Timeframe: Saturday, 12:45 PM
----------------
"Shit" I cursed as soon as I opened my eyes. Ang sakit ng ulo ko, punyemas!
I looked at the clock beside me and it's already 12:45 in the afternoon. I sighed and stretched both my arms before standing. Nakita kong natutulog pa si Aya at Ria sa tabi ko. Tulo laway pa ang mga gaga.
Inayos ko muna ang pinaghigaan ko bago bumaba. Nasa condo kami ni Aya. Aya's condo has 2 rooms. Yung isa ginagamit ni Dave pag nagsl-sleep over kami. Magbe-bestfriend na kami simula highschool pa, sabit lang si Dave since pinsan ko. Nakilala naman nila si Ron at Jane nung minsang sinama ko sila sa inuman namin.
"morning" bati ko kay Dave na naghahanda ng lulutuin sabay deretsyo ko sa fridge, I took out a bottle of water.
"tangina ang sakit ng ulo ko" reklamo ko pa sabay hawak ng ulo ko.
"ayan inom pa," he threw me a glare before handing me a medicine
"you were out there like crazy making yourself embarrassed" he scoffed
Lumipad ang tingin ko kay Dave
"huh? bakit ano ginawa ko kagabi?" takang tanong ko sabay kuha ng gamot.
Wala akong maala eh, basta ang alam ko pumuntang kabilang table si Jane para magconfess. The end.
Tinignan nya muna ko tsaka sya umaksyon ng flying kiss na parang tanga "'bye crush'" pabebeng sabi nya
I saw him cringe at his action first before sya umayos ng tayo ng makitang nawe-weirdohan ako.
"ginawa mo yan sa harap ni Aiden, di ko pa sure kung ano-ano ginawa mo nung wala ako" dagdag nya pa
Napabuga naman ako sa iniinom kong tubig. He eyed me disgustingly before handing me a tissue paper near him.
"wtf? ginawa ko yun" malakas na sabi ko habang umubo-ubo
"ano ka, ha? antapang tapang mo nung lasing ka tapos uubo-ubo ka lang ngayon" pang-aasar na sabi nya
"seryoso? ginawa ko yun?" di makapaniwalang sabi ko. Nakatulala sa kawalan.
Nagkibit balikat lang sya tsaka kumuha ng cooking oil para magluluto
"Deb!" mangiyak ngiyak sa sabi ko habang lumalapit sa kanya. I leaned on his shoulder and poke his cheeks
"huhu ayaw ko na mabuhay"
He gave me a weird look "eto" sabay abot nya ng kutsilyo saken "itarak mo na ng mabawasan demonyo sa mundo"
Sinuntok ko sya pero umilag ang gago. Malakas syang tumawa kaya lalo akong napasimangot.
"ihhhh ayoko naaaa! nakakahiya" reklamo ko pa sa kanya sabay takip ng mukha ko
"tanga tanga mo eh" pambasag nya sakin habang tumatawa.
Umalis na ko sa tabi nya tsaka nagpahalumbaba sa island counter habang tinitignan syang nagluluto, iniisip kung anong katarantaduhang ginawa ko kagabi.
"kilala mo sya?" tanong ko sa kanya
"sino?" sagot nya habang di pa rin inaalis paningin sa niluluto nya
"Aiden" nakangiting saad ko
Tumingin naman sya sakin ng nakakaloka
"bakit? crush mo?" tanong nya. He gave me a knowing look ng makitang nakangiti ako.
"ay oo, crush mo pala" sabi nyang maloko
"seryoso nga! kilala mo?" inis na tanong ko
He chuckled before turning his gaze to what his doing.
YOU ARE READING
Broken Piece of Heart
General FictionON HOLD! Have you ever lost someone so close to you? Yung tipong pinaramdam nyang andyan sya palagi pero iiwan ka din pala sa huli? I ask myself for how long? How long will I remain anchored at his harbour known as pain? 'Cuz in my case I was just a...