Napahilot ako sa aking mga braso dahil sa pangangalay.
Sabagay ilang oras din kaming nakatambay sa O.R kasama ang mga nurse.
May lasing kasing nagmomotor at nadisgrasya malapit sa hospital.
Buti at malapit lang dito nadisgrasya ang pasyente kundi baka tigok na yun pagdating dito.
Critical din kasi ang kalagayan ng pasyente dahil kailangan i-under sa pag-oopera.
Marami kasing blood-clot na nabuo sa ulo ng pasyente kaya dapat operahan kaagad.
Pumunta ako sa office at dumeretso sa bathroom.
Hinubad ko ang duguang white coat ko pati narin ang disposable gloves na ginamit habang nasa operasyon at tinapon sa trash bin.
I look at myself in the mirror, haggard na haggard ang mukha ko kaya naligo kaagad ako.
<><><><><><>
Nakapagbihis ako ng skinny blue jeans at pinaresan ng plain white over-sized tshirt.
Minadali ko ang kilos ko dahil 5:49 na, hindi pa din ako nakapaglunch dahil sa trabaho pero nasanay na siguro ang katawan ko dahil 2 years na akong doktor bale 22 years old ako ng grumaduate ako in medicine course.
Nine hours ang ginugugol naming pakikipaglaban ni kamatayan.
Hindi naman kasi pwedeng may break-time, kasi kung meron?
Baka pagbalik namin sa pasyente, kaluluwa na ang sasalubong sa amin.
Napalingon ako ng may narinig na kumakatok sa pinto ng office ko.
"Dr. Alvarez, nandito pa po ba kayo?"
"Yes, come in" malamig kung sabi.
Tiningnan ko kung sinong pumasok. Isa ito sa mga nurse na tumulong sa akin nung operasyon kanina.
Hinihingal itong lumapit sa akin.
"May tumatawag po kasi sa phone nyo doc. Naiwan mo yata dun sa desk ng lobby, buti nalang po hindi pa kinuha ng kung sinong magnanakaw jan."
I slapped my face mentally.
Naiwan ko pala yung phone ko doon sa desk kanina dahil sa pakikipagusap ko sa isang pasyente.
Tinanguan ko ng tipid ang nurse at kinuha ang phone ko.
"Salamat—?"
"Ali nalang po tawag nyo sa akin."nakangiting sabi ni Ali kaya napatango-tango ako.
"Sige. Salamat pala dito, Ali." sabi ko at bahagyang itinaas ang phone na hawak ko.
"Wala yun, ako pa!" she said and I chukled lightly.
Bigla siyang natahimik at tiningnan ako na parang may ginawa akong kasalanan.
"What?" tanong ko sa kanya at bahyagyang itinaas ang kanang kilay ko.
"Hindi po ba ako nananaginip doc?" sabi niya ng nakakatitig pa rin sa akin.
"Huh?" nagtatakang tanong ko pero this time nakakunot na ang noo ko.
"Totoo po bang nakita ko si Doktora. Alvares na tumawa ngayon?" sabi niya dahilan para bumalik ang walang emosyong mukha ko.
"Excuse me, Miss. Ali. Kung wala ka nang sasabihin, lumabas ka na. Marami pa akong gagawin." malamig na turan ko sa kanya.
Parang napabalik siya sa kaniyang huwisyo dahil sa malamig kong boses at ngumiti.
"A-ah oo nga, hehe" sabi niya at napalunok.
YOU ARE READING
Cold Heart
RandomHi! My name is Jasmine Khiel Mendoza-Alvarez. Babae ako, syempre. Rich kid din pero akala ng lahat magiging masaya na sila kung marami silang pera at mabibili na nila ang lahat ng bagay na gusto nila. Pero kung ako ang tatanungin?Para saakin hindi...