Johnson P.O.V
A KIND OF WONDERING. 'I don't know what or how really is love. Hindi ko rin alam kung kailan ba ito malalaman. Sa kung sino at paano bang masasabing nagmahal ka.'
"Ano nga ba ang pag-ibig?"
"Is it for opposite only? Biblically speaking? or even an opportunity?"
Ilang beses ko ng binigyang question ang pag-ibig. Ilan bang teorya ang aking susubukang tuklasin para ma prove kung ano nga ba talaga ang depinasyon ng pag-ibig?
Ugh! Sa sobrang daming sumasanga sa aking isipan, tila bubulahaw nalang ang mga ito mula sa aking utak palabas ng aking isipan.
"Love has no boundaries,
Has no gender,
Love is Love."
Tama kaya?
Or might
Mali ang mga ito?
O ako ang mali?
Ano nga ba dapat?
Nalilito karin ba?
Napapaisip kung ano?
Pareho ba tayong kwinikwestyon na ang sarili?
Sobrang hirap naman!
At kung merun mang isang depinasyon ng pag-ibig? Gusto kong malaman.
Ako si Johnson Yrub. 22 years old. Isang studyante sa isang university.
Note: ADMĪRĀRĪ is a work of fiction.
AUTHOR: ATHEN ROSSENTCHAPTER 1
Ilang libro paba ang bubuklatin ko upang matagpuan lamang ang depinasyon ng pag-ibig?
Ilang k-drama paba ang papanuorin, aabangan at pagpupuyatan ng husto?
Magkaganon man, na humantong sa iba't ibang diskurso tungkol sa pag-ibig. Naniniwala parin ako na ang pag-ibig, saka mo lang malalaman kapag masaya ka, nasasaktan ka, at higit sa lahat ay kapag natututo ka.
Hindi ko masasabing criteria na ang tatlong mga ito. Naniniwala parin ako na may sari-sarili tayong perspektibo sa isang phenomenang matatawag, ang pag-ibig.
Ngayung araw ang paglipat ko sa boarding house malapit sa aking papasukang university.
At ang pagkakaalam ko pa ay hindi lang ako ang titira sa boarding house. Kasama ko ang isang lalaki sa isang kwarto. Iyon ang sinabi sa'kin ni Tita Maurice noong siya'y tumawag.
Masasabi kong tila blessing ang pag-apak sa University. Dahil tanging ako lang sa lima ko pang mga kapatid ang tutuntong sa kolehiyo. Sila kase ay nagsipag-asawa na't nagkaroon narin ng sariling pamilya. Maliban sa akin na mas piniling pagsabayin ang pagtra-trabaho at pag-aaral.
BINABASA MO ANG
admīrārī
Romance'HE WAS JUST SITTING ON A CHAIR THEN HE SAW THE MAN HE ADMIRE FROM A FAR' "Mamahalin kita hangga't hindi pa natatapos ang araw, kahit alam kong hindi tayo hanggang sa huli. Mali man ang nararamdaman natin sa isa't isa. Ikaw ang nasa puso ko. Wala ng...