko mawari kung anung mga lenggwahe o gamit nilang salita kase hindi ko maintindihan sa tuwing pagsapit naman ng Gabi ay maraming mga pailaw at malakas na putok ng kung anung bagay sa taas ang umiingay at mga musika na ngayon ko lang narinig at iba't ibang galaw ng Tao at yung iba may mga kumakanta na sinasabayan naman namin dahil mu'kang tuwang tuwa sila.
Nang kami'y nakarating ulit sa gilid ng mabatong pangpang ay tumigil na muna kami at nagpahinga.
at habang nakatago kami roon may isang lalaking naglalakad at nakasuot ng kung anung bagay sa kanyang tenga at may hawak na maliit na bagay na parisukat at kulay itim ang kulay, nakarating siya sa gilid kung saan kami nagtatago at umupo roon.
Napagmasdan ko siya ng malapitan dahil sa sinag ng araw napaka-amo at napakaperpektong nilalang ang lalaking 'to dahil sa nakikita ko gusto ko siyang lapitan pero agad akong nadismaya ng napag-isip-isip kong may buntot pala ako at walang mga paa kaya ang nagawa ko na lang ay ang pagmasdan siya nakikita ko ang emosyon sa kanyang mata na wari ko at may pinagdadaanan siya dahil malungkot at sobrang lalim ng kanyang iniisip.
Nagulat kami ng may sumigaw at nakita namin yung taong kumakanta noon.
"Sir!! 'wag po kayong lumayo at maupo jan kase may mga sirena na kumukuha ng mga Tao rito!!" napalingon naman ang lalaki saka napangiti ngunit hindi abot sa kanyang mata saka umiling.
"Don't worry manong 'di naman po ako naniniwala jan saka napakaganda rito paanong magkakaroon ng ganung nilalang rito?"
"Basta sir mag-ingat po kayo at pinaalalahanan ko na kayo mauna na po ako" saka ito umalis ang lalaki.
Bumalik naman sa dati ang lakaki at nakita kong pumikit ito at napabuntong hininga siya saka siya tumayo para umalis na pero ganun na lamang ang pagkagulat ko ng bigla itong madulas at dire-diretsong nahulog sa tubig.
"nako yung tao nahulog!" Sabi Ni Otep na sinang-ayunan namin.
"Tulungan natin siya at iligtas!" Sabi ko sa kanila.
Umiling sila at sumabat si Pulga "hindi maari Lantis delikado baka makilala ka ng Tao at baka mapano ka?"
"Hahayaan niyo bang mamatay siya roon? nangangailangan siya kaya dapat tulungan natin siya?"
Wala naman silang nagawa nang diresto akong pumunta sa kinaroroonan nung lalaki saka ko siya hinila paangat papunta sa pangpang.
"Patay na ata siya Lantis!" tarantang sabi ni otep.
Kinabahan ako hindi siya pwedeng mamatay, lumapit ako sa kanya para kumpirhing humihinga pa siya at nang masiguro kung okay siya kaya ang ginawa ko ginamit ko ang natatangi kong kapangyarihan upang pagalingin siya.Hindi naman ako nabigo dahil agad siyang nagkamalay at nang imumulat na niya ang kanyang mata agad akong hinila nang dalawa at dali dali kaming nagtago sa malaking batuhan.
Sumilip ako kung nasaan siya at hindi ko mapigilang mapangiti dahil okay na siya, nagtago ako ulit nang mapalingon siya sa kinaroroonan namin.
"May tao ba jan?" Yan ang tanong niya pero hindi ako sumagot.
"Kung sino ka man salamat dahil niligtas mo ako " yan ang narinig ko tinignan ko ang dalawa at nagsasabing kahit saglit lang masulyapan ko siya kaya sumilip ako pero wala na siya sa kanyang kinatatayuan.
"Nakaalis na siya" mahinahon kung sabi sa aking mga kasama.
"Mabuti na lang hindi niya tayo nakita" tumango sa kanyang sinabi.
"Tara na at umuwi na baka kanina pa tayo hinahanap Lantis baka mapagalitan pa tayo na pumunta sa mga tao" kahit ayaw ko sanang umalis ay sumama na ako pero bago ako lumayo, tinanggal ko ang isang kwintas ko at nang iwan nang isang kabibe doon sanhi nang aking pagkatuwa, "Walang anuman sana magkita tayo ulit"
"Lantis tara na!" kaya umalis na ako.
TBC......

BINABASA MO ANG
The Mermaid Boy (BoyXBoy Mpreg)
FantasyDahil sa nasaktan at gustong makalimot ni Theo Gunther Sanchez sa kanyang girlfriend ay napili nitong magbakasyon sa isang kilalang resort at malawak na pagmamay-ari ng kanyang Lola sa isang isla na kung saan payapa at malawak ang karagatan, nais ni...