Just Damned

44 0 0
                                    

Her name is Avery. Transferee ng isa sa top-notcher schools sa Europe. Being a half Filipino, her parents decided that she transfers to her mother's homeland, sa Pilipinas. And that was after an incident in which she had been involved. She had been kidnapped. At simula noon, everything just changed--drastically--and she was never the same again. And dating masayahin, party-goer, pala-kaibigan, at all-out blondie na si Avie ay napalitan ng misteryoso, ilag sa tao, loner at reserved na dalagang mas madalas na maglagi sa madilim na kwarto, di lumalabas at nagpakulay na rin ng itim sa buhok.

"Young lady, sit down! I'm not done talking to you!" anas ng kanyang ina.

Nilingon lamang niya to at matamang tiningnan ang inang dati ay lubos siyang ipagmalaki. But that was before everything changed.

"I'm running late for school. Transferee po ako I have to make an impression." she plainly answered saka tuluyan nang lumabas.

She flinched as the rays of the sun hit her. Nang di siya makatiis ay pinili nalamang niyang maghanap ng madadaanang masilong para naman di siya matusta ng araw. Tropical country ang Pilipinas kung kaya't di na nakapagtataka iyon. But she loathed it. Of all places, why here...

She has nothing against the place, only the weather. Ayaw niyang maarawan. At lalo, kung maaari lang eh ayaw rin niyang lumabas ng bahay. But she had school so she has little choice.

~_~_~_~_~_~_~_~

Everyone rushed to find their classrooms kaya naman maka-ilang bese na ring di sinasadyang nababangga si Avery. Sometimes, she would evade it, or slightly let them bump her. Some would say "sorry" and some won't even notice. Hindi rin maikakaila ang mga tingin ng paghanga mula sa kalalakihan mula sa eskwelahan. Normally she would've giggled, smiled, winked or blushed--that is--if she was "Avie". But Avie was dead. She died... and she can never be Avie--ever again.

Avery kept her face emotionless. Pakiramdam niya'y isa siyang patay na buhay. And that was what she was... a Living Dead.

"Excuse me! Padaan, padaan..!" anang isang boses.

Almost as instantly she evaded even before she was bumped with again. She raised her head barely enough upang malaman kung sino yon.

"Thank you" the guy said and blinked at her.

May mga hawak itong mga libro and stacks of papers na sa tingin niya ay student files. Natulala siya. Siguro dahil kinindatan siya nito o dahil nag-thank you ito dahil sa pagtabi niya. Her awareness were at its peak at nararamdaman niya ang lamig(at init) ng titig na nagmumula sa karamihan ng estudyanteng naroroon sa hallway. Envy. Disgust. Insecurity. And Ridicule. Ang mga iyon ang nais iparamdam ng mga titig na iyon.

Let me be and go away! isip-isip niya. At para bang narinig ng mga ito ang iniisip niya ay hindi na siya pinag-aksayahan ng panahon pa. Nagpulasan na ang mga ito pabalik sa kanya-kanyang mga classroom.

Avery looked back sa dinaanan ng binata. She had guessed it led to the Faculty room. She shook her head sa pagkairita nang mapagtantong bothered siya nang dahil lang rito. She cleared her mind and went straight to her homeroom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infected and Damned(Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon