Driver's License

35 9 0
                                    


Driver's license

Written by: SaffieSam

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

"I love you so much baby" He whispered while we are looking above the sky at night. Witnessing the beauty of the moon and the stars.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "I love you too." Bulong ko at hinalikan ang pisngi niya. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganito katinding pagmamahal.

"Andrew, promise me na kapag nakuha ko na ang lisensya ko, ikaw ang unang-unang makakasama ko sa pagmamaneho" I added.

"Hmmm" lumapit pa siya sa'kin then he snaked his arms around my waist. Hugging me so tight. "You don't need to get a driver's license baby." He whispered while kissing my cheeks softly.

Kinunot ko ang noo ko sa sinabi niya. Nagtaka ako sa kanya. Why wouldn't I right?

"We can always take a ride in my car at kapag naging asawa na kita, I won't allow you to drive, baka kung saan ka pa pumunta" he chuckled.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"I know that it's your dream but. What if, maaksidente ka?" He asked.

"Mag-iingat naman ako. And we already talked about this right? Pumayag kana nga dati, tapos ngayon ayaw mo na naman." Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tumango na lang siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa'kin. Mahal na mahal ko talaga si Andrew. I can't imagine my self without him.

I got my driver's license last week. I will just surprise him tomorrow with my own car. Hindi pa ako nakakapagmaneho at ang gusto ko ay siya ang una kong makakasama.

Hinatid niya ako sa bahay dahil malalim na ang gabi. Lumabas siya sa kotse niya, sumunod na rin ako.

I invited him to go inside but he refused. Kailangan na rin daw niyang umuwi.

"I love you so much"  he said then he gave me a kiss.

"I love you too. Ingat ka sa daan."

"I will. Ikaw dapat ang mag-ingat sa daan kapag magmamaneho kana." Pagpapaalala niya sa'kin.

Nakatulog ako kaagad at maaga rin akong nagising sa araw na ito. Pupunta ako sa kanila gamit ang sasakyan ko. I am so excited! Finally!

Itinigil ko ang kotse ko sa harap ng bahay nila. Nakakapagtaka nga na wala si tita sa veranda nila.

"Hey! You—" biglang sumulpot si Andrew sa gilid ko.

"Wow. Nakuha mo na pala lisensya mo?" My boyfriend asked.

"Uh-huh. Let's go! Punta tayo kahit saan mo gusto" Sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla lang siyang pumasok sa kotse at hindi man lang nagpalit ng damit. Ito pa ata ang suot niya kahapon at medyo madumi pang tignan.

"Hindi ka magpapalit ng damit?" Tanong ko bago paandarin ang kotse.

"Hindi na, gwapo pa rin naman ako kahit ganito suot ko" then he winked. "Pero mas gwapo ako kapg walang damit!"

Damnit!

Pinaandar ko na ang sasakyan at patuloy siya sa pagpapaalala sa'kin kung anong dapat kong gawin kapag nagmamaneho.

"Punta tayo sa dagat." Sabi niya. Kinakalikot niya ang radyo ng sasakyan. Nagpatugtog siya ng kung anong kanta. At Sinabayan niya Ito.

"I'd never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
'Til you opened the door
And there's so much more
I'd never seen it before"

Drivers License (ONE SHOT STORY)Where stories live. Discover now