Louise POV
I was having second thoughts. Maybe letting ZJ stay with Dale is a bad idea. What if tommorow when I come back they're not there anymore? Oh good God please guide me.
I was driving on my way home when my phone rang. It was kuya. He's been calling me for about an hour. I get my phone and turn it off. Hindi ba siya napapagod.
Pagbaba ng kotse ay agad akong dumiretso sa unit ko at humiga. I need to rest my body and my mind from thinking pero hindi ako nagtagumpay dahil paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang lahat ng nalaman ko kanina. I don't know what to do. Nakatulog ako na yun ang laman ng isipan.
Ilang oras lang ang itinulog ko at naghanda para sunduin si ZJ. Dahil nga sa malapit lang naman ang bahay namin sa isa't-isa ay mabilis akong nakarating sa unit ni Dale.
Ilang beses akong kumatok at nagdoorbell bago nabuksan ang pintuan. And to my surprise it was Winter.
Ke aga aga andito siya. Ano naman kaya ang ginagawa ng babaing ito dito ng ganitong oras.
"Louise right?" Maarteng tanong niya, nakataas pa ang kilay.
Tumango ako bilang pagsagot pero sa loob loob ko ay naiinis ako sa kaniya at gusto siyang irapan.
"Where's Dale and OUR daughter?" I asked emphasizing the word our.
"He's on his room, taking a bath," nakakainis talaga 'tong babaing to.
Dumiretso ako sa loob at tinahak ang daan patungo sa kwarto niya ng walang paalam. Patakbong sinundan ako ni Winter kaya nagmamadali kong sinaraduhan ang pinto. Sunod kasi ng sunod.
He's on his room taking a bath. Taking a bath. Oh shoot. Naliligo siya.
I turn my back on the door at nakita ang kabuuan ng kwarto and everything's change. The floor, ceiling, wall and the furnitures. Madami na talagang nagbago.
I was busy roaming my eyes around nang bumukas ang pinto ng bathroom. Dapat talaga lumabas na ako kanina pa eh. Naakit kasi ako sa mga nagbago dito lalo na at yung wallpaper moon and stars. My favorite.
There he is standing, na tanging tuwalya lang ang suot. Droplets of water flowing down his body. I was admiring what I see nang bigla siyang tumikhim.
Agad na napasara ang bibig ko na hindi ko namalayang nakaawang pala.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang dahan dahan lumapit siya sa akin. Sinasabi ng isip ko na kailangan ko ng tumalikod at lumabas pero hindi sumusunod ang mga paa ko bagkus ay nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya at napalunok nang malapit na siya sa akin. Duon lang ako nagkaroon ng lakas para ihakbang ang mga paa ko paurong patungo sa pinto hanggang sa nasukol na nga ito dahil sa pagsunod ni Dale sa akin na hindi man lang kumukurap.
Itinuon niya ang kaniyang kamay sa pinto at inilapit ang bibig sa tenga ko bago nagsalita. I can feel his breathing on my neck making me shiver.
"What are you doing here Krizza Louise?" Hindi ako nakaimik dahil maski ako ay hindi ko alam kung anong ginagawa ko doon. Nainis lang talaga ako sa taglamig na iyon kaya dito ako napunta. Alangan naman na yun ang irason ko. Tsaka kagabi pa to ah. Kailangan ba talaga na tawagin niya ako sa buong pangalan ko?
Marahas na tumingin ako sa kaniya, nakalimutan ang posisyon namin.
Dahil nga nakatungo siya at humarap ako sa kaniya ay sa labi niya tumama ang labi ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya habang siya ay balewalang tumayo ng tuwid, pinihit ang seradura ng pinto at rinig na rinig ang pagtunog nito tanda na naunlock na ito at saka siya tumalikod. Nailock ko pala ang pinto. Ano na lang iisipin ng bagyong ito. Na pinagnanasaan ko siya? Naku nga!
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...