Prologue
Truth or Dare
Masayang nagkakatuwaan ang mga estudyante na nasa loob ng kanilang silid-aralan habang ang iba ay abala sa kanilang ibat-ibang mga pinagkakaabalahan. Kaniya-kaniya silang lahat ng mapaglilibangan na animo'y samot-sari ang ganap sa kanilang mga buhay.
Ang kalalakihan na mga estudyante ay todo ang kulitan sa isat-isa na siyang hindi kailanman nawawalan ng kalokohan at napapag-t-tripan. May naglalaro ng mga online games kagaya na lamang ng larong Mobile Legends na siyang dahilan upang napapasigaw ang mga ito nang biglaan sa tuwing namam*tay ang kanilang mga hero o 'di naman kaya ay may nangyayaring intense na clashing sa kanilang laro.
Samantala, ang kababaihan naman na mga estudyante ay abala sa pagtipa at pag-s-scroll sa kanilang mga cellphone, pag-s-selfie at groupie, pati na rin ang pag-record ng sayaw at iba pang content videos upang mai-upload online ay sadyang kinareer ng mga ito.
Siyempre hindi mawawala ang pagpapaganda sa kanilang mga mukha sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete (make-up) o pag-r-retouch. Ang iba ay nakikipag-chikahan sa kanilang mga kaklase at mga ka-barkada nang maiwasan ang pagkaboryong (boredom).
Hindi rin magpapahuli sa lahat ang mga mag-jowang naghaharutan sa isat-isa na animo'y ginagawang 'dating room' ang loob ng kanilang silid-aralan. Kahit tapos naman na ang buwan ng Pebrero upang ipagdiwang ang araw ng mga puso, ramdam pa rin ito sa kanilang silid-aralan halos araw-araw. Kulang na nga lang ay dumugin sila ng mga langgam---mas maganda kung antik nang may maki-jamming naman sa kanilang paglalampungan.
Huling linggo na ito ng kanilang klase bago magtapos ang school year kaya kalimitan na lang pumapasok ang mga Professors dahil busy na ang mga ito sa pag-input ng pinal na grado ng kanilang mga estudyante, ito rin ang dahilan kung bakit animo'y isang palengke sa ingay ang loob ng silid-aralan.
Kung maihahambing, ang mga estudyante ay animo'y mga bubuyog at mga langaw, kung saan-saan na lang nag-iingay at dumadapo. Ang mga classroom officers naman na siyang naatasang panatilihin sana ang kaayusan at katahimikan sa kanilang silid-aralan ay siyang nangunguna pa sa pag-iingay kaya walang nangangasiwa sa kanila ng maayos.
Sa kanilang lahat, tanging nag-iisang estudyante lamang ang tahimik sa kaniyang kinauupuan na siyang abala sa pagsusulat ng kung ano sa kaniyang kuwaderno (notebook).
"Oy! Ano iyan, diary? O listahan ng mga noisy?"
Paunang pag-uusisang bungad ni Jhane, isa sa mga kaibigan nito dahilan upang maagaw niya ang atensyon ng estudyanteng abala sa kaniyang ginagawang seryosong pagsusulat. Nang mapansing pinaliligiran na siya ng kaniyang limang mga kaibigan ay kaagad na nitong isinarado ang kaniyang kuwaderno na animo'y may sekreto o importanteng nakasulat dito na hindi pwedeng mabasa ng iba, maski na ng kaniyang mga matatalik na kaibigan.
"Ha? Diary? Listahan ng noisy? Patingin!"
Usisa naman ni Janiella na gustong mabasa kung ano ang nakasulat sa notebook. Akmang pag-aagawan pa sanang kunin ni Janiella at Yennah ang notebook kaso naunahan sila ni Lexie na alistong nakuha ito sa kamay ng may-ari.
Akmang babasahin na sana nilang tatlo kung ano ang nakasulat ang kaso, kaagad na tumayo si Shane, ang estudyanteng nagmamay-ari ng notebook upang makuha pabalik ang importanteng bagay na 'di dapat mapasakamay ng kung sino man, na ngayon ay napasakamay na ng pakialamera at osyosera niyang mga kaibigan.
"Gamit ko 'yan, akin na!"
Reklamo ni Shane sa kaniyang pilyang mga kaibigan ngunit animo'y walang plano ang mga ito na ibigay pabalik ang kuwarderno sa kaniya. Akmang kukunin na sana niya ang kaniyang notebook na siyang hawak ni Lexie, ang kaso ay kaagad naka-isip ng kalokohan ang maloko niyang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
I'm In-love With You, Professor
Teen Fiction"Everything's not right, every scene is like a dream. Every day is full of trouble, every person is like a mystery...and love ruined it all." Queen Shaniah Khang is a girl who she thought living a perfect high school life and who she treated like a...