Chapter One-Nightmare

60 1 0
                                    

Chapter 1

Nightmare

Now I lay me down to sleep
I pray the Lord my soul to keep
If I shall die before I wake
I pray the Lord my soul to take -Nightmare by Halsey

Shane's P.O.V.:

"Shane, pack all your things and make yourself ready. It's already 4:30 p.m., baka ma-late tayo sa flight niyan." Pagpapaalala ni Mommy sa akin na siyang abala sa pag-iimpake ng mga gamit pero isinawalang bahala ko lang ang sinabi niyang iyon na animo'y wala akong naririnig.

Sa halip na sundin ang sinabi niya ay ipinagpatuloy ko lang ang ginagawang pag-chat kay Jake upang ipaalam sa kaniya na pupunta ako ngayon sa school namin. Halos isang linggo na rin kasi ang nakalipas simula nang hindi na ako pumapasok sa school.

Simula nang dumating si Mommy at nag-stay rito sa bahay ay hindi na niya ako pinapayagan na pumasok pa. Hindi na rin siya pumapayag na tumanggap ng mga bisita ko like my classmates, friends, and most especially si Jake. Ni-ayaw nga niya na lumabas man lang ako sa bahay namin. In my current state, I'm like a prisoner. Worst than that!

Mas mabuti pa nga siguro ang mga priso sa loob ng kulungan, pwedeng madalaw at tumanggap ng bisita, eh' ako? Tss. Nevermind! Napaka-obvious naman na ng sagot.

Alam niyo ba kung ano ang tanging rason ni Mommy sa 'kin sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit pinaghihigpitan niya ako masyado? Ang linyang: "Upang hindi mo ma-miss ang mga taong maiiwanan mo rito, sa lugar na 'to." Iyan lang ang kaniyang palaging itinutugon sa tanong kong iyon sa kaniya.

Ang simpleng rason na iyan ni Mommy sa akin ang palaging dahilan kung bakit biglang pumapanting ang dalawa kong tainga. Nakakainis kasi pakinggan. Except sa nakakainis, it sounds weird. Very weird for me!

Weird to the the point na animo'y may mas malalim pa iyon na ibig sabihin o pinanghuhugutan, or maybe nag-o-overthink lang siguro ako? But as if naman na may iba pa akong tao na ma-m-miss rito sa lugar na ito except kay Jake? Paano ko hindi ma-m-miss ang taong itinuturing kong mundo?

I know na matagal nang sinabi sa akin ni Mommy na lilipat na nga ako ng bagong paaralan pero ang problema lang ay ayaw ko iyon na mangyari. H*ll no!

'I don't want to transfer or move to another school. Never! Over my dead body, first.'

"Shane! Are you listening?!" Pagtaas ni Mommy ng boses. Halata ang pagka-irita niya nang mapansing hindi ako nakikinig sa kaniya. Tss. What's the point na makinig kung ayaw pakinggan ng dalawang tainga ko ang mga salitang pinagsasabi niya? Nakakarindi, masakit sa eardrum.

Dahil nga nagmamatigas ako, ito ang dahilan kung bakit inagaw niya sa akin ang hawak kong cellphone. Isang matalim na tingin ang kaagad kong ibinaling sa kaniya habang magkasalubong ang aking dalawang kilay sa isat-isa.

'My patience is getting lesser! What's her problem, ba? Can't she mind her own business? I'm minding my own.'

"What?" Iritado kong tugon tsaka ako napa-irap. Alam kong kanina pa siya naiinis siya sa akin, pinipigilan niya lang na ipakita. Pero ako? Mas naiinis ako sa kaniya, matagal na. I'm just trying my best to be patient all the time when I'm with her. To be honest, I can't handle this situation anymore! I'm done. Literally done.

Naiinis na nga ako dahil ayaw mag-reply nitong si Jake, dumadagdag pa itong si Mommy. Imbes naghihintay ako ng reply, kinuha niya pa talaga ang phone ko sa akin. I can't understand. Wala na ba talaga akong kalayaan na gawin kung ano ang gusto ko, kahit ngayon lang?

I'm In-love With You, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon