#SIC C-26
Bago tuluyang umuwi sa condo ay dumaan muna kami ni Hermes sa butika para bumili ng biogesic. Syempre, baka lagnatin kami mamaya.
"Do you have extra towels? Gusto kong maligo," sambit ni Hermes nang pabukas na ako sa pinto ng condo.
Tumango ako sa kaniya at tuluyan nang binuksan ang pinto. Bumungad sa amin ang nakahigang si Golden na nasa carpet ng sala. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Hermes nang nakita niya si Golden.
"Awww. . . our poor Golden," malungkot niyang sabi tsaka lumuhod sa carpet para daluhan si Golden.
Matamlay ang mukha ni Golden habang nakatingin kay Hermes kaya agad ko nang nilabas ang dog food at sinalinan ang bowl niya. Inabot ko kay Hermes ang bowl at tinanggap niya naman ito.
"Ligo muna ako," paalam ko sa kaniya.
Tumango siya, "Ako na ang bahalang magpakain sa kaniya, go ahead."
Hinawakan niya ang katawan ni Golden upang patayuin ito. Inilapit niya ang bowl sa mukha ni Golden pero umiiwas si Golden, animo'y walang gana kumain. Napakamot ako sa likod ng ulo ko at pumunta na lang sa kwarto.
Kinuha ko ang towel ko at mabilis akong naligo. Paglabas ko ng C.R. ay agad na akong nagbihis ng casual na suot dahil dadalhin pa namin si Golden sa vet. Nasa kalagitnaan ako ng pagpili kung itim o asul kong polo ang susuotin nang bigla akong napaigtad sa sigaw ni Hermes.
"Arus, help! Help! Si Golden!" natataranta niyang sigaw.
Nanlaki ang mga mata ko at agad kong hinablot ang itim na polo. Binilisan ko ang pagbu-butones nito at agad na tumakbo palabas ng kwarto.
Napaawang ang labi ko nang nakarating sa sala. Umiiyak na si Hermes habang yakap-yakap si Golden. Puno pa rin ng dog food ang bowl at may nagkalat na dugo sa carpet.
Nag-angat ng tingin si Hermes sa'kin habang patuloy na bumubuhos ang kaniyang mga luha. "Arus, sumuka si Golden. Dalhin na natin siya sa vet, please. . ."
"Oo, dadalhin na natin siya sa vet. Tahan na, Hermes," giit ko at agad na lumuhod. Kinuha ko mula sa kaniya si Golden at kinarga ito sa aking mga bisig. Agad kaming tumayo at lakad-takbo na umalis sa condo.
Pagkarating namin sa parking lot ay agad na binuksan ni Hermes ang back seat. Pumasok naman ako roon at inihilata si Golden sa seat. Matapos maihiga si Golden ay lumabas ako at umikot para pumunta sa driver's seat. Nang nakaupo na ako ay nasa back seat na si Hermes kaya agad kong ini-start ang makina at pinaharurot ang sasakyan palabas ng parking lot.
Habang nagmamaneho'y hindi ko maiwasang tumitingin-tingin sa rear view mirror dahil palakas nang palakas ang iyak ni Hermes. Nakahiga ang ulo ni Golden sa kandungan niya habang marahan niyang hinihimas ang katawan ni Golden at kinakausap ito para hindi matulog.
"Golden, please hold on. Papunta na tayo sa vet. Please hold on, okay? Konti na lang, Golden. . . Konti na lang," aniya habang umiiyak.
Napahawak ako nang mahigpit sa manibela. Nakakagigil. Ngayon lang ako labis na nairita sa speed limits. Gusto ko nang apakan ang engine hanggang umabot sa 100 para lang makarating agad kami sa vet pero tangina, hindi pwede.
"Golden, kumapit ka. 4 kilometers na lang. Malapit na, Golden." Giit ko habang unti-unting tumulo ang luha. Tangina, nakakainis. Parang anglayo-layo ng vet kahit hindi naman 'to ganito kalayo para sa akin noon.
Huminga ako nang malalim at mas nag-focus sa kalsada. Hindi ako puwedeng maging emosyonal habang nagmamaneho, baka ano pang mangyari sa'min. Kailangan kong magpakatatag. Malapit na, Golden. Konti na lang nasa vet na tayo. Konti na lang, Golden. 3 kilometers na lang. . .
BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
Любовные романыMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...