Kabanata 5

58 16 9
                                    

VARVARA NIGHTCLUB | 12:30 AM

Pagpasok namin ni Devon ng Varvara Nightclub sumalubong sa'min ang malakas na tugtugan, matitingkad at makukulay na ilaw at ng iba't-ibang kawan ng party-goers na nagsasayawan, nag-iinuman, naglalambingan, nagtatawanan at naghihiyawan sa musika. Dumiretso kami ni Devon paakyat ng Balcony Levelkung saan nakapuwesto ang vip mezzanines —at di ko maiwasang mahagip ang amoy ng axe body spray at chanel na pabango na suot ng karamihan na nalagpasan namin. Ang tapang nung amoy, whoo.

Matagal nang kakilala nina Avi at Devon ang may-ari ng Varvara Nightclub kaya suki na kami dito. Madalas silang imbitahin ni Mr. Spoch sa Birthday Parties at New Year's Eve Parties niya na ginaganap dito at kami ni Via ang plus ones na sinasama nina Avi.

Ugh, estoy sediento. Sana dumaan muna kami sa bar, inom na inom na talaga ako.

Pag-lapag namin ng balcony level, sinalubong kami ng mga pamilyar na mukha ng ilang sikat na kabataang artista at mga modelong napapansin ko sa telebisyon. Kumpara sa baba, hindi karamihan ang tao dito dahil ang level na ito at strictly for vip. Marami rin makikitang banyaga dito sa upper floor at kahit saan ako tumingin may puti, may itim at may pula. Oo may pula.

Hindi ko mapigilan na hangaan ang naging paglago ng nightclub na 'to. Mula sa luxurious interior design nito hanggang sa tight security. Naaalala ko pa noong pasimula palang ang Varvara at hindi pa ito kasing-sigla at kasing-ingay dati. Ngayon isa na sa mga highly anticipated and mentioned nightclubs sa buong capital.

Ang bilis talaga ng panahon.

Nasa gitna ng kanang bahagi ng VIP Balcony ang mezzanine cube namin. Mula dito sa balcony makikita ang kabuuan ng Dance Floor at Main Bar. Sa di kalayuan matatanaw ang DJ Booth kung saan naka-posisyon si Stivi Kheil—ang nasa likod ng pagpapatugtog— at ang stage—na may taas ng ilang hakbang—na may dalawang mahabang pole sa magkabilang panig kung saan may sumasayaw na dalawang professional Pole Dancers, at sa likod nila'y may isang higanteng Led Video Wall at ang makukulay nitong anyo ay sumasabay sa paghataw ng musika. May Rooftop Garden din ang Varvara pero madalas 'yon dumugin ng mga mag-jowa. Kitang-kita kasi duon ang Manila Skyline.

Isn't it romantic? Mapapa-sana all lang ako sa kanilang lahat kung aakyat ako don.

Sumulpot si Avi galing sa mezzanine cube namin at humiyaw, "Devyyy! Valeryaaa! WAHAO!" atsaka sumuntok sa hangin.

Tumakbo siya papunta sa'min at gumilid ako ng bahagya bago pa ako mahagip sa pagyakap ni Avi. Seryoso, babagsak kaming tatlo kapag ganun. Mabuting si Devon nalang, kaya naman niya body weight ni Avi. May lumabas na maliit na tili sa dibdib ni Avi at mahigpit na niyakap si Devon. Tinapik-tapik niya ang likod ni Devon atsaka hinalikan ang magkabilang pisngi nito.

Ang dami na talagang nainom nito.

Walang ibang nagawa si Devon kundi tanggapin ang lambing ni Avi. Sanay na naman siya dito.

"Parang hindi tayo nagkita kanina ah," paalala ni Devon at bahagya kami tumawa.

Nagkibit-balikat si Avi, "Eh, hindi nga tayo nagkita ng matagal, so I miss you every second of every day..." matamis na hayag ni Avi.

Lasing na lasing na'to.

Humiwalay si Avi kay Devon at ibinaling ang sabaw niyang ngiti sa'kin. HInila niya ako para yakapin at hinalikan ang noo ko, "Na-miss din kita Vaaaaal. 'Wag na kayong aalis ni Devy ah??" malalim niyang ungot na parang batang ayaw pakawalan ang laruan niya. Tumawa ako ng bahagya at marahang hinimas ang likod niya.

Hate You, But I Love You (Filipino) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon