I Saw The Sign (One Shot Story)

15 2 18
                                    

"Oy pat, tingin ko may manliligaw na naman sayo. Look oh!" tinignan ko ang tinuturo ni Nics and I saw two boys na parang nag-aaway. 'Yung isa may hawak na gitara habang 'yung isa naman may hawak na bulaklak.

"Psh. Wala akong pakialam nics." sagot ko habang pinapaikot-ikot ang spaghetti sa tinidor.

"Ano pat? Hihintayin mo 'yung Kevin na 'yun? Eh wala ngang pake sayo 'yun e."

"Grabe ka naman nics, sakit ah."

"Pat concern lang naman ako sayo kasi syempre bestfriend kita. Ayaw mong tawagin kang maganda kahit ang totoo niyan ay ang ganda ganda mo. Nang dahil lang sa sinabi nung kevin na 'yun, nagkakaganyan ka."

Well, totoo lahat ng mga sinabi ni Nics. Maganda talaga ako. Mahaba ang buhok, matangos ang ilong, maputi at may dimple pero parang nakakawala kasi ng confidence ang sinabi sa akin ng crush e. OA mang sabihin na naaapektuhan pa rin ako sa sinabi ni crush noong first day of class. June niya pa kasi 'yun sinabi at February na ngayon. Eh kasi naman e, ang sakit kaya. Oh Kevin James Alcantara, ano bang ginagawa mo sa akin. T_T

-Flashback-

(First of day of class)

"Wow. Ang ganda naman pala ng school namin." Nandito ako ngayon sa gate ng school namin. Yes my parents own this school. My first 3 years kasi sa high school ay sa States ako nag-aral. Eh kaso namimiss na raw ako nila mommy at daddy kaya pinabalik na nila ako dito sa Pilipinas at dito na raw ako mag-aral. :)

"Ang ganda niya."

"Sino siya? Ang ganda niya pre!"

Nafaflattered naman ako sa mga naririnig ko. Pero teka? Saan nga ba ang classroom ko. I forgot to ask mom.

Calling mom...

Habang hinihintay kong sagutin ni Mommy 'yung phone. Inilibot ko muna 'yung mata ko sa field ng school. Grabe first day na first day ang dami na agad naglalaro sa field. Hayy, sana makahanap agad ako ng kaibigan dito.

"Yes dear?"

"Mom, I forgot to ask you and dad. Where's my room nga pala?"

"Oh you're room # is 156. Enjoy your first day ashley. Gotta go. Bye."

"Bye mom." Hayy. Busy na naman siguro sila mommy. Okay umpisahan na ang oplan hanap 156. Hahaha.

"Awwww." Ang sakit ng braso ko. T_T

"Waaaaaaah. Sorry. Sorry. Sorry. Masakit ba?"

"Ah hindi. Sige tulungan na kita." Lumuhod ako para tulungan siyang pulutin 'yung nahulog niyang mga gamit. Pero nakakapagtaka dahil hindi siya kumikilos at nakatingin lang sa, sa ID ko? Huh? Bakit? Ang pangit ko ba sa picture. Sabi na e. T_T

"Ikaw si Patricia Ashley?"

"Ah. Oo bakit?

"Waaaaaah. Ikaw si Patricia. Totoo nga talagang ang ganda ganda mo. Pwede ba tayong maging magkaibigan, please?"

"Of course we can be friends. And your name is?" tanong ko sa kanya kasi magiging kaibigan ko nga siya pero hindi ko naman alam ang name niya. :D

"Nicole. Nicole Sioc."

"Well nice to meet you nics."

"Anong tinawag mo sa akin? T_T"

"Ni-nics? Bakit?" Ayaw ba niya nung nics? Edi nucs na lang. Laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

"Waaah. Thank you. Thank you." sabi niya habang nagpupunas ng luha. Nagustuhan niya naman pala 'yung nics e. Akala ko naman ayaw niya.

"You're welcome pero wait bakit parang naiiyak ka nung tinawag kitang nics?" nakakacurious kasi talaga e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Saw The Sign (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon