The Arranged Marriage (Vicerylle Story) Vice Ganda

7.8K 94 21
                                    

Si Jose Marie Viceral ay Panganay na Anak ni Richard Yap. Siya ang Kaisa isang Anak na lalaki ni Richard Yap. Ang Bunsong anak ay si Anne Curtis. Dalawa lang silang Magkapatid, Bata palang si Anne Curtis at si Jose Marie ay Namatay ang kanilang ina. Pure Chinease ang Pamilya nila kung kaya't may mga Tradisyon na dapat silang sundin. Bata palang si Jose Marie Viceral ay Nararamdaman na niya na May kakaiba sa kasarian niya, Nahihilig siya sa mga gawain na pambabae, Hindi niya ito pinapakita sa kanyang Ama dahil ang pinaka ayaw ng Ama niya ay ang mga Bakla kaya itinago niya ito ng mahabang panahon.
20 years old na nun si Jose Marie at 18 naman si Anne Curtis.

Anne Curtis : Kuya, may bali balita sa school na bakla ka daw?
Jose Marie Viceral : (Nagulat si Vice) huh? ano? Hindi totoo yan noh. wag ka maniwala sa kanila.
Anne Curtis : Ang Usap usapan kasi pag Swimming Class daw ninyo kung makatingin ka daw sa katawan ng mga lalaki mung classmate eh halos lamunin na ng tingin mo sila.
Jose Marie Viceral : Hindi yan totoo . tingnan mo ha sabi nila Ang Paningin daw ang lumalamon? sige nga subukan mo ngang lumamon gamit yung paningin mo.
Anne Curtis : oo nga noh !
Jose Marie Viceral : Kuya mo ko, ako paniwalaan mo. (Sabay Buntong Hininga ni Jose Marie)

Pinatawag sila ng Kanilang Ama na si Richard Yap. Dahil sa isang mahalagang Pag uusap.

Jose Marie Viceral : Daddy Bakit mo kami pinatawag my problema ba?
Anne Curtis : oo nga.
Richard Yap : Maupo kayu at may Mahalaga tayung Pag uusapan. Hindi naman Naiiba itong Pag uusapan natin dahil Alam naman ninyo ang mga Tradisyon natin na dapat nating Sundin. At dapat gawin.
Anne Curtis : Bakit Dad? Meron ba kaming Nakaligtaan na tradisyon?
Richard Yap : Ikaw wala . pero ang kuya mo meron .
Jose Marie Viceral : ha? ako? Ano yon?
Richard Yap : Hindi mo ba alam na dapat kang Ikasal sa Isang Chinease Girl. at Dapat na itong Asikasuhin sa lalaong Madaling Panahon Kailangan kang Maikasal sa Anak ng Kaibigan ko.
Jose Marie Viceral : Ano ? (Sa Sobrang Gulat ni Vice ay Napatayo siya sa kanyang Kinauupuan) Daddy, Hindi ako papayag. Hindi ko naman kilala yung babae na ipapakasal niyu sakin eh. Hindi ninyo dapat pinapangunahan ang mga desisyon ko sa buhay.
Richard Yap : But this is our Tradisyon! Hindi ito pwedeng baliwalain. Ito ang Makakabuti satin at Makakabuti sayu.
Jose Marie Viceral : Ayoko ! hindi ako magpapakasal sa babae na yon !
Richard Yap : Wag mo kong Susuwayin Jose Marie. Nakaplano na ang Kasal ninyo at Hindi mo na mababago yon, bukas na bukas ay sasama ka sakin at Ipapakilala sa atin ang Mapapangasawa mo. And That's Final ! (Lumabas si Richard Yap na Hindi Maipinta ang Mukha)

Hindi naman alam ni Vice Ganda ang gagawin niya. Hindi din niya alam kung paano niya haharapin ang planong pagpapakasal niya sa isang babae, dahil alam niya sa sarili niya na isa siyang bakla.

Anne Curtis : Kuya, okey kalang ba?
Jose Marie Viceral : Muka ba kong okey ? Naiinis ako bakit ganon si Dad Pinangungunahan niya lahat ng Desisyon ko sa buhay. Eh buhay ko toh eh wala siyang karapatan magpatakbo ng buhay ko at gumawa ng desisyon para sakin.
Anne Curtis : Eh diba alam naman natin na nasa tradisyon nga yung Kailangan mung makasal sa isang Chinease din.
Jose Marie Viceral : Pero dapat Kinausap niya muna ko bago siya nagplano ng Kasal. Eh Hindi ko nga kilala yung babae na ipapakasal sakin eh.
Anne Curtis : oo nga eh . ang higpit satin ni dad . Pero dont worry kuya bukas makikilala mo na yung Girl.
Jose Marie Viceral : hmmmm .. (Nagtalukbong ng Unan si Vice Ganda sa Sobrang Inis niya)

Nakatulog si Vice Ganda sa Sobrang Inis niya. Makalipas ang 3 oras ang Nagising siya, Nakita niya si Anne Curtis na Nagbabasa ng Libro sa tabi niya.

Jose Marie Viceral : Bakit andito ka?
Anne Curtis : Wala lang . Gusto lang kita katabi.
Jose Marie Viceral : Ahh Anne ?
Anne Curtis : Yes?
Jose Marie Viceral : Paano kung may Kapatid kang Bakla? tatanggapin mo ba siya?
Anne Curtis : Aba oo naman ! Malaki ang respeto ko sa mga bakla noh. tsaka kahit ano pa siya Kapatid ko siya.
Jose Marie Viceral : talaga ? (Malaking Ngiti mula kay Vice Ganda)
Anne Curtis : oo. Teka ! bakit mo naman natanong yan? Laki pa ng ngiti mo.
Jose Marie Viceral : ah may ipagtatapt kasi ako sayu eh. Sikreto lang natin ha.
Anne Curtis : Oh sige sige , ano ba yun?
Jose Marie Viceral : Bakla kasi ako.

Tumawa ng Malakas si Anne Curtis.

Jose Marie Viceral : Nabaliw ka na?
Anne Curtis : Ikaw bakla?
Jose Marie Viceral : hindi . Kabayo ako !??
Anne Curtis : Alam mo halata ko na yan noh. Ikaw lang naman itong ayaw umamin eh.
Jose Marie Viceral : Alam mo na? Paano mo nalaman?
Anne Curtis : Alam mo Magkapatid tayu kilala kita .at lagi tayung magkasama noh. kaya nahahalata ko na may lahi kang Sirena. (Malakas na tawa ni Anne Curtis)
Jose Marie Viceral : Oh wag mo ipag sasabi ha. Lalo na kay Daddy sigurado Magagalit yun sakin pag nalaman niya.
Anne Curtis : Hindi lang Galit. Bugbog ang abot mo. hmmm .. sabi na nga ba eh Bakla ka. ikaw siguro yung kumukuha ng panty ko sa aparador ko noh? Habang tumatagal Kumukonti eh.
Jose Marie Viceral : Oo na, ako na! wag ka mag alala babayaran ko yon.
Anne Curtis : Teka ! Anong Balak mo ngayun? eh ipapakasal ka sa babae. eh diba bakla ka?
Jose Marie Viceral : Kaya nga eh,  Siguro sasakyan ko nalang yung gusto mangyari ni Daddy.
Anne Curtis : Ibig sabihin papakasalan mo yung girl?
Jose Marie Viceral : Hindi ako papayag.

Kinabukasan ay Umalis na sila kasama si Richard Yap. Yun na ang araw na makikilala na ni Jose Marie Viceral ang kanyang mapapangasawa. Nagkita-kita sila sa isang Restaurant.

Richard Yap : Magandang Araw, Pare!
Friend : Magandang Araw, Nice to see you. ito ba ang Panganay mo?
Richard Yap : oo, si Jose Marie Viceral ang Panganay kong anak , at si Anne Curtis ang Bunso ko.
Friend : Good Looking ang Mapapangasawa ng Anak ko.
(Nagtinginan naman si Jose Marie at Anne Curtis)
Richard Yap : Teka asan ang Anak mo?
Friend : Nasa C.R lang siya.
Richard Yap : o sige , Umorder na tayu ng Food .

Makalipas ang Ilang Segundo, ay Bumalik na ang Anak ng kumpare ni Richard Yap. Siya ay si Karylle Padilla .

Karylle : Hello i'm Karylle Padilla.
Richard Yap : I'm Jose Marie's Daddy. and This is my Son your future husband and my Daughter Anne Curtis
Jose Marie Viceral : Hello (Pilit na salita ni Vice Ganda)
Richard Yap : Your so Pretty.
Karylle : Thank you.
Richard Yap : Mabuti pa iwan muna namin kayu dito ni Jose Marie para magkakilala kayu.

Lumipat ng ibang table sina Richard at Anne kasama ang Tatay ni Karylle. Naiwang Magkasama si Karylle at si  Vice Ganda. Kinakausap siya ni Karylle ngunit hindi siya pinapansin si Vice Ganda.

Karylle : bakit parang di mo ko pinapansin? di mo ba ko gusto?
Jose Marie Viceral : Hindi pa ba halata?
Karylle : Kailangan nating gawin toh dahil ito ang gusto ng mga magulang natin.
Jose Marie Viceral : May sarili akong buhay, at may sarili akong mahal.
Karylle : Nahihirapan din ako sa set up na toh, kaya please makisama ka naman.
Jose Marie Viceral : Bahala ka kung ano gusto mo basta ako ayoko.
Karylle : wala ka ng magagawa. Nakaplano na yung kasal.
Jose Marie Viceral : hmmmm .

Pilit na Sinusungitan ni Vice Ganda si Karylle. Mahabang oras din ang nakalipas at Naisipan ng Umuwi nila Richard Yap. Nauna naman si Vice Ganda sa Sasakyan hindi na siya nag paalam kay Karylle.

(Sa Sasakyan)
Richard Yap : oh ano? nagustuhan mo ba si Karylle, Mabait na babae at Higit sa lahat Napaka ganda niya.
Jose Marie Viceral : Hindi ko po siya gusto.
Richard Yap : Sanayin mo na gustuhin siya. By the way . Magkakaroon tayu ng Bakasyon sa Boracay this Weekend kasama ang Family ni Karylle.
Anne Curtis : Boracay? nako GO! ako jan.
Jose Marie Viceral : hindi ako sasama.
Richard Yap : Hindi pwede. Kailangan sumama ka.
Jose Marie Viceral : Ok fine!!.

Sumapit na ang araw ng Sabado Ang Araw ng Pag alis nila papuntang Boracay. Kasabay nilang Sumakay ng Eroplano ang Pamilya nila Karylle . Kasama nila Karylle ang kanyang Ama at Ina kasama ang Nakakatanda niyang Kuya na si Luis Manzano. Agad napansin ni Vice Ganda si Luis Manzano Na attract siya agad sa binata dahil sa Taglay na kagwapuhan nito. Hindi lang niya pinapahalata at baka siya ay mahuli. Pinatabi naman ni Richard Yap si Vice Ganda sa tabi ni Karylle.

Karylle : Hi.
(Hindi Namansin si Jose Marie)
Karylle : Hanggang dito ba naman susungitan mo ko?
Jose Marie Viceral : oo pagdika tumigil kakasalita jan . lalo lang kitang susungitan.
Karylle : Sama mo naman.
Jose Marie Viceral : Masama talaga ko. kaya Pagsisisihan mo pag nakasal tayo.
Karylle : Andito na tayu. Kaya itutuloy na natin yung kasal.
(Tiningnan siya ng masama ni Vice Ganda)

Ilang Oras din ang byahe nila papuntang Boracay. Nag check in sila sa Hotel. Magkasama sa iisang Kwarto si Vice Ganda at si Karylle. Dahil nga sa ayaw makasama ni Vice Ganda si Karylle ay lumabas muna siya. Nakita naman siya ni Anne Curtis at Pinuntahan siya.

Anne Curtis : ano ginawa mo dito?
Jose MarieViceral : Alam mo namang ayoko kasama yung Karylle na yun kaya ako lumabas dito.
Anne Curtis : Eh paano yan pag kinasal kayu?
Jose Marie Viceral : Hindi ko din alam .Pero may plano ako.
Anne Curtis : Ano naman yon?
Jose Marie Viceral : Lagi ko siyang Iinisin para magalit siya sakin at siya na mismo pag pahinto ng kasal namin.
Anne Curtis  : Nako . Goodluck nalang sayu ha.
Jose Marie Viceral : Pero alam mo ang Gwapo ng Kuya niya. Ang sarap! (Kinikilig)
Anne Curtis : Daig mo pa babae kung kiligin ah. Di ka type nun.
Jose Marie Viceral : alam ko . Crush lang naman ah.
Anne Curtis : Babalik na ko sa Kwarto ko . Inaantok na ko eh.
Jose Marie Viceral : ui Pwede ba tabi nlang tayu matulog.
Anne Curtis : Hindi pwede . gusto mo bang Pagalitan ako ni Daddy.
Jose Marie Viceral : Hay nako . oh cge na umalis ka na.

Umalis na si Anne Curtis .Naiwan namang Mag isa si Vice Ganda, Nakatulala si Vice ng May Humawak sa Balikat niya Si Karylle ang Humawak sa kanya.

Jose Marie Viceral : Anong Ginagawa mo dito?
Karylle : Wala lang. Kanina pa kasi kita inaantay sa kwarto eh ang tagal mo kaya pinuntahan nalang kita.
Jose Marie Viceral : Eh ano namang pakielam mo?
Karylle : Hindi ba ko pwedeng Mag alala sayu?
Jose Marie Viceral : Hindi ! Dahil hindi naman tayu eh.
Karylle : Bakit ba galit na galit ka sakin?
Jose Marie Viceral : Dahil di kita gusto.
Karylle : Bakit sapalagay mo gusto ko itong nangyayari? (Umiiyak na si Karylle)
Jose Marie Viceral : Sa mga pinapakita mo sakin parang gusto mo na din toh.
Karylle : Dahil sa Kasal na ito. Nagkahiwalay kami ng boyfriend ko. Mas mahalaga sakin ang pamilya ko kaya ko ito ginagawa.
(Nagulat si Vice Ganda sa Sinabi ni Karylle)
Jose Marie Viceral : May Boyfriend ka?
Karylle : oo meron ako date. dalawang taon din ang itinagal ng Relasyon namin Naging masaya kami sa relasyon namin walang problema may balak na nga kami nun magpakasal eh . pero nung pinakilala ko siya sa kay daddy hindi siya tanggap. hindi kasi siya Chinease Filipino siya. Dahil nga alam na ni Daddy yung relasyon namin Pilit niya kaming pinaghihiwalay hanggang sa humantong na tinakwil ako ni Daddy dahil sinuway ko siya, Umalis ako nun samin may balak kami magtanan ng boyfriend ko pero nahuli kami ni daddy sa sobrang galit niya binugbog niya yung boyfriend ko. at ako naman Grounded ako ng Ilang Araw. Simula nun di na kami nagkita ng Boyfriend ko hanggang sa sinabi na ni Daddy sakin na ipapakasal na ko sa kapwa ko Chinease.
Jose Marie Viceral : Napaka Lungkot naman pala ng Istorya mo.
Karylle : Kaya ko gusto matuloy ito kasi ayoko magalit ulit sakin si Daddy. Pero kung ayaw mo di naman kita pipilitin okey lang sakin kung ayaw mo sakin tanggap ko naman yon (Umiiyak siya)
Karylle : Sige papasok na ko ha (Umalis na siya habang Umiiyak)

Sinundan naman siya ng Tingin ni Vice Ganda na Tipong awang awa sa dalaga. Pero hindi niya nakakalimutan na Ayaw niya pa rin magpakasal dito. Di kinatagalan ay pumasok na si Vice Ganda sa Kwarto nila. Nakita niya si Karylle na Mahimbing na ang tulog. Wala siyang Choice kung hindi tumabi kay Karylle. Kinabukasan ay Naunang Nagising si Karylle kaya naiwan si Vice Ganda, Nag swimming si Karylle Mag isa sa Dagat. Nagising si Vice Ganda Nag almusal muna siya bago siya lumabas ng kwarto nila, Nakita niya si Karylle sa may Dagat na nakaupo hindi niya ito nilapitan tinitingnan niya lang ito. Na isip niya Paano kung mainlove nga siya kay Karylle hindi niya alam kung paano kaya niya itatama ang pagsusungit kay dito. Habang Nakatingin si Vice Ganda kay Karylle ay Bigla niyang Napansin si Luis Manzano ang Nakakatandang Kapatid ni Karylle. Nilapitan niya ito at Kinausap.

Jose Marie Viceral : Hi
Luis Manzano : Hi ikaw ba yung mapapangasawa ng Kapatid ko?
Jose Marie Viceral : Aah ako nga.
Luis Manzano : Alam ko na ayaw mo sa kapatid ko, Nararamdaman ko yun. Pero Mas mabuti kung itigil nalang ang kasalan ninyo kesa laging nasasaktan ang kapatid ko.
Jose Marie Viceral : Hindi ako may Hawak ng Desisyon. Eh Ikaw may Girlfriend ka na ba?
Luis Manzano : Ikakasal na ko. Sa babaeng Mahal ko.
Jose Marie Viceral : Ikakasal ka na?? (Gulat niyang tanong)
Luis Manzano : oo Bakit parang gulat na gulat ka?
Jose Marie Viceral : aah wala. wala.
Luis Manzano : mauuna na muna ko sayu may pupuntahan pa ko.

Nalungkot si Vice Ganda ng Nalaman niyang Ikakasal na ang Nagustuhan niyang lalaki. Napansin din niya na Hindi siya pinapansin ni Karylle. kaya Agad niya itong Kinausap.

Jose Marie Viceral : Galit ka ba sakin?
Karylle : ha? Hindi ah.
Jose Marie Viceral : Bakit di mo ko Pinapansin?
Karylle : Bakit kailangan ba lagi kitang pansinin? (sabay alis ni Karylle)

Kinagabihan nakahiga na si Karylle sa Kwarto nila ng biglang pumasok si Vice Ganda ng Lasing. Pa gewang gewang maglakad si Vice Ganda at Pagdating sa kama ay bigla siyang bumagsak sa binti Karylle. Nagulat naman si Karylle at Inayos niya si Jose Marie Kumuha na din siya ng Pampunas para mapunasan ito. Siya na din ang nagbihis kay Jose Marie. habang Binibihisan niya si Jose Marie ay nagising ito. Nginitian niya si Karylle.

Karylle : Anong Nginigniti mo jan?
Jose Marie Viceral : Mahal mo na ko noh?
Karylle : Eh ano naman kung Mahal kita? Bakit mahal mo ba ko?
Jose Marie Viceral : Oo mahal kita.
(Nagulat si Karylle sa sinabi ni Jose Marie)
Karylle : Ano?
Jose Marie Viceral : Joke lang !

Sa Sobrang Inis ni Karylle ay tinulak niya si Jose Marie, At agad na Nakatulog si Jose Marie, Nakatingin lang si Karylle kay Jose Marie . Hindi niya mapigilan ang nararamdaman kaya't Unti unti niyang nilalapit ang labi niya sa labi ni Jose Marie At Nahalikan niya ito.Pagtapos ng nangyari ay Humiga nalang ulit si Karylle at Natulog na. Hindi niya alam na gising pala nun si Jose Marie at Alam niya na HInalikan siya ni karylle. Ngumiti lang si Jose Marie sa ginawa ni Karylle.

Kina umagahan. Nagising si Karylle  nagulat siya dahil Merong Breakfast in Bed sa kama nila. Si Jose Marie pala ang Naghanda nun para kay Karylle.

Karylle : Bakit may ganyan?
Jose Marie Viceral : Breakfast in Bed.
Karylle : Di mo naman kailangang gawin yan eh.
Jose Marie Viceral : Eh andito na eh. Sabay na nating kainin.
Karylle : Kala ko ba ayaw mo sakin?
Jose Marie Viceral : Lahat ng Tao nagbabago.

Pagtapos nilang Kumain ay Sabay na din silang Lumabas Papuntang Resort. Habang Naglalakad sila ay May Napansin silang isang Bar, pero hindi na nila ito Pinuntahan. Maghapong magkasama si Jose Marie at Karylle Nagkwentuhan sila buong araw . At Nagkapalagayan sila ng Loob. Nainlove na ng Sobra si Karylle kay Jose Marie. Isang Gabi Nagising si Karylle ng Wala si Jose Marie sa Tabi niya kaya hinanap niya ito sa resort. Nagtanong tanong siya kung asan si Jose Marie, Sa pagtatanong niya ay may nakapag sabi sakanya na nasa Bar daw si Jose Marie Banda sa Resort kaya pinuntahan niya ito agad. Pagpasok niya duon ay Madaming lalaki sa loob ng bar. Nagtanong siya sa Isang Waiter duon at Sinabi ng waiter na Puro Bakla daw ang pumapasok sa Bar na iyon. Kaya nagtaka si Karylle. Naglakad lakad si Karylle sa Bar at Napansin nga niya Mula sa Malayu si Jose Marie kaya pinuntahan niya ito. Nagulat siya sa nakita na may Kahalikang lalaki si Jose Marie sa Upuan, Nakita naman ni Jose Marie si Karylle at Nagulat ito Nasipa niya ang kahalikang lalaki. Agad na Nag Walk Out si Karylle Habang Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata, hinabol siya ni Jose Marie . Nung Naabutan niya si Karylle Hiwakan niya ito sa Braso, At Sinampal siya ni Karylle.

Jose Marie Viceral : Let me Explain.
Karylle : Anong ibig sabihin non!!? Bakla ka!!?
Jose Marie Viceral : Sori kung naglihim ako sayu hindi ko kasi pwede sabihin sayu ito dahil hindi pwede malaman ni Daddy kung ano ang kasarian ko.
Karylle : Napaka Makasarili mo! Hindi mo ba alam kung anong pakiramdam ng ginagawa kang tanga ng taong mahal mo!!!???
Jose Marie Viceral : Hindi ko ginusto toh! Kaya nga ayoko matuloy ang kasal diba!
Karylle : At ano?? Hinayaan mong lalo kitang Mahalin.
Jose Marie Viceral : Hindi ko sinabi sayung mahalin mo ko! Ikaw ang kusang nagmahal sakin kaya wag mo saking isisi kung bakit ka nasasaktan ngayun.
Karylle : Siguro nga ! Hindi ka karapat dapat na mahalin!! (Sobrang Umiiyak si Karylle Sabay Umalis siya)

Wala na si Karylle Sa Kwarto nila. Umupo si Jose Marie sa kama at Umiiyak siya. nakita siya ni Anne Curtis at Nilapitan siya. Niyakap ni Anne Curtis si Jose Marie.

Jose Marie : Nasasaktan ako . Dahil sa mga pinag gagawa ko. (Umiiyak habang nakayakap kay Anne Curtis)
Anne Curtis : Wag mo isisi lahat sa sarili mo.
Jose Marie : Napamahal na ko kay Karylle pero sinaktan ko siya. Hindi ko na alam kung ano pang irarason ko sakanya pagtapos ng nangyari.
Anne Curtis : Mapapatawad ka din niya pero sa ngayun hayaan mo na muna siya nasaktan siya ng todo sa ginawa mo at sa mga sinabi mo. Umalis na sila kasama si Karylle bumalik na sila ng Manila.
Jose Marie : ano?
Anne Curtis : Bukas uuwi na din tayu sabi ni daddy.
Jose Marie : Alam na ba ni Daddy ang nangyari, oo alam na niya pero wag ka mag alala bibigyan ka ng chance ni daddy para Mag explain.

Kinabukasan ay bumyahe na din sila pauwi ng Manila. Pag uwi sa kanilang Bahay ay agad kinausap ni Richard Yap ang anak na si Jose Marie Viceral. Sinabi lahat ni Jose Marie Viceral kung bakit niya tinago ang kasarian niya na siyang kinagalit ng kanyang Ama Hindi na din matutuloy ang kasal nila. Pagtapos ng pag uusap ay pumasok na sa kwarto si Jose Marie Viceral balak niyang puntahan si Karylle sa kanilang bahay kaya nagpasama siya kay Anne Curtis.

Anne Curtis : Ang Layo naman ng bahay nila.
Jose Marie Viceral : Ito na ata yung bahay. (Pinindot ang Doorbell)
Maid : Sino po sila?
Jose Marie Viceral : Pwede po bang magtanong  Anjan po ba nakatira si Karylle Padilla?
Maid : ah si Mam Karylle . Dito nga siya.
Jose Marie Viceral : Pwede po ba namin siya makausap?
Maid : Nako wala na siya dito, Pumunta na silang America kasama ang mga magulang niya. ewan ko nga ba kung bakit eh biglaan kasi yon.
Jose Marie Viceral : Ganon po ba? Eh kelan ang balik nila?
Maid : di ko lam kung kelan ang balik nila eh. mukang matatagalan sila siguro duon.
Jose Marie Viceral : sige salamat po.

Parang Binagsakan ng Langit nun si Jose Marie hindi niya alam kung san hahanapin sa Karylle . Nagbagong buhay si Jose Marie nun Nagpaka lalaki na siya at Kinalimutan ang pagiging Bakla niya, Hindi siya nawawalan ng pag asa na magkita sila ulit ng babaeng gusto niyang Makasama Habang Buhay. Ilang Taon ang Lumipas at May  Inalok ulit ang Daddy niya sakanya na Kailangan niyang pakasalan pinuntahan nila ito. At Nagulat si Jose Marie na si Karylle pala ang gustong ipakasal ulit sakanya.

Jose Marie Viceral : Ikaw?
Karylle : Ako nga ! di mo ba ko namiss.?
Jose Marie Viceral : (Niyakap ni Vice Ganda si Karylle) Miss na miss ! Sobra!
Jose Marie Viceral : Im Sorry sa ginawa ko! Napatawad mo na ba ko?
Karylle : Matagal na yun . Pwede naman tayung mag umpisa ulit diba ng bagong Memories.
Jose Marie Viceral : Oo naman. Mahal na mahal kita.
Karylle : oh ano papayag ka bang magpakasal sakin??
Jose Marie Viceral : oo naman ! Hinding Hindi na kita papakawalan. Akin ka na!

Sobrang saya nila Jose Marie at Karylle . At Natuloy na ang Kasalan nilang dalawa. Engrande ang kasal nila Madaming Bisita at Madaming Nag Abay sa kasal . Naging Masaya sila pagtapos ng Lahat ng Pagsubok sa kanilang Pag mamahalan. Totoo ngang Pag itinakda kayu para sa isa't isa kahit ano pa ang kasarian mo at kahit anong Mangyari, Sa Huli kayu pa rin ang Magkakatuluyan.























 

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Arranged Marriage (Vicerylle Story) Vice Ganda 🎉
The Arranged Marriage (Vicerylle Story) Vice GandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon