CHAPTER THREE

19 0 0
                                    

Sawyer's POV

Panghapong sinag ng araw ang gumising sa akin mula sa pagkakahiga sa ibabaw na malapad na silya na gawa sa kawayan. Ilang araw na rin magmula nang magpunta kami sa dulong gubat. At ilang araw ko na ring napapanaginipan ang babaeng nakita at nakausap namin, palaging ang mumunting tawa at ang maamo nitong mukha ang aking nakikita sa panaginip. Inaamin kong nagandahan ako sa babae ngunit hanggang doon nalang iyon, nakakasalamuha rin naman ako ng iba't ibang magagandang babae sa school o dito rin sa probinsya pero ni isa sa kanila ay hindi ko pa napapanaginipan, ngayon lang.

"Oh, nakatunganga ka diyan," nilingon ko ang nagsalita, hindi ko namalayang nakaupo na sa tabi ko ang aking kapatid.

"May iniisip lang," tipid na sagot ko. Ngayon ay may kung anong kinukulikot ito mula sa kaniyang cellphone at wala sa'kin ang atensyon. Hinayaan ko nalang ito at muling tumingin sa kawalan.

Tatlo kaming magkakapatid at lahat kami ay mga lalaki, ang isa ay pulis at iyon ang panganay sa amin. Ako at Lorcán naman ay parehong second year college ngunit mas matanda sa akin si Lorcán ng isang taon. Ang aming mga magulang ay kapwa mga abogado, ngunit maagang namatay ang aming ama mula sa sakit. Ang ina naman namin ay nagta-trabaho sa Maynila at minsanan lang umuwi dahil sa abala ito. Hindi nila ako tunay na anak ngunit inalagaan at itunuring naman nila akong kapamilya.

"Naalala mo ba 'yong babaeng nakita natin sa gubat?" tanong ko sa kasama. Bumaling si Kuya sa akin, ako naman ay nanatiling nakatingin sa kawalan.

"Oo, sino ba namang hindi makakalimot." sagot nito. Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nakangisi ito sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Huh? Saan, sa sinabi ko?" aniya.

"Oo, paanong hindi mo makakalimutan iyong babae?" tanong ko at isang beses akong sumulyap.

"Ah... Wala lang, bakit ba?" nagtataka ang boses nito.

"Wala.... " matagal bago ako makasagot.

"Bakit, type mo 'yon?" aniya at saka humalakhak sa tabi ko, tuluyan akong bumaling sa kapatid at masamang tumingin dito.

"Kuya, gago ka ba? Alam mo namang iba ang mga type ko." medyo napalakas na sabi ko.

"Ah! Oo nga pala, mukhang mahinhin at inosente iyong babae kaya malabong matipuhan mo." kibit balikat nitong sinabi.

"Kaya nga hindi ko tipo iyong babae," tanging nasabi ko at tumingin sa kung anong bagay. Sandaling katahimikan ang namayani nang magsalita ulit ang kapatid.

"Hmmm.... Ganoon ang mga tipo..." sabay halakhak nito. Masama ang mukhang binalingan ang katabi.

"Oh? Bakit? Akala ko ba hindi mo tipo? Ba't ganiyan ka makatingin?" tuwang tuwa ang loko.

"Wala akong pakialam, sige, puntahan mo sa gitna ng gubat at pormahan mo!" seryoso ang pagkakasabi ko pero ang kausap naman ay mukhang aliw na aliw.

"'Edi nagalit ka naman? 'Wag na!" hindi pa'rin ito matapos sa katatawa.

"Ba't ako magagalit? Bahala ka sa gagawin mo," iniwas ko nalang ang tingin sa kapatid.

"Biro lang, ito naman masyadong seryoso, diyan ka na nga lang." aniya at tunog nakangising tumayo. "Isipin mo lang, hanggang sa mahulog ka." tinapik nito ang balikat ko bago pumasok sa loob ng bahay.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang reaksiyon ko nang marinig kong tipo ni Kuya ang babae. Kapag may sinasabi si Kuya tungkol sa mga natitipuhan kong babae ay hindi naman ako nagagalit. Dapat ay hindi na ako magtaka kung matitipuhan nga ng kapatid ang babaeng nasa gubat. Ang mga tipo ni Kuya ay iyong mga mahinhin kumilos at magsalita, maamo at mukhang inosente ang magandang mukha na alam ko namang nakita niya kay Kelaya. Kelaya.... Napakagandang pangalan.

A Missing PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon