Chapter Two-Daydream

35 2 0
                                    

Chapter Two

Daydream

You walked in
Caught my attention
I've never seen
A man with so much dimension
-Daydreamin' by Arianna Grande

P.S.: Y'all can listen to it while reading this chapter.

******

(Alarm clock is ringing)

*Cring! Cring~

*Na Na Na Na Na... Woah~
Na Na Na Na Na~ Na na...
Naniniwala na ako sa forever magmula nang makilala kita~

Kaagad na lamang akong nagising sa lalim ng tulog ko dahil sa sobrang kaingayan ng alarm clock ko. Kung medyo familiar sa inyo ang music ay tama nga ang naiisip niyo, 'Bahala Na' by James Reid and Nadine Lustre ang ringtone ng alarm ko. Theme song kasi namin iyan ni...Jake.

Kahit na inaantok pa ay kaagad ko tinignan ang oras, hindi nga ako nagkakamali, it's already 10:30 p.m. Parehong oras ng pagtakas ko palagi sa bahay para lang makipagkita sa lalaki.

Alas nuwebe kadalasang kumakatok si Manong Topher sa kwarto ko para magtanong kung may kailangan pa ba ako o kung may ipag-uutos pa ako sa kaniya bago siya matulog kaya alam kong pwede na akong tumakas beyond that. Maghihintay muna ako ng mga 30 minutes para masiguradong tulog na talaga si Manong bago ako patagong aalis ng bahay. So far, 'di pa naman ako nahuhuli.

Anyways speaking of Jake, ang alam ko ay...

Ano nga ba ang alam ko sa kaniya?

Pilit kong binalikan at inalala ang mga pangyayari sa utak ko. Napaka-imposible naman yatang panaginip ko lang ang lahat ng iyon? Parang totoo! Totoo lahat. I guess it's just a nightmare. Nightmares seems so real!

Tinignan ko ang buong hitsura ko sa salamin. Hindi naman ako maputla o kung anong kakaiba sa akin, hindi rin naman ako mukhang bangkay. Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi pa ako patay kagaya ng huling naaalala ko sa aking isipan.

Kinurot-kurot at sinampal-sampal ko pa ng bahagya ang sarili ko para makasigurado kung buhay pa nga ba talaga ako at nakakaramdam pa ng sakit, hanggang sa mapagtanto kong buhay pa nga talaga ako dahil sa ginagawa ko ngayong pananakit sa aking mismong sarili.

Napabalik na lamang ako sa aking kama, umupo ako saglit para sana magmuni-muni ang kaso, wala pang ilang minuto eh' kaagad na lamang kumalam ang sikmura ko. Isa lang ang ibig sabihin nito, nagugutom ako!

"Kung patay na ako, hindi sana ako makakaramdam ng gutom?" Pabulong na tanong ko sa aking sarili tsaka ako napakibit-balikat. Wala na akong nagawa pa kundi ang lumabas sa lungga-which is ang kwarto ko at bumaba patungong dining area para kumain. Baka gutom lang ang dahilan ng nightmare ko na iyon. O baka naman nakakagutom talaga kung galing ka sa nightmare mo? Ewan.

Pagkarating ko sa dining area ay kaagad ko binuksan ang ref, at sa minalas-malas ko nga naman ay wala itong laman na pagkain. Mula taas hanggang baba eh' wala. Tanging babasaging pitsel na may lamang tubig lang ang laman.

"Hindi naman ako mabubusog nito sa tubig lang," pagkausap ko sa aking sarili tsaka ako napahawak sa aking tiyan. Besides, hindi rin ako umiinom ng malamig na tubig kasi sumasakit kaagad ang tiyan ko rito. Medyo nagulat ako ng bahagya at natigilan sa pagkausap sa aking sarili nang may biglang nagsalita galing sa likuran ko.

"Oh~Shane, anak. Are you hungry? I'm sorry. Hindi nakapag-
handa ang Mommy ng makakain at nakapamili ng groceries kanina. Busy talaga ang schedules ko at kararating ko lang din galing work. Si Manong Topher mo naman ay inutusan ko kanina buong araw kaya 'di siya nakapag-groceries."

I'm In-love With You, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon