Chapter 17...Assault
Aby's Point of View
"Ugh! I hate her! I literally hate her!"
Kanina pa akong naiinis dito.
"Huwag ka ngang malikot." Saway sa akin ni Juliana na ginagamot ang sugat ko sa mukha.
Nandito kami ngayon sa bench. Juliana was sitting next to me while Yza was just standing in front of me.
"Hindi naman ito mangyayari kung hindi nyo naisipang kumain sa cheap na cafeteria na 'yon." Paninisi ko sa kanila.
Like, duh. Eating grassy food for lunch? Gross.
"Hindi ito mangyayari kung hindi ka bully. Bakit naman kasi pinaalis mo pa si Neil doon?" Pagbabalik ni Yana ng sisi.
"Because I want that spot."
"At bakit mo pinalagan si Mary? Alam mo namang wala kang magagawa sa kanya."
Is she insulting me or not?
"What? Of course kayang-kaya ko ang babaeng 'yon. If we are going to have a rematch, I'll make sure that she's not going to win against me again."
"Pang-ilang rematch na ba ang nangyari kanina Sis? Hindi ka pa rin nananalo." Parang nang-aasar na sabi ni Yza.
I rolled my eyes at her. "I don't know. Basta naiinis ako sa kanya. Gustung-gusto ko s'yang matalo and at the same time, patayin."
I took a deep breath. That bitch is really getting into my nerves. Bakit kasi kailangan pang magpakita ng babaeng 'yon sa akin? Mapa-village o dito? Nakakainis. Makita ko lang ang pagmumukha niya kumukulo na agad ang dugo ko.
"By the way, Yza. I saw you last time with Gus. Bakit naman hanggang ngayon humahabol ka pa rin doon? Marami pang ibang lalaki dito lalo na ang mga katulad mong sa labas nakatira." I opened a new topic.
"Duh. He's so handsome kaya. Hindi ko magawang ma-in love sa iba. S'ya lang talaga ang gusto ko."
"Kahit hindi ka gusto?"
Umupo siya sa tabi ko. "Okay lang naman kahit hindi n'ya ako gusto. In fact, mas lalo ko nga s'yang nagugustuhan kapag nakikita ko s'yang naiirita sa akin. He's so cute."
I twisted my lips while looking at her in love face. "Stop that. You're being insane."
"Just let her. Magsasawa din 'yan." Tapos na akong gamutin ni Juliana.
"Of course not. Never---Oh my Gosh is that Gus?" Tumingin kami sa tinitingnan n'ya. She's right. It's Gus. "Yieee puntahan ko lang ah! Bye-bye see you later."
"Yza!" Tawag ko pero dire-diretso lang ito sa pagtakbo. "Tsk. Babaeng 'to talaga walang kadala-dala."
"Kaya nga. Ang tagal nang naghahabol kay Gus pero hanggang ngayon umaasa pa rin."
"Huwag lang s'yang paiiyakin. I don't know what I can do to him if he makes her cry."
"Iiyak lang iyang si Yza pero bukas o makalawa, maghahabol na naman." Natatawang sabi ni Juliana.
"Ewan ko ba sa kaibigan natin. Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo doon pa nagkagusto sa hindi siya gusto."
"Wala tayong magagawa." She stood up. "Pupunta lang ako sa locker sasama ka?" I shook my head no. "Okay. Didiretso na rin ako sa room. Sumunod ka na ah?"
"Mmm. Sige salamat."
Naiwan ako mag-isa sa bench. Kinuha ko ang red ribbon clip ko at inipit iyon sa aking buhok. I always tie my hair into half-up and half-down hairstyle with a red ribbon clip on it. Hinayaan ko ang ilang mga hibla sa mukha ko dahil hindi iyon abot sa tali ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Mistero / ThrillerAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...