Chapter 20
Maingat na inihiga ni Killer si Arwen sa kama. Nakatulog ito sa loob ng kanyang kotse kanina marahil ay dahil sa kalasingan. Imbis na ihatid niya ito sa condo na tinutuluyan nito ay dinala nalang niya ito sa kanyang penthouse. Hindi pa sila tapos mag-usap kaya ayaw niya muna itong iuwi. Sana lang paggising nito ay hindi ito magalit sa kanya.
He was about to go inside the bathroom when he saw Arwen sat on the bed. "Arwen?" Tawag niya rito. Nasusuka ba siya?
"Frans.." She murmured with her eyes closed.
His heart thumped when he heard her utter her ex-fiancee's name. Ibinagsak niya sa sahig ang tshirt at muling nilapitan si Arwen. Naupo siya sa gilid ng kama pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito.
"Hey.." What the hell. Nagkita ba sila nitong mga nakaraang araw? That fucker.. I should have killed him before..
Nag-angat ito ng mukha at tiningnan siya. Kumunot ang noo nito. Kinusot nito ang mga mata. "Frans.." She murmured..
"It's Killer." Pagtatama niya rito.
"Killer.."
Hinaplos niya ang namumula nitong pisngi. Jesus Christ! Namumungay ang mga mata nito at napakaganda niyong tingnan! "Nahihilo ka ba? Should I get you warm water?"
"I was dreaming." Mahinang sabi nito sa kanya. "Medyo nahihilo ako."
Tumayo siya at bahagya itong binuhat para isandal sa headboard ng kama. "Ikukuha kita ng tubig sa baba. Hindi ka ba talaga nasusuka? Bubuhatin kita patungo sa banyo."
Sinapo nito ang ulo. "Me-Medyo nasusuka ako."
Bumuntong-hininga si Killer. Arwen is not a drinker. Hangga't maaari ay ayaw na niya itong uminom pa kahit kailan. Mabuti nalang at medyo nahimasmasan na ito. Baka bigla nalang itong maghanap ng baril at mabaril pa siya ng wala sa oras.
"Stay there. Babalik ako kaagad."
Tumango ito at nagpakawala ng malalim ng buntong-hininga.
Mabilis na bumaba si Killer sa kusina para ikuha ng tubig si Arwen at pagbalik niya ay nasa loob ng ito ng banyo at nagsusuka. Hinagod niya ang likod nito at hinawakan ang buhok.
"Don't drink again." Mahinang sabi niya rito.
"Kaunti lang naman ang nainom ko." Sumandal ito sa kanya dibdib. "God, I smell bad."
Killer chuckled. "No, you don't. C'mon, drink this water. Okay ka na?"
Tumango ito. "Thank you."
Binuhat niya ito at maingat na iniupo sa kama. Mukhang hindi naman ito galit na dito niya ito iniuwi sa kanyang penthouse. Wala sa sariling napangiti si Killer. Is it okay to assume that we're okay now?
"Why are you smiling like that?"
Killer held her hand and kissed the back of it. "I'm just happy that you're here with me now. I missed you so much, Arwen."
Nagkulay kamatis ang pisngi nito. Awtomatikong umangat ang kanyang kamay at hinaplos iyon. Nakita niyang ang bahagya nitong pagpitlag.
"If you'd accept me — I want us to start again, Arwen." Seryosong wika niya sa dalaga.
His heart was broken because of his unrequited love for Ali pero nang dumating si Arwen sa kanyang buhay, unti-unting naghilom ang sugat sa kanyang puso. He didn't want to fall in love again. Noon, gusto lang niya itong pakisamahan dahil asawa niya ito. He may be a womanizer before but he respects Arwen. Nang pirmahan niya ang marriage contract, ipinangako niya sa sariling hindi siya gagaya sa kanyang dad. Hindi man niya mahal si Arwen, wala siya balak na saktan ito. He will never cheat on her.
BINABASA MO ANG
Ainegel Bros. : Killer's Bride
RomanceA fighter pilot and a Commanding Officer. A cold-blooded brute but a very sexually attractive man. No woman couldn't resist Killer Relic Ainegel. Well, that's what everyone thought. But the truth is, he was rejected by the only woman he had ever lo...