"Anak gising na baka mahuli ka sa unang araw ng klase mo"ani Mama sa akin.
"Gising na po Ma"sagot ko
Nag dali dali ako na mag ayos dahil ayaw ko mahuli sa unang araw sa colegio.
Maswerte na lang ako dahil naka kuha ako ng full scholarship sa isang kilalang university.
May maliit na karinderya si Mama sapat na para sa araw araw na pangangailan namin ng dalawang kapatid ko at may maliit pa ang bunso namin ng iniwan kami ni Papa at sumama sa ibang babae.
Kaya si Mama na ang tumaguyod sa aming tatlo na mag kakapatid kaya nag sisikap ako na maka tapos ng pag aaral para mabigyan ng magandang kinabukasan si Mama at mga kapatid ko.
Sakay ng jeep tinignan ko gamit ko kung kumpleto ng makita ko na ayos at walang kulang saka ako naka hinga ng maluwag.
Pag ka baba ng jeep nag lakad agad ako medyo may kalayuan pero ayos lang may oras pa naman ako at alam ko na hindi ako mahuhuli.
Makalipas ang bente minuto ay nakarating din ako sa harap ng gate agad kong tinanong sa guard kung saan ang office ng dean at agad naman akong tinuro kung saan ako dadaan.
Pag pasok ko pa lang ay namangha na ako sa ganda ng university maaliwalas dahil na din sa madaming tanim na mga rosas kay gandang pag masdan.
Hindi naman ako nabigo na makita ang office ng dean agad akong kumatok pag ka pasok ko ay agad akong pinaupo nito.
At inabot yung mga gamit sa akin at agad na umalis ako para hanapin ang unang subject ko na agad ko naman nakita.
Lumipas ang isang buwan at nagamay ko na din ang bawat lugar dito sa university. May nakilala na din ako dito kahit papaano.
Nag apply ako as student assistant para kahit papaano may konting maitulong din ako kay Mama sa gastusin naming sa bahay bukod sa natatanggap ko na allowance mula sa scholarship ko kailangan ko din ng dagdag na income.
Mabilis lumpas ang taon consistent naman ang taas ng grades ko at nasa dean's list din ako.
Paalis na ako ng tawagin ako ni Miguel Sandejas isa sya sa varsity player dito s university.
"Deeanne uuwi ka na ba?" tanong nito
"Oo aayusin ko lang yung gamit ko bakit?"tanong ko
"Pwede ba kitang mahatid?"alok nito
"Thank you pero wag na nakaka hiya saka out of way ang amin saka baka maabala lang kita"sabi ko
"Hindi ka abala sige na pumayag ka na"alok nito
Wala akong nagawa kaya pumayag na din ako. Ito ang unang beses na makakasabay ko sya sa pag uwi ilang beses ko na sya na tinanggihan kaya ngayon pumayag na din ako.
"Drive thru muna tayo ok lang?"tanong nito
"Ikaw ang bahala saka sayo naman itong sasakyan"sabi ko
Pumunta kami sa drive thru ng Jollibee at pinakinggan ko lang ang inorder nito ako naman ay tahimik lang.
Agad na binayaran nito ang inorder nito at kinuha ang lahat ng order nito binigyan ako nito kaya habang nag drive ito ay nakain ito.
Nang makarating sa tapat ng Bahay ay nagulat ako nainabot yung binili niya kanina.
"Ang dami nito Miguel"sabi ko
"Para sa inyo talaga yan sige na mag tatampo ako pag hindi mo tanggapin yan"sabi nito
"Thank you nakaka hiya hinatid mo na nga ako binilhan mo pa mga kapatid ko"nahiyang sabi ko
"It's ok para sa kanila talaga yan sige na baka inaantay ka na see you tomorrow"sabi nito
YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETE)
RomanceWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...