26.

27 13 4
                                    


Stella Emery Bautista
(The Day Before She Escaped)

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa pagtatago ng katotohanan sa akin ni Noah.

I was left alone with my shadows, when he came. Then he told me that he'll stay and help me to overcome this thing inside me. I was shining. Shining in the way how he made my life special. It was almost perfect pero, nasira lang sa isang katotohanan na dapat matagal nang naisiwalat.

I already forgive him, It wasn't his fault after all. Kung mayroon mang may kasalanan dito, ako 'yon. Masyado akong nadala sa emosyon ko. I already accepted my fate. Mula sa paghahanap kay Ate Sky, sa mga pagkakamaling nagawa ko, sa pagkakaroon ko ng sakit, sa pagkakakilala ko kay Noah at maging pag-iwan sa pamilya ko.

Nguni't may isa akong hiling, I want my days to be happy them. Yet, I'm too broke to get my self back into pieces.

I need to let this all out.

"She's still asleep," rinig 'kong saad ni Ate Lilac kay mom at dad. Gising ang diwa ko nguni't nanatili akong nakapikit at nagpapanggap na tulog.

"Pagkagising niya, kukuhanan natin siya agad ng test. We'll do chemotherapy or radiation therapy baka sakaling pwede pa,"  aniya.

I felt a pain on my chest like it was stabbed by a dagger when Ate Lilac said that words.

Ayos na eh, tanggap ko na. Na ang kapalaran ko ay kamatayan. But, the fact that they're are still pushing na kaya pa nang katawan ko? I don't think so.

"Her vitals signs is somehow in good condition. Pero, may lagnat siya ngayon. Mataas. However, we can give her acetaminophin or NSAID's to moderate the pain she feel after her chemotherapy or radiation therapy."

Acetaminophin is my pain reliever, kadalasan na hinihiling ko sa tuwing gagawa kami ng therapy kung saan hindi ko kaya yung sakit. At isa pa, It works by changing the way my body senses pain and by cooling my body.

Tagong-tago ang sakit na dinaranas ko. Ayaw 'kong kaawaan nila ako. Ayaw 'kong mahina ang tingin nila sa akin. Ako si Stella eh. Kilala ako bilang isang malakas, matapang na babae.

Pero kahit anong lakas ko, ang siya rin namang kabaliktaran na kahinaan ko.
Kahit anong tapang ko, kapag ganitong naman ang ikinakaharap mo tiyak na maduduwag din ako.

I often found myself with my face down the pillow and spent my time crying to forget all of these, unti I fall alseep. And for the next day, magpapanggap na naman ako na parang kaya 'kong pasanin sa balikat ang mga problemang nangyayari sa buhay ko.

Isa lang ang kahilingan ko bago ako mawala, gusto 'kong puntahan yung mga bagay na sa tingin ko magpapakalma ng nararamdaman 'kong takot.

Dagat, habang dinadama ang malamig na ng hangin. Habang pinagmamasdan ang mga talang nagniningning sa madilim na kalangitan.

"Please do anything, Nurse Lilac." I heard mom said.

"Opo, Tita Syd. Hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kapag nawala pa sa akin ang isa sa mga pinakamalapit sa loob ng kaibigan ko na si Sky." She whispered.

"Una pa lang, napalapit na ang loob ko sa anak niyo. Pero, hindi ko inaasahan na mas miserable pa ang buhay niya kaysa kay Savviena. Walang bumibisita sa kaniya rito,  kung hindi si Sam lang. Bumibisita kayo pero, lagi ko siyang nakikitang nakatulala habang umiiyak sa tuwing aalis na kayo ng kwarto niya."

"Masyadong naapektuhan si Stella, sinasarili niya ang mga problema niya. Wala siyang kaibigan. Wala siyang mapuntahan. There's a time she told me na ikinakahiya raw siya ng pamilya niya. Sorry, Tita Syd. Pero, nasasaktan ako sa tuwing nakikita 'kong nagpapanggap siya na hindi siya naapektuhan."

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon