Warning!
Strong languages and violence ahead.
-
Chapter 36: Ivan"NO! NO! Ysa, no!"
Dumagundong ang sigaw na iyon ni Con sa buong kapaligiran ngunit huli na ang lahat. Nagkumawala ako sa pagkakahawak ni Leo at tinadyakan ang paa nito na siyang naging dahilan para mabitiwan ako nito ng tuluyan.
"Argh!" pakinig kong daing ni Leo.
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mabilis na tumakbo papunta sa hindi maipintang itsura ni Con na hindi sa akin nakatingin kung hindi sa taong nasa likuran ko.
Hindi ko na iyon pinagkaabalahan pang lingunin dahil ang tanging naiisip ko lamang ay mapunta sa kanila.
Ito iyong mga sitwasiyong gusto kong bumilis ang oras ngunit tila nang-aasar ito at mas lalo lamang binagalan ang lahat.
Tila kilometro ang pagitan namin ni Con bagama't hindi naman iyon gaano kalayo ang distanya naming dalawa.
Nakarinig ako nang pagkasa ng baril na nagpatigil sa akin sa pagtakbo. Kapag nakaririnig ako ng tunog na iyon ay tila tinatapon ako bingit ng kamatayan.
Mas lalong dumagundong ang puso ko at mabilis na ipinihit ang ulo para salubungin ang matalim na tinging ipinupukol ni Leo sa akin. Nakatutok sa direksyon ko ang baril nito na.
Doon ko rin napagtanto ang ibig sabihin ni Con kanina. Iyong mga senyas na hindi ko maintindihan, iyong mga titig na tila lumalagpas sa akin, lahat ng iyon ay hindi nga talaga para sa akin kung hindi sa taong nasa likuran ni Leo.
Namali ang pagkakaintindi ko at gusto ko nang sabunutan ang sarili sa walang kuwentang ginawa ko.
Kung mabagal kanina ang oras ay mas lalong bumagal ito ngayon.
Hindi ko maintimdihan ngunit nagpokus ang atensyon ko sa unti-unting pagpihit ni Leo ng gatilyo ng kaniyang baril.
Napigil ko na lamang ang hininga at hindi na narinig ang nagkakagulong paligid.
Mamatay na ba ako?
Mapait akong napangiti. Kahit mamamatay man ako ngayon ay okay lang. Nakita ko na si Con at alam kong maayos na si Calum.
Mariing akong napapikit nang marinig ang putok ng baril kay Leo at hinintay na lamang na bumaon ang bala sa aking katawan.
Subalit, nakalipas na ang ilang minuto pero wala pa ring bumabaon sa katawan ko. Doon na ako napamulat ng tingin at halos masapo ko ang bibig sa sumalubong sa akin.
"I-Ivan. . ." sumamo ko.
Puno siya ng dugo sa katawan at halos manghina ako sa nakitang tama ng bala sa kaniyang kanang balikat. Nanginig akong napasapo sa bibig sa kalagayan niya.
Paanong nakagagalaw pa siya sa sitwasyong iyan? Nahabag ako sa kaniyang sinapit.
Ivan, sobra-sobra naman yata iyan. Sana ay hindi mo na lang sila tinaliwas. Kung sana ay hindi tayo nagkakilala. Kung sana ay hindi tayo naging magkaibigan. Wala ka sana sa sitwasyong iyan kung hindi mo ako tinulungan.
Unti-unting dumaloy ang butil ng luha sa aking pisngi.
Nakikipagbuno siya sa lider nilang si Leo. Nag-aagawan sa baril na nakatutok sa kisame.
Matalim na tiningnan ni Leo si Ivan. "I knew it from the start that you would betray me, Ivan."
"Is that so, bro?" pinagdiinan ni Ivan ang huling salita na nagpadilim sa mukha ni Leo. Tumawa ni Ivan nang nakaloloko at sinipa sa tiyan ni Leo na naging dahilan para mapabitaw ito sa baril na hawak. "Or should I say, my half-brother." Masamang tingin ang pinukol ni Ivan kay Leo na ngayo'y nakabawi na sa ginawa ni Ivan.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...