Cat and Dog Story (One-Shot)

1.1K 15 2
                                    

 Author’s Message:

Pramis! Very short lang ito. Kaya ko ginawa itong one-shot na ito ay para magkwento tungkol sa mga BFFs ng main characters natin sa AHAW na si Nate at Sandy. Okay lang ba? Sorry kung lame pero okay lang sa akin. Dito ako nag-eenjoy. Pagbigyan niyo na ako, please? Hehe. Eto na po. Wala nang paliguy-ligoy pa.

--------------------------------------------------------------------------

Cat and Dog One-shot

Time: Time ng graduation nila nung high school? Natatandaan niyo? If not, basta ito yung time na nagbigay ng speech si Chace at tinawag niyang Angel Princess si Nat. Thank you sa mga nakakaalala. Hindi ko ilalagay dito yung date like what I always do sa mga chapters sa kadahilanan na... nakalimutan ko na ang date. Sorry naman.

Alexandria’s POV

“Hoy! Alexandria! Hintayin mo naman ako!” mahingal-hingal na tawag sa akin ni Nathaniel. Naku. Tong lalaking to kahit kailan ay kay kupad. Bwiset! Graduation na graduation eh nabubwiset ako! Sa pagkakaalam ko eh graduation party niya ito pero bakit parang ako pa ata ang nauuna? Leche. =__=

“Hoy Nathaniel! Party mo to! Napakakupad mo!” Bulyaw ko. Nakakainis. Nandun na nga ata yung mga guest sa venue eh. Siya nga pala, hindi lang naman si Nathaniel ang may spotlight dito noh? Asa siya! Syempre para sa aming apat ito pero nagkataon lang na parents niya ang nag-organize. Kayang-kaya ko kayang mag-organize ng sarili kong party. Duh! Mayaman kaya ako!

Hay. Mabuti naman at nakapasok na kami sa hotel na pagdadausan nitong event na echos na ito. Sorry naman. Ganun talaga kami, mahilig sa party... kahit simpleng bagay lang. Well, hindi naman ito simpleng party dahil hello, graduate na kami sa high school. Yeah! Mas malaya na ako kaysa dati dahil college na kami. By the way, napagdesisyunan kong kumuha ng Business Management na course for future purposes. Trip ko naman ang ganun. Pasado na rin naman ako sa pinag-takan ko ng exam so no worries na para sa akin. Galing ko talaga.

“Sandy naman! Hindi mo ako hinintay! Muntik na akong masagasaan dun sa labas. May nasesante pa ako ng wala sa oras!” sinamaan ko ng tingin yung lalaking parang kabute nalang na sumulpot sa may gilid ko. Mukhang pawis na pawis. Eew! Pero gwapo pa rin. Tse. May nasabi ba akong ganun? Di yun kasama ah!

“Well, kasalanan ko bang tatanga-tanga at ang kupad mo pa at kasalanan ko rin ba na yung tauhan mo sa may labas ay hindi ka nakita dahil sa kapandakan mo?” itinaas ko pa yung kilay ko. Sandy style. Sinasabi ko lang naman na pandak siya pero mas matangkad siya sa akin. Matangkad naman itong lalaking ito eh kaso pag itatabi mo siya sa mga kaibigan niya, for sure ay pwede siyang lumubog anytime.

“Anong sinabi mo?!” medyo naiinis niyang tanong. Nyahahaha. Nakakatuwa talaga itong asarin. Nyahahaa. Well, nageenjoy naman ako. “Sabi ko... pandak ka! Bansot!” nakangisi ko pang sabi. Wuhuhuhu. Kay saya-saya ng buhay! Nakita ko nalang na ang sama ng tingin niya sa akin. Duh! Hindi ako maaapektuhan niyan noh. Ako kaya si Alexandria Perez, anak ng dalawang kilalang personalidad na si Marie at Chester Perez. Hinding-hindi ako masisindak ng kung sinu-sino lang diyan!

“Nate, hinahanap ka ng mommy mo.” nakita ko na papalapit sa amin si Nathalie at kasunod naman niya ang uber sa gwapo niyang kapatid na si Nick. Masisisi niyo ba ko? Kay gwapo naman talaga. Magkamukha sila ng ate niya. Cute nga eh. Pwede silang kambal pero matapang nga lang tumingin si Dominick. Sino bang makakatalo diyan eh uber number one playboy yan? I am proud of him! Natutuwa ako sa mga pinapaiyak niyan. Wait, wait, wait. May kulang? Asan si de Verra? Well, bahala siya!

“Alis muna ako. Nathalie....” napansin ko na nagpalitan ng senyas si Nat-nat at Nate. Wuh! Halos pareho kasi pangalan nila eh. Mag-ama talaga. =__= Ako daw nanay. Tse. Asa. Magiging asawa ko yung bansot na yun? Asaness!

Cat and Dog Story (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon