Chapter 9

308 14 8
                                    

DOMINIQUE'S POV.

Oo, mahal ko na si Lee. Akala ko noon simpleng paghanga lang yung nararamdaman ko, pero nagtanong ako sa expert.

Kanino pa ba? Edi kay Kris.

*FLASHBACK*

"Kung bumibilis yung tibok ng puso mo andyan siya, mahal mo na yun. Pag ayaw mo siyang mawala, pag nagseselos ka pag may kasama siyang iba. MATIK NA! MAHAL MO NA TALAGA!" sabi sakin ni Kris habang pumapalakpak pa.

"Mahal ko na nga ata talaga siya." Bulong ko.

"Tangina Dominique! Dalaga ka na talaga. Im so proud of you!" Sabi niya at kunwaring nagpupunas ng luha.

TANGINA LEE. MAHAL NA KITA!

*END OF FLASHBACK*

Naka-balik nako sa kwarto namin ni Lee. Tulog na tulog na ang gago.

Naka-bukaka pa!

Inayos ko yung pagkaka-higa niya. "M-mmmm." Napatingin ako bigla sa kanya nung narinig ko siyang umungol.

Kinumutan ko siya tsaka ko humiga sa tabi niya. Naka-harap siya sakin kaya kitang kita ko yung mukha niya.

Ang ganda niya kahit naka-nganga pa siyang matulog.

Habang pinagmamasdan ko yung mukha niya, bigla siyang gumalaw at umayos ng higa.

"R-ryu, bumalik ka na sakin. Kaylangan kita, kaylangan ka ng anak natin." Kahit tulog si Ryu pa din? Aray ha.

Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Umiiyak nanaman siya.

Pinunasan ko yung luha niya. "Hay nako Lee. Tulog ka na nga pero umiiyak ka pa rin." Bulong ko sa kanya.

Tinaas ko yung ulo niya tsaka ko pinatong sa braso ko. So braso ko yung nagsisilbing unan niya.

Nakatingin lang ako sa may kisame.

"M-mmm." Ungol niya. Ano namaman bang panaginip neto?!

"D-dominique? W-wag mo kong iiwan ha? Dito ka lang sa tabi ko lagi ha? Hindi ko alam yung gagawin ko pag nawala ka pa." Napa-tingin ako sa kanya.

Sht. G-gising n-na s-siya?!

"H-huy. Nakikinig ka ba?" Tanong niya sakin.

"H-ha? O-oo." Sagot ko.

"Wag mokong iiwan ha?" Tanong niya habang naka-tingin sakin ng seryoso.

--

LEE'S POV.

"Hay nako Lee. Tulog ka na nga pero umiiyak ka pa rin." Nagising yung diwa ko nung may bumulong sakin.

Akala ko panaginip lang pero naramdaman kong may nag-angat ng ulo ko kaya napa-ungol ako bigla. Minulat ko ng onti yung mata ko at nakita ko siya..

Si Dominique..

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla akong nagsalita.

"D-dominique? W-wag mo kong iiwan ha? Dito ka lang sa tabi ko lagi ha? Hindi ko alam yung gagawin ko pag nawala ka pa." Tumigin siya sakin at halata mo sa kanyang gulat na gulat siya.

"H-huy. Nakikinig ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"H-ha? O-oo." Sagot niya.

Daddy na ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon