Sa twing may magtatanong sakin kung bakit ikaw ang pinili ko, bumabalik sakin yung unang beses na nakita kita. Inlove ako eh, minsan nga nagloloko sila na ginayuma mo'ko. Tsk, hindi naman! Iba lang talaga ang tama natin sa isa't isa. Kahit pa magkaron tayo ng maraming problema.
Naalala ko pa nung unang nagtext ka sakin, kahit wala akong load nagpaload ako kasi ang shunga mo, imbis na magpakilala ka kung anuano tinype mo. Nacurious ako kaya ayun, nagkakilala tayo. Sa totoo lang di ko inaasahan na maging tayo. Kumbaga, unexpected talaga! Hindi naman kasi talaga ikaw ang crush ko eh. Pero tinamo, naging tayo. XD
Madami nangyari bago pa maging tayo, may taguan ng nararamdaman, may selosan kasi ang dami nating pagkukunwaring iba ang crush natin yun pala mahal mo'ko tas mahal kita. Ang shunga noh? haha. Matagal din tayo bago nagkita, eh kasi naman pamysterious effect ka pang nalalaman dyan. Mabuti after ilang weeks nagpakita ka na. Alala ko din yung time na nagvolunteer ka na maging "KUYA" ko, kasi namention ko sayo na gusto ko ng kuya, nadisappoint ako nun kasi nga akala ko wala nang pag-asa. Lalo na't sinabi mo rin na may nliligawan ka.
Kinilig din ako nung namasyal kami sa SM tas ang sweet sweet mo sakin. Ang landi mo nga eh. Sabi mo pa nun may ginagawa ka na, nung tanungin ko kung ano yun, sabi mo INIISIP KA. Hay nako, pano ba naman di maiinlove eh ginagawan mo pa'ko ng mga tula nun. Tas nagkaaminan na nga tayo. Syempre ayoko ng nagkaaminan lang tas tayo na agad, niligawan mo pa'ko diba? Hanggang sa dumating na nga yung gabi bago maging tayo, sabi mo sa ayaw at gusto ko kakaunin mo ulit ako sa bahay, ang effort mo din. haha . Maghapon mong iniintay yung oo ko, kaso ang korni kung sa school kita sasagutin. Kaya nung hinatid mo'ko sa Swimming pool nung gabi, sabi mo, "uy, kelan mo ba'ko sasagutin?" natawa naman ako kasi mukha kang nalugi. "bakit? nagtatanong ka ba?" haha, sabay talikod ko pa nga nun eh, kasi nagpipigil ako ng kilig. Hanggang sa hinawakan mo ang braso ko sabay sabing, "will you be my girlfriend?"
Iniwan kitang nakatayo dun, diredirecho ako hanggang gate ng LCSC, sabi ko "oo naman, wag mo lang akong sasaktan." sabay ngiti ko sayo. Di mo nga alam ang gagawin mo kung tatalon ka ba o tutumbling kasi nga tayo na. Ang ewan natin noh? haha. Mas natuwa pa nga mga kaklase nain kasi tayo na daw. Nung gabing yon nag GM ka, pinamalita mo na tayo na, ang dami ngang nag congrats eh. Ganun pala yung feeling. Sobrang magical para sakin, syempre sa ilalim ba naman ng Full moon sa may soccer field kita sinagot. Ang dami pa ng mga bitwin sa langit.
Simula nun inalagaan at pinapasaya mo na'ko higit pa sa inaakala ko. Prinsesa na nga ata turing mo sakin eh. Mas madami pa'kong nalaman tungkol sayo at nagsasabi din naman ako tungkol sakin. Pero syempre hindi lahat. Grabe naman kasi pag lahat diba? Saka na yun. XD
Kahit tayo na parang walang nagbago, kasi kasama mo parin friends mo tas kasama ko rin friends ko. Hindi tayo palaging magkasama. Pero ramdam ko parin na mahal mo'ko. Hanggang sa isang araw magisa ako kasi nga grupo grupo sila pag magkakasama at may plano sila na kumain sa ibang kainan. Samantalang ako, independent, kung kanino lang sumasama. Ayoko pa namang kumain mag-isa dun sa kinakainan namin dati, di kasi ako sanay. Tinext kita, kung okay lang na samahan mo'ko, sabi mo oo. Medyo nabawasan na yung takot ko nun kasi kinaon mo nako sa room. Isang room lang naman pagitan natin eh. Pagkapunta natin sa restau tinanong ako nung nagmamanage nung restau, kung boyfriend daw kita, sabi ko oo. Ang proud proud ko pa nga nun eh. Tapos nung dumating na yung inorder natin, napatigil ako. Sabi mo bakit ayaw ko pang kumain. Tiningnan kita tas tumungo ako sabay sabing, "oy wag mo'kong panoorin please? nakakailang eh." tinawanan mo pa nga ako, "ang kyuuuuut mo talagang isip bata ka," sabi mo.
Mabuti naubos ko yung pagkain ko kahit minsan sumusulyap ka. Nakakaasar ka nga! Sabi nang wag tumingin niloloko padin ako! Aish. Haha. Pero ang saya ko nun, first time kong kumain ng may kasamang boyfriend. xD
Hanggang sa nasanay nakong ikaw ang kasama kasi nga nangiiwan na sila. Nagtatampo na nga ako sa kanila kasi parang nakalimutan na nila ako eh.
Unang beses kitang iniyakan kasi nalaman kong may crush ka na second year. Sorry ka ng sorry nun pero hindi kita pinapansin. bago tayo magmonthsary binigyan mo'ko ng doodle na may sorry sa gitna. At dahil nacute'an ako pinatawad kita. Ang babaw ko kasi xD