It all started - Chapter 1

546 8 1
                                    

PARIS' POV

"Hey Bes, taralets? Hindi naman tayo magtatagal eh. Magpapalamig lang tayo dun."

"Wait lang, mag-aayos lang ako"

Nag-aayos palang ako nang biga nalang akong hinatak palabas ng bahay. Shungaa talaga neto, 'di makapaghintay nitong si Zia. Papunta nga pala kami sa mall. Hindi naman talaga kami pumupunta dito, ngayon lang. Ewan ko ba kung anong nakain ni Zia.

"Yaaay. Here we are Pie." saad ni Zia nung nasa tapat ng kami ng SM. Nilakaran lang namin to. Malapit lang naman kasi bahay namin dito kaya anytime pwede kang pumunta dito, hindi para mamili kundi magpalamig lang ang ginagawa namin dito. Nakapasok na rin kami. Hmp. Nakita ko yung malaking poster sa tabi nung isa shop. Muka ni ate Khuey. Ganda niya talaga. Sikat na sikat na pala siya.

Kinaladkad naman ako ni Zia paloob doon sa shop na yun.

Tumitingin ako ng mga heels, hanggang tingin lang naman ako dito eh. Ang gaganda naman ng mga eto.

"Oh my gosh. Ms. Khuey. Bakit po kayo nandito?" tanong nung sales lady

Napatakip ako ng muka ko at hinatak naman palabas si Zia.

"Zia, muntik na tayo dun. Ano ka ba naman, ba't ba kasi tayo pumunta dito? Alam mo namang--" Nagulat ako dahil may biglang humatak sa kamay ko papalayo doon. Alam ko namang hindi si Zia to. Hindi ko alam kung sino naman yung epal na to. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang gulat ko. Nang mapalayo na kami sa madaming tao dun nalang kami napatigil.

"Ano ka ba! Muntikan na yun. Magkakagulo nanaman dito pag nakita ka!" Sigaw nung lalaki saakin habang naghahabol ng hininga at nakapatong ang kanyang mga palad sa tuhod niya.

"Hoy! Anong magkakagulo na sinasabi mo? Disente akong tao. Hindi ako kriminal para pagkaguluhan! " sigaw ko rin sakanya.

"Wag mo nga ako paglaruan. Nag disguise disguise ka pa jan sa buhok mo, halata pa rin na ikaw yan!" Hindi ma-process sa utak ko ang mga sinasabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon. HAHAHA. Disguise? What? May sira ata sa ulo eto. I'm totally me. Pwera lung kung may--\

"Halika na Khuey, i-uuwi na kita." DUH!

Ah, hindi ko pa pala nababanggit. Madalas akong mapagkakamalan na si ate Khuey dahil super duper magkamuka kami. Na-ulit na ata tong scene na to ah. Hindi lang dalawang beses higit lima na ang mga humahatak saakin at sinabing magtago dahil akala nila ako si ate Khuey. Hindi kami magkakambal. Dalawang taon ang agwatan ng edad namin.

***

Andito ako sa loob ng sasakyan nung lalaking humila saakin. Hindi naman ako makapagpaliwanag dahil hindi nila dapat malaman na may kapatid si ate Khuey dahil ayaw daw akong pagguluhan ng mga media sabi ni mama.

Pero ano kasi tong napasukan ko, kung hindi na sana ako pumunta sa mall eh. Kaasar. But wait, may plano ako.

Hindi ko alam yung pangalan niya, patuloy parin siya sa pagdrive. Hindi ko naman pwedeng tanungin sakanya kasi magtataka yun.

Nakita ko yung ID niya. Yes! Buti nalang. Hihihi.

"Ahm, Troy.. nawiwiwi akoo eh. Hindi ko na kaya." palusot ko with matching hawak sa tiyan kunyare. Pang best actress ang lola niyo. Hihihi.

"Ibababa nalang kita sa restaurant na madaanan natin." sagot niya. Yes! Makakatakas na rin ako. Wohooo. Good Job Pie!

At ayun nga nag stop yung kotse sa harap ng italian restaurant. Bumaba muna si Troy. Bubuksan ko na sana yung pinto kaya lang inunahan niya ako. Ganito pala maging mayaman may nagbubukas sayo ng pinto sa sasakyan.

Baba na sana ako nang may inabot saakin si Troy. "Oh eto. Kakailanganin mo yanpara hindi ka nila makilala." Tuamngo nalang ako. Inabot niya saakin yung sweater tapos sun glass saka iyon sinuot.

Pinagbukas niya ako ng pintuan dun sa restaurant. De joke, pinagbuksan kami nung guard siyempre. Napaka-ganda naman nitong restaurant na to. Hmp. *grooowl*

"Oh ano, nagugutom ka noh?" napatingin siya saakin ulit nang narinig niya yung tiyan ko. Oo, nagugutom na ako. Pero kailangan ko nang makatakas. Hmp.

"Pero wait lang. Nawiwiwi na ako eh." Tama, tatakas nalang ako. Siguradong nag-aalala na saakin si Zia. Nasakanya pa naman din yung cellphone ko.

Tatalikod na sana ako nung tinawag niya ako. "Khuey, hindi ako si Troy. Ako si Ivan." Hindi na ako napalingon. Sobra akong kinabahan pero napa-face palm nalang ako at napagdesisyunan ko nang tumakbo palabas ng resto.

Hindi na ako mapagguguluhan dahil dito sa disguise ko. Yaaaaay. Kasalukuyan parin akong tumatakbo. Nasa labas na ako ng resto ng biglang  *BOOOOGSH*

"SH*T YOU!" sabi nung lalaki. Ang kapal naman niya, siya na nga 'tong nagbnggo saakin, siya pa magagalit. Iba na talaga mga tao ngayon. Binabaliktad nila ang mundo.

"TSE! Anong sh*t ako. Ikaw nga tong nakabunggo saakin eh., kaw pa may gana magalit. " Sinigawan ko siya. Nakapameywang pa ako dito. Siguradong hindi niya ako makikilala dito sa disguise ko

"SHUT THE FVCK UP!"  Sigaw niya habang tinanggal yung shades niya. 

OH MY GOLLY GULAY. Hohoho. Para akong nakakita ng bituwin sa harap ko. Kill me now. Ang gwapo niya ^_^ 

"Oh anong tinitingin tingin mo jan? Huh?" Kahit sinisigawan niya ako ngayon, nakatitig parin ako sakanya. Feeling ko, tumutulo na yung laway ko. Pero iba yung aurang nararamdaman ko dito. Para siyang isang........

I REALLY HATE GANGSTERS!

Natauhan naman ako nung nalaman kong isa siyang freaking gangster. Tumalikod na ako at pinagpatuloy yung pagtakbo. Kakambal ko ba ang malas? Daming kamalasan ngayong araw na toh. 

Kumuha na ako ng taxi. "Manong sa ..... po" Pupunta muna ako sa mall. Nag-aalala na kasi saakin si Zia. Sure akong hinahanap niya parin ako dun.

Nandito na ako sa mall kaso ilang minuto na hindi ko patin nahahanap si Zia.  And FYI, naka disguise pa rin ako dito. Napagdesisyunan kong umuwi nalang.

END OF CHAPTER 1

------

Author's Note: Hi guys. Gising pa ba mga readers ko sa SMSHaha. Isang taon ko na rin hindi yung nauupdate. Ngayon lang ako ginanahang mag update ng story kasi sa sobrang pagka-bored ko dito sa bahay. kain tulog lang ang trabaho ko dito eh. :D. I hope may magbasa nito. Thank you. Once again, cliche po tong story na to pero  sana basahin niyo :)

~milkshake323

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married the King of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon