Chapter 16

16 1 0
                                    

Sunghoon pov.

Kinabukasan maaga ulit akong nagising. Nakabawi na din ako ng tulog. Maaga kaming nagpahinga dahil pagod padin sila jake. Kumain lang kami saglit sa resto at bumalik din dito sa kwarto. Sila sunoo naman naglibot, gusto ko mang sumama kaso bibigay na talaga ang katawan at mata ko sa antok.


"Hoon you wake jay na nga! Kanina ko pa sya ginigising." Tumango naman ako. Lumapit ako sa kama ni jay saka sya nilagyan ng unan sa mukha.


"Fuck! I can't breathe you, asshole!" Sigaw nya eh ayaw mong magising diba.


"Bumangon ka na dyan! Kanina ka pa ginigising ni jake! Eh kung ayaw mo naman bumangon edi matulog ka na lang habang buhay." Asar ko sa kanya.


"Do you want me to die!?" Oa die agad!? Hindi naman ganon ka higpit hawak ko sa unan.


"Edi nyaw? Bumangon ka na dyan!" Naligo na agad ako tsaka nag toothbrush para ready to go na. 7 am daw ang buffet eh, nung gumising ako 5:45 pa lang naman.


"Gising na ba sila hee? Jake!" Tanong ko pagka ayos ko sa sarili ko. Bakit nakakaramdam akong mga tulog pa sila.


"I think hindi pa. When I call hee kanina, there's no answer eh. We need to eat breakfast na kasi. Maaga ang mga people sa beach even though it's not peak season. Jay also tells me kahapon na nagpareserve na sya last night ng boat, for our island hopping." Sabi ko nga bibilisan na.


After namin magayos pumunta kami sa kwarto nila para gisingin na sila. May card naman si jake ng kwarto nagexchange kami ng isa. Pag pasok namin nakasarado pa ang kurtina at mga ilaw jusko malapit na mag 7.


"Hey sun... wakey wakey!" Bulong ko sa kanya pero hindi sya nagrerespond. Ganon din si hee, si jungwon lang ang nagising, nakayakap na kay jay.


Kinuha ko yung cellphone ko para gisingin sila. Nagpatugtog ako ng malakas, ayaw nyo ha! Gigising kayo dyan o mababasag ear drums nyo?


"WHAT THE FUCK!" "TAENA! ANO BA YAN!?" Sabay na sigaw nila, oh diba edi nagising sila. Tumawa naman sila jay.


"Ayaw nyo kasi magising eh, malapit na mag 7! Kailangan na nating bumaba tsaka gutom na ko." Reklamo ko nakatanggap naman ako ng unan sa mukha galing kay hee at isang kurot sa binti galing kay sunoo.


"Aray! Hehehehe Good morning!" Masayang bati ko kay sunoo.


"There's no good in morning park! If first thing in the morning your face is what I see." Masungit na sabi nya. Aba! Masakit yon ha. Nagpipigil naman ng tawa sila jake kaya tinignan ko sila ng masama


"Ouch! Ang swerte mo nga eh, mukha ko unang makikita mo sa umaga." Tumayo naman na sya para pumunta sa cr, inignore lang yung sinabi ko.


"Saan kayo galing last night?" Tanong ni jay kila jungwon habang kumakain.


"Inexplore namin yung dagat! Ang ganda tapos naglibot din kami sa pool at mga amenities dito, heeseung hyung guides us. They have gym and spa also sauna." Kwento ni jungwon, nakangiti lang si jay sa kanya halatang whipped.


"Saan tayo ngayong umaga? Gusto ko na mag beach!" Sabi ni heeseung.


"We should do island hopping. It's only 7:30 am palang naman. I suggest to go first at twin lagoon then have lunch in banul island. After that we'll go to barracuda lake then we'll go to kayangan lake. I also rent a boat na for us, so you don't need to pay. Let's just pack our snacks na lang." Sumunod lang kami sa sinabi nya.


Palagi? Palagi.Where stories live. Discover now